Chapter 75

69 1 0
                                    

Silent sob

Third POV

Pagkatapos ayusin ang mga gamit ay ginising na muna niya si Byul para yayain na itong matulog na kama. Hindi kasi magandang natutulog itong nakaupo, lalo na't maghapon na itong nakaupo sa work at baka maapektuhan narin pati ang kanyang maayos na postura.

Naalimpungatan naman si Byul atsaka inalalayan ito ni Ryujin para magsimula nang ihatid sa kwarto nila. Agad na binagsak ni Byul ang katawan sa kama at nagsimula nang gumapang para ipatong ang ulo sa may ulunan.

Sinamahan naman ito kaagad ni Ryujin at mabilis na yumakap sa inaantok na si Byul. Humalik sa noo at ibinaon ang mukha sa leeg ni Byul para magsimula nang matulog.

Habang nakapikit ang mga mata ay bigla niyang inalala ang mga nangyari sa loob ng ilang linggo simula nang makita niyang lumuha si Byul noong huling umaga.

Sa loob ng nakalipas na ilang linggo, ay hindi na niya muli pang nakita na lumuha si Byul ng ganon, kaya naman isinawalang bahala na lamang ulit ito ni Ryujin.

Makalipas ang ilang oras at kasalukuyang mahimbing na natutulog na sana si Ryujin. Habang nasa estado ng panaginip ay nakarinig naman ito bigla ng mga hikbi na hindi niya malaman kung saan ito nanggagaling.

Dahil sa patuloy na paghikbi at mahinang likha ng mga ingay ay nagising bigla si Ryujin at napadilat ang mga mata. Her face fell down nang mapansing hindi nanaman nakaharap si Byul sakanya at mas piniling tumalikod habang nakahiga.

Hindi na muna niya tinawag si Byul. At hindi nga siya nagkamali na ito nga ang mga hikbing pinang gagalingan ng mga narinig niya kanina.

Surprisingly, agad na hinarap ni Ryujin ang nakahigang si Byul habang nakatalikod sakanya at mabilis na itinago naman ni Byul ang kanyang cellphone, iniipit sa may unan. Para hindi na ito makita pa ni Ryujin.

But she failed, to hide everything from her anymore.

"Amin na." utos bigla ni Ryujin. Hindi naman galit ang tono niya, pero hindi rin naman ito natutuwa.

"Love, ano yun? Matulog ka na." patay malisya ni Byul.

Pilit namang iniaabot ni Ryujin ang unan niya para kusang lumabas ang nakatagong cellphone dito. "Amin na sabi." this time, magtigas na ang pagkakasabi ni Ryujin.

Dahil ayaw magpatinag ni Byul ay mas lalong ibinaon niya ang ulo sa may unan at humawak dito ng mahigpit, para hindi ito matagumpay na makuha ni Ryujin.

"TANGINA, BYUL!!! AMIN NA!!! HANGGANG KELAN KA NANAMAN ULIT MAGTATAGO SAKIN, HA?!!!" galit at nagwawalang sigaw ni Ryujin. Ganitong ganito rin ang naramdaman niya, noong unang kinutuban siya na may ibang babae nga si Byul.

"Ryujin... A-ano ba? Matulog ka na nga, please." Kahit nagsisimula nang magwala ang girlfriend niya ay nananatiling kalmado parin si Byul at hindi na lamang ito pinansin.

Malakas namang itinulak ni Ryujin ang kanyang ulo palayo sa unan at paulit ulit na hinampas ang ulo ni Byul para lang umalis ito dito at makuha na ang unan.

"Tangina, Ryujin. Masakit!" angal ni Ryujin nang paulit ulit na tumama ang mga kamay ni Ryujin sa ulo niya.

"Love, tama na, please! Masakit po!" pagmamakaawa ni Byul dahil sobrang nasasaktan na ito sa mga palo ni Ryujin.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka umaalis diyan!!!" pagwawala ulit ni Ryujin.

Dahil hindi na kaya ni Byul ang mga kamay na dumadapo sa ulo niya ay nagkusa naman itong umalis at mabilis na tumayo para himasin ang kanyang ulo.

Kita naman niyang mabilis na inialis ni Ryujin ang unan at itinapon ito sa may gilid. Kinuha ang cellphone atsaka mas lalong sumama ang tingin nang makitang may password pala ang cellphone ni Byul.

Galit na tumingala ito kay Byul at walang ingat na iniabot sakanya ang cellphone, na muntikan pang mahulog. "Buksan mo kung wala ka talagang tinatago sakin." hamon ni Ryujin at kinuha naman ito kaagad ni Byul.

Nang tuluyang mabuksan ay mabilis na naghanap si Ryujin sa may text message, facebook, instagram. Ito lang naman ang mga possibleng maging daan para kumonekta si Byul sa isang tao kahit na malayo ito sakanya.

Wala naman siyang kakaibang napansin at nakita. Ngunit biglang pumasok sa isipan niya ang iisang app na hindi pa niya nabubuksan. Iyon ay ang twitter account ni Byul.

Dali dali itong naghalungkat sa dm pero wala naman ibang kinakausap si Byul kundi ang mga tropa niya lang na sina Seulgi, Kisum at Hani. Nakailang scroll up and down sa timeline at notifications ni Byul, nang biglang tumawa naman ito ng malakas. Sarcastic. Sobrang sarcastic. Na sa tingin ni Byul ay nalaman na ni Ryujin ang kanyang tinatago.

"Ba't hindi ko nga pala naisip yun kaagad, Byul? Dapat pala una kong tinignan yung recent searches mo sa twitter." muli ay tumingin ito ng masama kay Byul at napayuko na lamang si Byul dahil sa labis na disappointment sa sarili.

"Kim Yongsun. Ito ba yung dahilan ng pagiyak mo kanina, Byul?" Nakakasigurado si Byul na hindi lang galit si Ryujin. Kundi galit na galit. Dahil nagsisimula na itong tawagin siya sa kanyang unang pangalan.

"Love. Halika na, amin na yan. Matulog na tayo ulit." pagtatangka ni Byul na pakalmahin sana ang kanyang girlfriend. Pero hindi naman ito nagtagumpay dahil wala ganang inilapag ni Ryujin ang cellphone niya sa kama at mabilis na kumaripas ng takbo palabas sa kwarto nila.

Agad namang sinundan ito ni Byul pababa sa hagdan at nakita na lamang niya na nakahiga na si Ryujin sa may sofa habang pilit na tinatakpan ang mukha ng kumot.

"Love..." tawag ni Byul papalapit kay Ryujin at tumalikod naman ito bigla habang nakahiga dahil ayaw niyang harapin si Byul.

"Wag mo muna akong kausapin. Hayaan mo muna akong magisa." walang ganang wika ni Ryujin.

Unti unti ay palakas ng palakas ang iyak nito habang pilit na ibinabaon ang mukha sa kumot.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon