Chapter 76

67 1 0
                                    

The night has come.

Third POV

Dahil naging successful ang pagpapatayo ng business ay agad namang nagcelebrate si Byul kasama ang mga kaibigan. Pinayagan naman ito ni Ryujin at sinabihan na magupdate nalang siya from time to time.

Nakakailang bote ng sila ng alak at hindi na nagdala pa ng kotse si Byul dahil baka madisgrasya ito at hindi na makauwi pa dahil sa labis ng kalasingan.

Sa loob ng ilang buwan ay naging maganda ang takbo ng buhay ni Byul.Pagkatapos nitong matanggap sa trabaho at magresign after dahil sa plano ng tatay niyang magtayo nalang ng business. Chef naman dati sa barko ang papa niya at para may libangan ito ay nagtayo nalang sila ng restaurant sa may maynila.

Simula nang mahuli din ito ni Ryujin na iniistalk parin si Yongsun ay naging matatag parin naman ang relasyon nila at hindi na muling inopen pa ang topic para lang wala nang mapagawayan ang dalawa. Dahil araw araw na nilalamon ng konsensya at unti unti nang natatanggap ang sitwasyon nila ni Yongsun.

Sa huling pagkakataon ay tinangkang isearch ulit ni Byul ang username at pangalan ni Yongsun sa twitter. Para sana i-congratulate ito nang makita niya ang latest post ng Forbes at makapagpaalam sana ng maayos kay Yongsun, kahit na sa huling mensahe man lang.

@yongsunkim blocked you on twitter.

Tulala at hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Nakailang refresh ito ng feed. Tinry i-dm si Yongsun, pero nagmarkang pula lamang ang kanyang sinend na message.

Dahil sa namumuong sama ng loob ay huminga ito ng malalim at malakas na bumuga ng hangin.

"Tangina." ang tanging nasambit ni Byul.

Hindi niya maintindihan kung bakit tila hanggang ngayon ay hindi niya parin magawang kalimutan si Yongsun, kahit na matagal na itong wala at walang kasiguraduhan na babalik pa ito ng bansa.

Agad na nagpaalam naman si Byul sa mga kaibigan para tuluyan nang makauwi at mag antay ng grab na maghahatid sakanya pauwi.

The Edge of the Cliff

Third POV

Pagkababa ng grab at matapos magbayad ay dali daling pumasok ng bahay si Byul at walang ingat na binuksan ang pinto at agad na tumungo sa kusina para kumuha ng malamig na tubig.

Dahil dala narin ng alak at umiikot na ang paningin, unti unti namang bumuhos ang malamig na tubig sa katawan niya habang umiinom ito sa pitsel. Malakas na ibinato nito ang pitsel sa kung saan, at naglikha naman ito ng malakas na ingay na nagpababa bigla kay Ryujin sa may hagdan.

"Ahhhhhhh!!!!!!!!!" malakas na sigaw ni Byul nang magsimula na itong magwala.

Hagulgol sa iyak nitong itinapon ang mga gamit sa table ng kusina at isa na nga roon ang baso na biglang nahulog, pira pirasong nabasag at nagkalat sa sahig nang bigla itong tumama.

Kahit halos mapatalon sa gulat ay matapang na nilapitan ito ni Ryujin at pilit na pinapatayo si Byul dahil nagsisimula na itong gumapang sa sahig dahil sa labis na kalasingan.

"Byul. Tumayo ka diyan. Tignan mo nga yang sarili mo!" galit na wika ni Ryujin dahil hindi na ito natutuwa sa mga katarantaduhang pinag gagawa ni Byul.

Patuloy parin ito sa paghagulgol ng iyak at iniiwas naman ni Ryujin si Byul na makatapak ng bubog habang kinakaladkad ito palayo sa kusina.

"Umiiyak ka nanaman. Ano? Si Ms. Kim nanaman ba ang dahilan?" Pagkatapos kaladkarin ay malakas na itinulak ito ni Ryujin sa may sofa.

Napahiga naman si Byul at walang lakas na hinayaan lamang ang sarili na humiga sa sofa at mabilis na tumahan sa pagiyak.

"Love. Matagal nang wala si Yongsun. Hindi na siya babalik." may pait sa tono ng pagkasabing iyon ni Byul.

Napatingala naman bigla si Ryujin dahil sa labis na frustration at kung bakit hanggang ngayon, ay issue parin sakanila ang banggitin ang pangalan ni Yongsun. Kahit na matagal na nga itong nawala at umalis ng bansa.

Pilit na pinipigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata niya. Napakagat na lamang ni Ryujin sa labi para lang sagutin si Byul nang hindi umiiyak.

"Matagal nang wala pero parang nandito parin. Nandiyan, nandiyan nakatago sa loob ng puso mo. Kaya pala ang hirap mong abutin, kasi yung buong pagkatao mo? Kusang umalis at sumama simula nung nawala niya." malungkot na sambit ni Ryujin na nagpabangon bigla kay Byul.

"Ryujin, mahal naman kita eh. Hindi naman nagbago yun. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko para sayo. Nagulo lang talaga yung isip ko." tugon ni Byul para lang
gumaan kahit papano ang loob ni Ryujin.

"Hindi nagbago pero nabawasan. Oo, mahal mo ko. Mahal mo parin naman ako. Pero hindi ko kayang higitan yung pagmamahal na nararamdaman mo para sakanya. Isang bagay na kailanman hindi ko matutumbasan, Byul." madiin ang pagkakasabing iyon ni Ryujin.

Napatayo naman bigla si Byul, seryosong hinarap si Ryujin at sa gitna ng tensyon ay nagtama ang kanilang mga mata. Na sa tingin ni Ryujin ay bigla itong natauhan at tila ba parang nawala sa kalasingan.

Para kay Byul, kahit hindi literal ay malakas na sampal ito para sakanya.

"Anong bang pinagsasabi mo? Ikaw nga yung pinili kong makasama sa pang habang buhay, diba? Bakit nagagawa mong sabihin yan?" Totoo naman iyon. Pero dahil lamang sa isang rason at dahilan kaya niya pinili si Ryujin.

Ang isang bagay na hindi pa maamin ni Byul sakanyang sarili.

Na nasagot naman ni Ryujin pagkatapos.

"Choosing someone you love and being forced live in with someone because of guilt." Ryujin took a deep breath. Inhaling every breath, nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Are two different things." She spill and started walking away to go upstairs.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon