I'm a mess. My whole life is a mess.Byul POV
"Ahh.. pasensya na sa inyong dalawa, pero magc-cut na kami ng biyahe. Malapit lapit narin naman yung last destination ng bus." mahinahong pakiusap ng konduktor sakanila ni Ryujin.
Dahil halos lima nalang ang natira na pasahero sa loob ng bus, wala naman silang nagawa kundi bumaba nalang.
Hindi narin naman malayo ang bahay nila Byul dito, kaya maglalakad nalang silang dalawa ni Ryujin.
Hindi kasi pwedeng umuwi ng lasing si Ryujin. Pinagpaalam narin 'to ng mga kaibigan nila Ryujin na sakanila na ito matutulog para magsilbing palusot.
Pagkababa ay maingat na tinutulungan ni Byul si Ryujin na makalakad dahil sa sobrang kalasingan nito.
"Love, pasan ka nalang sa likod ko para hindi ka mahirapan." wika ni Byul at lumuhod naman ito para sumampa si Ryujin sa likod niya.
Nang buhatin ay mabagal na naglakad si Byul habang pasan pasan sa likod si Ryujin. "Antok ka na, love? Pwede mo na ipikit mata mo. Paguwi natin sa bahay matutulog narin naman tayo." nilingon ito ni Byul at napangiti nang makitang mahimbing na natutulog na si Ryujin sa likod niya.
Hindi na ito nagpapanggap na natutulog dahil rinig niya ang mga mahihinang hilik ni Ryujin.
Pagkatapos ay tumingala ito sa langit habang nilalakbay ang matahimik na lugar at mga posteng nagsisilbing ilaw sakanilang dalawa.
Para kay Byul, si Ryujin ay parang isang tsinelas.
Isang tsinelas na sa bahay mo lang nagagamit.
Hindi mo ito nalalabas pauwi, hindi mo rin nadadala sa paglabas ng bahay.
Pero halos kabisado na nito ang iba't ibang parte at sulok ng bahay niyo.
Ang tsinelas na ito ang nagsisilbing suot sa mga paa ni Byul dahil kailangan niyang umuwi ng bahay.
Ang nakasanayan niyang uwian.
Na sobrang kabaligtaran naman ni Yongsun,
Dahil si Yongsun ay parang isang sapatos.
Sapatos na nadadala mo kahit saan.
Na sa tuwing lalabas si Byul ng kanyang tahanan, ay ito ang nagsisilbing gabay niya sa labas.
Na kahit sobrang layo ng marating niya ay hindi siya maliligaw.
Dahil si Yongsun ang isang sapatos na nagturo kay Byul kung anong buhay ang meron sa labas.
Ang totoong takbo ng buhay.
"Ayan, malapit na kami ni love sa bahay." napangiti si Byul nang maaninag ang kanilang bahay na iilang hakbang lang bago ito marating.
Dahil aware naman siyang tulog na si Ryujin, ay expected narin niyang hindi ito sasagot pabalik.
"PUTANGINAAA!!!" rinig ni Byul sa labas ng kanilang bahay nang makarating dito.
Sanay na si Byul sa ganitong eksena ng kanilang pamilya na halos gabi gabi nalang nagaaway.
Kung tutuusin, sobrang bigat sa pakiramdam ni Byul sa tuwing nagaaway ang kanyang magulang.
Kahit madalas niya itong hindi pansinin ay mas lalo lang nagiging mabigat ang kanyang nararamdaman.
Napaka importante ng pamilya ni Byul para sakanya.Kahit na ito ang una at paulit ulit na sumisira ng emosyon at buhay niya.
Nakailang katok si Byul bago naman ito pagbuksan ng nakababata niyang kapatid na si Moon Seulgi.
"Huy, ba't mo inuwi yan dito? Nagaaway nanaman sila mama eh." nagaalalang wika ng kapatid niya.
"Wala akong pakialam." walang ganang tugon ni Byul dahil sawang sawa na siyang magsigawan at magaway ang kanyang mga magulang.
Ang kabaligtaran ng totoong nararamdaman niya para sakanila. Dahil para kay Byul, ay napakasakit na makitang nagaaway ang kanilang magulang.
At pag magulo sa loob ng bahay niyo, ay magulo rin ang takbo ng buhay mo.
Hindi ka makakapagisip ng maayos, puno ka ng galit at tanong sa sarili.Mga tanong kung bakit napakalayo ng pamilya nyo kumpara sa pamilyang masayang nagkakaintindihan.
Hindi open si Byul sakanyang mga magulang at sa kanyang kapatid.
Kaya naman kahit sa ibang tao ay nahihirapan din siyang mag open.
At salamat kay Ryujin, dahil sa tagal nilang pagsasama ay kabisado na ni Ryujin kung may problema ba ito o wala.
Si Ryujin ay madalas magsimula ng topic dahil kung hindi ito magtatanong ay hindi malalaman ni Ryujin ang kalagayan niya ni Byul. Ang araw niya. At ang mood nito.
Tago ang personality at ang totoong emosyon ni Byul.
Kaya nang makilala niya si Yongsun ay para bang unti unti itong nahuhubaran.
(stripped the title)
"Tara pasok na, itago ko kayo kila mama." nagmamadaling wika ng kapatid niya at mabilis namang pumasok si Byul para tumakbo pataas ng kwarto niya habang pasan padin si Ryujin.
"Pasensya na love, magulo sa bahay. Buti nalang hindi ka nagising." pagkausap ni Byul kay Ryujin kahit na tulog parin ito.
Binuksan niya ang pinto at maingat na ibinaba ang katawan ni Ryujin sa kama. "Ay wait lang love, baka maingayan ka." nagaalalang wika ni Byul atsaka tumakbo sa kanyang cabinet para may kuhain.
Pagkatapos makuha ay nilagyan niya muna ito ng kumot at headphone sa tenga para maglagay ng calm music at hindi marinig ang ingay na nasa baba.
Kinuha naman nito ang isang kumot at unan para magsimulang matulog sa sahig.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...