Slice the cake!
Third POV
"Ay, bigla akong nagutom. Puro tayo inom ng wine. Hindi nakakabusog." angal ni Hyejin nang biglang kumalam ang kanyang tiyan.
Nasa table sila ngayon malapit sa pool kasama ang birthday celebrant.
Isa isa namang kinuha nila Wheein at Jinyoung, na tumulong sakanya para kunin ang mga handa at agad na inilapag ito sa table.
"Teka, unahin natin yung cake. Parang ang sarap." pagaya ni Hyejin sakanila bago nila kainin yung iba pang handa.
Gulat naman itong napatingin kay Byul nang biglang hablutin niya ang bread knife.
"Ako na ang magi-slice." nakangising lumingon ito kay Jinyoung at halos mapasigaw si Yongsun nang biglang itutok ni Byul ang kutsilyo kay Jinyoung.
"Oh, pwede ring saksakin nalang kita agad." Sumama ang tingin nito kay Jinyoung.
Nabitawan bigla ni Wheein ang basong hawak hawak dahil sa pagkagulat at naglikha ng ingay ang baso nang tumama sa sahig.
"Whee!" nagaalalang sigaw ni Hyejin sa takot na baka mabubog si Wheein ng basag na baso.
Napapikit nalang si Yongsun dahil sa namumuong inis at hiya niya kila Wheein at Hyejin.
"Yongsun, nasisiraan na ba ng ulo yang kasama mo?" seryosong pagkakasabi ni Jinyoung.
Tumayo naman bigla si Byul at mas lalong hinigpitan ang hawak sa bread knife na nakaturo parin kay Jinyoung. "Anong sabi mo, ha?! Ako?! May sira ang ulo?! Gusto mo bang patayin kita?!" nanlilisik ang mga mata nitong tumingin kay Jinyoung na nagpakaba ng husto kay Yongsun.
"Byul, ibaba mo yan. Hindi magandang biro yan." nangangambang tugon ni Yongsun dahil alam niyang hindi nagbibiro si Byul.
Tumawa ito ng malakas na para bang nasisiraan ng ulo. "Eh paano kung hindi ako nagbibiro, Yongsun? Paano kung gusto ko nga siyang patayin?" lumipad ang tingin nito kay Yongsun na hindi maipinta ang mukha dahil sa pangyayari.
"Putangina. Ano ba kayong dalawa?!" nagwawalang sigaw ni Hyejin dahil hindi na niya alam ang gagawin sa dalawa.
"Byul, ibaba mo na yan. Baka ano pang mangyari." kinakabahang wika ni Wheein habang mahigpit na hawak hawak parin ni Byul ang kutsilyo.
Hindi naman mapigilan ni Yongsun si Byul dahil baka magpumiglas ito at masaksak siya.
"Yongsun, lumayo ka na diyan. Hindi na matino magisip yan." nagaalinlangang sabi ni Jinyoung na nagpatulak lalo kay Byul para magalit.
"Byul!!!!!!" malakas na sigaw ni Yongsun nang hindi niya ito napigilang umalis at malakas na inihampas ang bote ng wine sa ulo ni Jinyoung."Ahhhhh!!!!!!" tilian ng mga taong nakakita at mabilis na tumakbo papalayo sa table nila Byul.
"BYUL!!!!!" nagaalalang sigaw ni Yongsun at mabilis na pinuntahan ito para hilain palayo kay Jinyoung.
Labis na inis, takot at pagkahiya. Sinubukang lingunin ni Yongsun sina Wheein at Hyejin na kasalukuyang napako sa kinatatayuan nila.
Kita sa mga mata nito ang labis na pagkabigla at namumuong takot habang nakatingin sa direksyon nila.
"Tangina, byul! Nakakahiya! Nakakahiya ka!" kahit natatakot ay sinigawan siya ni Byul na tila walang ekspresyon ang mukha.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...