Chapter 86

87 1 0
                                    

Playful Relationship = Pure Happiness

Third POV

Diretso namang tumuloy ng hotel ang dalawa pagkatapos nilang makalapag ng Korea. Kasalukuyang may appointment si Byul dito para sa pag expand ng restaurant niya overseas. Mga ilang araw lang naman sila magiistay dito atsaka uuwi narin ng pinas pagkatapos.

Dahil sa pagod sa biyahe at halos mahigop na ang mga lakas. Parehas na lumundag sa kama ang dalawa, kahit dalawa ang kama sa room, magkatabi parin silang matutulog.

"Roommates diba? Bakit nandito ka?" mataray na wika ni Yongsun sa taong mahigpit na nakayakap sakanya ngayon habang nakahiga. Nagtatampo
parin ito dahil sa cinaption ni Byul sa tweet niya

Nakapatong ang ulo nito sa may bandang dibdib ni Yongsun. Nakangisi at nakatingala ito sakanya. "Eh anong gusto mong itawag ko sayo? Mahal? Babe? Baby? Hahahahahaha." mapangasar na tugon ni Byul.

Medyo awkward naman ang dalawa dahil sa tagal nilang hindi nagkita. Ngunit kahit ganun pa man, unti unti namang nagiging komportable na ulit sila sa isa't isa.

"Ano ba namang mga callsign yan, Byul? Syadong ordinary." kunwareng umirap naman ito kay Byul. Pigil ngiting lumipat ang tingin sa kisame. Atsaka napakagat sa labi para pigilan ang kilig.

"Ayaw mo?" nakangisi paring tugon ni Byul.

"Ehhhh, kasi parang tanga." maarteng wika ni Yongsun.

Bigla naman itong may naramdamang kamay na biglang umangat at dahan dahang umaakyat sa dibdib niya. Napatingin ito kay Byul, muling mataray na inirapan atsaka pinalo ang isang kamay.

"Hala, ano yun. Bwahahaha." gulat at natatawang wika ni Byul nang mahuli siya ni Yongsun.

"Gago ka ah. Hahahaha." natatawang wika rin ni Yongsun, pagkatapos ay ngumiti ito kay Byul.

Masaya siya na bumalik narin sila sa dati at hindi na masyadong awkward.

"Ayaw mo?" asar ulit ni Byul at mas lalong lumawak ang ngisi. Para nanaman itong aso na labas ang ngipin habang inaasar si Yongsun.

"Pag roommates, roommates. Walang dapat mangyaring kababalaghan." pagmamatigas ni Yongsun dahil trip niya ring pikunin si Byul.

Napasimangot naman ang pagmumukha ni Byul at parang naiinip na, habang nakalapag parin ang kamay nito sa pagitan ng suso ni Yongsun. "Gusto ko nang sisirin ang buong bermuda triangle." biro ni Byul habang nakangisi parin. Pero ang totoo, wala naman talaga siyang balak kay Yongsun.

Gusto niyang respetuhin ito ngayon dahil ayun ang isang bagay na hindi niya nagawa noon kay Yongsun at gusto niya ngang bumawi ngayon. "Joke lang, Yongsun. Matulog na tayo." nakangiti na ngayon si Byul at tinanggal na ang mapangasar na bungisngis niya kanina.

Napatingin naman bigla si Yongsun sakanya at nakitang nakapikit na ang mga mata ni Byul. Maingat na hinawakan nito ang mukha ni Byul at dahan dahang inilapit ang mukha, hanggang sa tumama na ang labi niya dito.

"Hmm? Yongsun." gulat na binuksan ulit ni Byul ang mga mata at kasalukuyang hinahalikan na nga ito ni Yongsun.

"Mhmmm... Byul." noong una ay mabagal lang ang paghalik niya hanggang sa paunti unti na itong bumibilis at dumidiin. "I-i miss you...." bulong ni Yongsun habang patuloy na hinahalikan si Byul.

Sumagot naman kaagad si Byul sa pagitan ng kanilang mga halik. "I miss you too." tumigil sa paggalaw ng labi, ngumiti atsaka hinayaan si Yongsun na labi niya lang ang gumagalaw.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon