"RAMOOOOOOOOSOOOS!!!!!!!" sigaw ni Yongsun na bumasag ng buong katahimikan sa loob ng HR department.
Lahat naman ng employee ay natatarantang nilingon siya at yumuko para magbigay galang.
"Argh! Where is he?! Nasan na yung HR manager niyo?!" nangagalaiting tinignan nito isa isa ang mga employee sa HR department.
Mabilis namang pumunta sakanya ang isa sa HR assistant at nanginginig na hinarap si Yongsun.
"Umm, Ms. Kim. Palabas na po ng recruitment room. Inaayos lang po yung resume ng mga intern na hinired niya kahapon for the position." Hindi ito makatingin ng diretso kay Yongsun dahil sa takot at sa tingin niya na para bang kakainin siya nito ng buhay.
Sakto namang kalalabas lang ng HR Manager sa recruitment room hawak ang resume nang mga nagpasang estudyante at agad na natarantang hinarap ito nang mapansing hindi maganda ang mood ng boss niya.
"You! How many times do I have to tell you?! Hindi ka pwedeng kumuha ng trainees coming from different universities, dahil atenista lang ang pinapayagan ko sa kumpanyang ito!" napapikit naman bigla ang HR manager dahil sinigawan ito ni Yongsun sa harap ng mukha niya.
May shares at malaki laki narin ang ambag ni Yongsun sa university na iyon, kaya itong school lang na ito ang pinayagan niyang mga students na magtake ng on-the-job training sa kanyang kumpanya.
Maraming stalkers at admirers si Yongsun. Kaya naman maingat siya sa mga taong nagtatrabaho sakanya at naghihired pa siya ng private investigator bago sila mahire para lang icheck yung background nila at makumpirmang wala itong pakay o masamang balak kay Yongsun.
Puno ng kahihiyan namang idinilat ng HR manager ang kanyang mga mata at nakitang lahat ng tao sa department ay nakatingin sakanya.
Pinahiya nanaman siya ng kanyang boss sa harap nila. "Err, Ms. Kim. Let me explain, qualified naman silang lahat for the position eh. Tsaka yung tatlo sakanila star player ng volleyball, galing silang lahat sa exclusive university from Taguig."Kunot noo namang tinignan ni Yongsun ang HR manager na nasa harap niya at para bang hindi ito makapaniwala sakanyang narinig. "At kailan pa naging UAAP 'tong kumpanya ko? You're making me laugh, Mr. Ramos. Nasan yung resume ng mga yan?"
Inabot ng HR manager ang hawak nito kay Yongsun at isa isang tinignan ni Yongsun ang mga pangalan at personal information na nakalagay dito.
"Oh, I get it." sabay kuha ng isang resume at itinapat ito sa mukha ng HR manager.
"Ito ba ang dahilan? I know you." nagsimulang ngumiti si Yongsun na may halong pagiging sarcastic.
Matagal nang alam ni Yongsun na silahis ito kaya naman lahat nang matipuhan nitong mga estudyante na naghahanap ng OJT ay tinatanggap niya agad lalo na pag ito ay boyish, cool at siyempre yung looks na pasok sa standard niya.
Bago pa man magsimula ulit ang HR Manager ay agad namang pinunit isa isa ni Yongsun ang mga resume ng mga estudyanteng nahired sa naturang posisyon.
Bigla namang narinig Yongsun na may tumunog na telepono at agad na sinagot ito ng HR Assistant.
"Umm, ano po? Nasa baba na po sila?" takot na tumingin ito kay Yongsun at hinold ang telepono ng ilang segundo.
"Mam, umm. Paano po yun? Hindi na po ba namin sila papapasukin? Nasa baba na daw po yung mga estudyante eh." nagaalinlangang tanong nito kay Yongsun.
Matagal bago sumagot si Yongsun. And for the first time in her life, nagdadalawang isip siya ngayon kung papalayasin ba niya ang mga ito o hahayaan nalang niyang mag OJT ang mga bata sa kumpanya.
Putangina.
Napamura siya ng bigla niyang maalala yung mukha ng estudyante na isa sa dahilan kung bakit hinired ito ng HR Manager.
Kailan pa siya naging interesado sa isang estudyante? Eh wala naman siyang mapapala don.
"No, I want to see them in person." sagot nito, sabay tingin ng masama sa HR Manager na nasa harap siya.
"I hope this will be the last time." naiiritang pagkasabi nito.
"Dahil sa susunod, hindi na ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa posisyon mo." dagdag niya sabay walkout ng naturang department.
Agad naman silang nagkahinga ng maluwag nang mapansing wala na ang masungit na CEO at kanya kanyang bumalik sa gawain at nagchismisan muna ng ilang saglit.
"Wait, did I heard it right? Ay hindi pala, nakita ko pala. Nakita at na-witness ng dalawang mata ko yung resume na kinuha ni Ms. Kim at itinapat sa mukha niyo, sir?" intrigerang pagkakasabi ng HR Assistant sa kanyang silahis na HR Manager.
"Girl, I know right? Actually, lahat naman sila attractive. Kaya nga lahat sila hinire ko eh. Hahahahaha!" natatawang sabi ng HR Manager.
"Ewan ko ba jan kay Ms. Kim, ba't isa lang kinuha at tinapat pa sa mukha ko. Ano bang sinasabi niyang iyon ang dahilan bakit hinire ko sila? Eh lahat nga sila cool at may looks kaya nga lahat sila pasok eh. Hahahaha!" dugtong nito.
Sinagot naman siya pabalik ng Hr Assistant na para bang kinikilig pa ito. "Siguro nacutan siya dun sa Moon Byulyi ano? Ayun lang yung resume na tinapat sa mukha mo eh! Hahahaha!" biro niya.
Sabay sabay namang naghiyawan at tilian ang mga tao sa HR department sa patuloy na pagbibiro sa lovelife ng kanilang masungit na boss.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
Любовные романыA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...