Chapter 32

104 3 0
                                    

The Meeting

Yongsun POV

Tanging ang sekretarya lamang ni Yongsun ang kasama niya sa meeting na magaganap ngayon sa company ng isa sa business partners ni Yongsun.

Ito ay ang mga magulang ni Lia, si Mr. Nam at ang dalawang anak nito na sila Eric at Jinyoung. Ang iba pang mga kasama ay hindi na masyadong panilyar kay Yongsun ngunit malaki rin ang ambag nila sa business industry.

"So, Ms. Kim. Since nandito narin naman tayong lahat. I'll be honest with you. Are you aware na you're already falling behind the list?" straight to the point na sinabi ni Mr. Nam sakanya na kinagulat naman ng lahat.

Si Mr. Nam ang isa sa mga client na naofferan ni Yongsun ng secret services niya noon. Dahil nga sa rule na sinet niya para sa sarili, hindi na muli naulit ang one night stand nila kahit pa nagpupumilit ito na muling gawin nila.

"Then, I'll be honest too. Are you pertaining to something else, Mr. Nam?" matigas na pagkakasabi ni Yongsun.

Ramdam niyang pinepersonalan siya nito. At kung meron man ikakabitter ang taong ito sakanya, ay yun ang ilang ulit na rejections na natanggap niya kay Yongsun.

"I guess, you need to step up your game, Ms. Yongsun Kim." nakangising ngiti nito sakanya.

Kahit malayo sa kinauupuan niya ay kitang kita sa mga mata nito ang labis na pagkasabik niya kay Yongsun.

"Dad, don't be too harsh." pagtatanggol ni Jinyoung sakanya.

Aware ito sa lahat ng pinaggagawa ni Yongsun sa industriya. Dahil mismong tatay niya ang nagsabi sakanya ng larong ginagawa ni Yongsun.

"Let's end the meeting already." said by Eric Nam.

Dahil isa rin siya sa mga nireject ni Yongsun para makipagdate naman sakanya, nasira ang buong ego nito at nawalan na ng gana dahil hindi rin naman magkaka interest si Yongsun sakanya kahit habulin niya pa ito.

Wala naman masyadong napagusapan sa meeting nila kundi about lang sa profit at net worth ng bawat isa. And sadly, it is true na napagiiwanan na si Yongsun sa top list.

Marahil ay tumigil na ito sa pagkuha ng investors at tinigilan na ang pagtatake advantage niya sa mga taong may pangalan sa business industry.

Hindi rin siya makapagtrabaho ng maayos at makapasok sa sarili niyang kumpanya kahit na araw araw naman siyang present noon.

Ito ang naging kapalit ng lahat simula nang dumating si Byul sa buhay niya.

"Wait, Before we end this. We have another business gathering tomorrow evening. Everyone is invited. Nabigay ko na lahat ng invitation sa secretary niyo. The event will start exactly at 7pm. I hope makakarating ang lahat. That's all, thanks." wika ng father ni Lia at isa isa namang nag alisan ang mga tao sa conference room.

Nang makalabas ay agad na napatigil si Yongsun nang biglang may inabot sakanya ang kanyang sekretarya.

"Flowers? Kanino galing?" nagtatakang tanong ni Yongsun.

Bigla namang pumasok sa isip niya si Byul.

"From sir Jinyoung, Ms. Kim." mabilisang sagot ng kanyang secretary.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon