Nang mapirmahan na ang papel na isa sa mga requirements nila para sa OJT ay agad na tinext niya si Ryujin at tuluyang bumaba ng hagdan hanggang sa pinaka ground floor ng school.
Sa sobrang excited na makita si Ryujin ay nakalimutan na niyang gumamit ng elevator upang hindi mapagod. Natawa ito sa kanyang sarili nang bigla niyang marealize 'yon.
Pagpunta sa main lobby ng school ay nadatnan niya ang mga kaibigan na sina Seulgi, Hani at Kisum na naghihintay sakanya. Alam nilang hindi manonood ng practice si Byul pero pinapunta niya ang mga ito para makapagpaalam si Ryujin ng personal sakanila gaya ng sabi ng kanyang nobya.
Mabait at may respeto si Ryujin hindi tulad ng kanyang mga kaibigan na sila Yeji, Yuna, Lina at Chaeryoung na tinuringang mean girls ng buong campus. Hanggang ngayon ay hindi parin maintindihan ni Byul kung bakit sumasama parin si Ryujin sakanila.
Hindi naman nagtagal ay dumating narin si Ryujin na parang kasunod lang bumaba ni Byul na bumaba ng hagdan galing sakanyang klase.
"Uy hi, grabe magkasunod lang kayo. Hindi ba kayo nagkita Byul sa hagdan?" Bati ni Seulgi kay Ryujin na kadadating lang.
Tumawa naman sina Kisum at Hani. "Hahahaha ano ka ba, Seulgi. Kita mong parehas excited yung dalawa eh." biro ni Hani.
"Hahaha. Hello po. Okay lang po ba na hiramin ko muna si Byul sainyo ngayong araw?" sincere na pagkakasabi nito.
Nakangiti lang si Byul habang tinitignan ang kanyang napakabait na girlfriend.
"Ano ka ba, oo naman. Alam mo namang malakas ka samin eh. Hahahahahaha!" natatawang sabi sakanya ni Kisum.
Imbis na tumawa ay ngumiti lang pabalik sakanila si Ryujin. Masaya ito na maayos ang pakikitungo niya sa mga kaibigan ni Byul. Hindi tulad ni Byul, ay may conflict naman ito sakanyang kaibigan na sila Yeji. Ayaw nila kay Byul dahil sa isang malalim na rason.
Tuluyan nang nagpaalam ang mga kaibigan ni Byul sakanila dahil malelate na ito sa practice. Kumaway naman ang dalawa at magkahawak kamay na naglakad palabas ng campus.
"San tayo?" tanong ni Byul habang nagaantay ng masasakyan.
"San mo gusto?"
"Kung saan ka, dun ako."
"Baliw ka, san nga? Hahahaha." natatawang sagot ni Ryujin.
Nagisip sandali si Byul at bigla niyang naalala na wala na pala siyang extra na pera. "Ano kasi..." may pagaalinlangan sa tono ni Byul bago niya buohin ang kanyang sasabihin na lubos naman na pinagtaka ni Ryujin.
"Oh? Bakit? May problema ka noh?" diretsong pagkakasabi ni Ryujin, sabay tinignan sa kanyang mga mata.
Tinignan niya ito pabalik atsaka ngumiti. Kilalang kilala na talaga siya ni Ryujin. Kahit hindi niya sabihin ang totoo na may problema siya ay mahahalata parin ito ni Ryujin kaya wala siyang choice kundi sabihin nalang ang totoo.
"Wala na kasing trabaho si papa eh. Wala narin kaming pera. Kailangan ko na rumaket ulit." nakayuko at nahihiyang pagkasabi ni Byul ng totoo.
Agad namang nagalala si Ryujin at napahawak bigla sa mukha ni Byul. "Hala. Hindi ba nakakapagod maging working student? Tsaka OJT niyo na ah. Tapos may papasukan pa kayong mga minor at major subjects habang nag-oojt. Paano yan?"
Inangat naman ni Byul ang kanyang ulo at hinawakan ang mga kamay ni Ryujin habang hawak nito ang kanyang mukha. "Hindi ko din alam."
Nagtama ang kanilang mga tingin at umabot ng ilang segundo bago pa muling may magsalita sakanilang dalawa.
"Hihiram ako ng pera kay papa. Magkano nga ulit yung balance mo nung prelim? Ayun muna unahin natin, love. Tapos manghihiram ako ng pera kila Yeji. Para sa midterm at finals mo. Yung sa graduation fees naman, tsaka na natin muna problemahin yan. Basta gagawa tayo ng paraan. Tutulungan kita." walang alinlangang pagkakasabi ni Ryujin kay Byul.
Hindi maintindihan ni Byul ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Gusto niyang umiyak sa tuwa, pero nilalamon naman siya ng kahihiyan. Sobra sobrang tulong ang handang gawin ni Ryujin para sakanya. Hindi niya na alam kung paano pa niya masusuklian lahat ng 'yon.
"Hindi love, nakakahiya. Tsaka malapit narin naman kami mag-OJT. Baka pwede naman nila akong kunin kahit sa mababang posisyon lang, habang hindi pa ako gumagraduate. Para kahit papano kumikita parin ako ng pera. Itatry ko din bumalik dun sa part time job ko dati. Basta.. ako nang bahala love. Wag ka masyado magalala sakin." ang sabi ni Byul sabay yakap ng mahigpit kay Ryujin at hinaplos ang buhok nito.
"Sure ka? Ayokong makitang nahihirapan ka..." ibinaon naman ni Ryujin ang mukha niya sa higpit ng yakap ni Byul at halata sa tono nito ang sobrang pagaalala.
Bumitaw naman bigla sa pagkakayakap si Byul para halikan ang noo ng kanyang nobya. "Tara? May fifty pesos pa ko dito. Kain tayo sa may lugawan." pagyaya ni Byul. Tumango naman si Ryujin at muling naghawak ang kanilang mga kamay patungo sa kanilang pupuntahan.
Hindi naman ganoon kalayo yung lugawan na pupuntahan nila at pwedeng lakarin lang kaya inabot ng matagal bago sila makarating dito.
Maraming estudyante ang nakatambay sa lugar na 'to at ang katapat lang nito ay ang skateboard park, kaya naman lahat ng estudyante na galing sa campus nila ay kundi lalaki na panay ang tingin kay Ryujin, mga babaeng estudyante naman ang panay ang tingin kay Byul.
Famous si Ryujin dahil kasama siya sa squad ng mayayaman na sila Yeji. Si Lia ang anak ng may ari ng university na pinagaaralan nila, habang sila Yeji, Yuna at Chaeryeong naman ay mga dating qualifiers ng department of tourism para magpresent ng player sa kanilang university. Pero dahil natalo sila nina Kisum, Hani at Seulgi na galing sa ABM department. Dito na nagsimulang mangalaiti ang mga kaibigan ni Ryujin sakanila.
Graduating si Byul na isang custom student na kaparehas ng course nila Seulgi. Hindi naman ito katulad ng accountancy, pero more on taxation at law subjects ang course na ito. Habang si Ryujin naman ay third year tourism student kasama nina Yeji na mas bata kila Byul.
Nakangiting inubos nila ang lugaw na libre ni Byul, si Ryujin na sana magbabayad para sakanilang dalawa pero panay ang pilit ni Byul na siya nalang dahil ayaw niya paring si Ryujin ang gumagastos sakanilang dalawa.
Napansin naman ni Byul na panay titig ni Ryujin sa mga estudyanteng gumagawa ng tricks sa skateboard at nakangangang pinapanood ang mga ito.
"Gusto mo i-try? Turuan kita." pagpukaw ng atensyon ni Byul kay Ryujin.
Naalala naman ni Ryujin na mahilig at marunong nga palang magskateboard si Byul dati pero hindi na niya ito nakikitang naglalaro dahil sa sobrang busy ng kanyang schedule.
"Medyo. Kaso ayokong mabalian ng buto." pagaalinlangan ni Ryujin.
Tumayo naman si Byul at agad na hinila sa skateboard park ang kanyang nobya. "Ayun. Andun pala si Jackson, eh. Baka pwede niya tayong pahiramin ng skateboard." ang sabi ni Byul nang makita ang kanyang kaklase.
Tinawag niya ito at agad naman na pumunta sakanila sakay ng kanyang skateboard. "Uy, kupal. Andito ka pala! Tagal mo na hindi nakikipaglaro samin ah?" bungad nito.
Sinabihan naman niya si Jackson na hiramin muna yung skateboard tsaka yung protective gears para isuot kay Ryujin at tuturuan niya ito. "Wag ka magtiwala dito kay Byul, puro gasgas at sugat yan nung unang nagaaral ng skateboard eh." pabirong pagkasabi ni Jackson.
Malakas na siko naman ang kanyang natanggap mula kay Byul at nag peace sign habang tinatanggal ang mga protective gears sa kanyang tuhod. "Joke lang. Expert na yan. Tsaka hindi ka naman niya hahayang mahulog nang walang sasalo sayo."
Nakangising sabi ni Jackson. "Iwan ko na muna kayo. Ingat kayo ah. Ingatan mo yan, Byul." dagdag nito."Hahahaha sira. Matagal ko nang iniingatan yan." sagot ni Byul sabay ngiti kay Ryujin.
Nagsimula na itong lumuhod para isuot ang mga protective gears sa tuhod ni Ryujin.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...