Chapter 8

167 6 6
                                    

Byul's POV

Napalunok si Byul nang pumasok sa office ng babaeng.. sa pagkakaalam niya, ay ito ang may ari ng kumpanyang pinapasukan niya.

Malamig sa loob ng office nito, dala ng aircon at kwartong sobrang kulob. Wala din itong mga bintana at hindi ganoon kaliwanag o maaliwalas sa loob ng kwarto.

Marahil ay hula ni Byul hindi masayahin ang babaeng nasa harapan niya ngayon.

Kahit malamig ay bigla siyang pinagpawisan nang mapansing nakabukas na ang tatlong butones ng blouse nito, na nakasara kanina lang bago siya pumasok rito.

Tangina ano ba 'to?

Umiwas bigla ng tingin si Byul bago pa man mahuli siya nito na nakatingin sa cleavage ng babaeng nasa harapan niya ngayon.

Ngunit huli na nang napansin na pala siya nito. "Like what you're seeing?"
nakangising sabi ng babaeng nasa harapan niya at para bang natutuwa pa na nahuli niya si Byul sa nakatingin sa dibdib niya.

Bigla namang pumasok sa isipan ni Byul si Ryujin.

Tangina talaga.

Pagdating sa temptation, kayang kaya i-resist ni Byul lahat ng babaeng magtatakang akitin siya kahit gaano pa ito kaganda. Kaya nga tumagal sila ni Ryujin ng dalawang taon, kasi hindi niya nagawang bumigay sa mga ito.

Nangako sa sarili si Byul na bago pa man maging sila ni Ryujin ay tatalikuran na niya ang pagiging player niya. Si Ryujin lang ang babaeng sineryoso nito at ang tanging babae na tumagal sakanya. Si Ryujin lang ang taong para sakanya. At iyon ang gustong paniwalaan ni Byul hanggang huli.

But something about her feels different.

Aminado si Byul na mahihirapan siya dito, kaya kailangan niyang iiwas ang sarili.

"Ahh.. bakit niyo ho pala ako pinatawag dito?" dodging the question she asked, iniba bigla ni Byul ang topic para lang alisin ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Oh, yun ba? I called you here just to tell you na I'm going fired you right after this pati yung mga estudyanteng kasama mo." She pointed straight.

Ano? Putangina.

Para bang nabingi bigla si Byul sa sinabi ng babaeng ito at nakalimutang boss niya pala ang taong nasa harap niya ngayon.

"Ano?" hindi makapaniwalang sagot ni Byul pabalik.

"I'm Yongsun Kim, by the way. Ako lang naman ang may ari ng buong kumpanya." pagiintroduce ng kanyang sarili at walang ganang tinignan si Byul mula ulo hanggang paa.

Matapang na tao si Byul at hindi ito basta basta umiiyak sa harap ng ibang tao. Pero dahil sa patong na patong na problema at hindi na alam kung saan pa kukuha ng pera, sa lahat ng utang at bayarin nito sa school.

Namumuong luha at buradong pagasa na tinignan nito si Yongsun. "Kailangan ko ng pera. Wala nang trabaho tatay ko at nararamdaman kong iiwan na rin naman niya kami kaya kailangan kong rumaket at humanap ng ibang paraan para mabayaran lahat ng utang namin sa school."

Walang reaksyon tinignan siya ni Yongsun at kung ano man ang umiikot sa isipan nito ay walang ideya si Byul. "And so? It's not my problem to solve. Tsaka ano bang macocontribute niyo sa kumpanya ko? Wala naman diba. Wala akong mabebenefit sa inyo. In short, wala kayong kwenta." tinignan siya nito na para bang wala itong ka-kwenta kwentang tao.

Napanganga naman si Byul sa sinabi at naging reaksyon nito sakanya.Hindi niya lubos akalain na may tao pala talagang ganito. Walang awa, selfish at sobra makapang apak ng pagkatao.

Hindi na napigilan ni Byul ang sarili atsaka tuluyan na itong sumabog. "And so?! Mag-iistop na nga yung kapatid kong isa! Ni hindi ko nga alam kung makakagraduate pa ba ko o hindi na! And so?! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, Ms. Kim! Hindi ko na alam kung saang kumpanya pa ulit kami maghahanap pag pinaalis niyo kami rito!" sigaw nito na kinagulat naman ni Yongsun.

Matagal bago magsalita muli si Yongsun pero agad naman itong nagsalita nang makapagdesisyon. "Sige, papayagan ko kayo dito. Pero ikaw, hindi ka dito magtatrabaho."

Taas kilay na tinignan siya Byul. "Ha?"

Ngumiti naman ito ng nakakaloko atsaka sinagot siya pabalik. "Dun ka magtatrabaho sa main branch ng company ko sa manila."

Tangina gago?

Hindi talaga maintindihan ni Byul anong trip sa buhay ni Ms. Kim o gusto lang talaga siya nitong pahirapan dahil sinigawan niya ito 'kanina.

"Teka, Ms. Kim. Napakalayo 'non. Tsaka saan ako kukuha ng pamasahe para bumiyahe ng ganon kalayo?"

Hindi siya nito sinagot at nagsimula nang pumunta sakanyang desk.

Tinignan lang siya nito bago simulang buksan ang kanyang laptop na nasa harapan lang niya.

"Ayaw mo na ulit mag-apply sa ibang kumpanya diba? Then dun ka magtrabaho sa main branch ko." rinig ni Byul na pagkakasabi nito.

Wala naman siyang choice kundi sumunod nalang at itanong ang address ng main branch ng kanyang pupuntahan bukas.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon