Chapter 84

83 1 0
                                    

A glimpse of you

Yongsun POV

Still processing everything in her mind, hindi naman mawala sa isip ni Yongsun ang sinabi ni Whee sakanya kanina.

What if?

"Ma'am, nandito na po tayo. Naia terminal 1." wika ng grab driver na biglang pumukaw ng atensyon ni Yongsun.

Tulala at mabilis na natibok ang puso dahil sa kaba. Bumalik naman ito kaagad sa realidad pagkatapos mapansing nandito na pala siya sa destinasyon niya.

"Thank you ma'am." wika ng grab driver pagkatapos inabot ni Yongsun ang bayad.

Pagkabayad ay mabilis na lumabas ito ng sasakyan at kumaripas ng takbo papunta sa may entrance ng airport. Inilapag ang gamit sa may xray machine, for safety purposes. At dahan dahang kinapkapan ito ng mga lady guard.

Nang matapos ay bumungad sakanya sa loob ang mga taong nagmamadali at labas pasok ng airlines. Dala rin ni Yongsun ang mga gamit niya, na tila parang magbabakasyon. At aabutin ng ilang araw sa ibang bansa. Dahan dahang hinila naman ni Yongsun ang maleta niya at lumingon lingon sa paligid para hanapin ang taong kanyang gustong makita.

"Byul, asan ka na."

"Iniwan mo na ata ako eh."

"Ang daya mo naman."

Dahil sa labis na pagaalala na baka nauna na nga ito sa flight niya. Or worst, baka may ibang nangyari sakanya. Hindi naman mapigilan ni Yongsun na kutubuan ng masama.

Not wanting to lose hope, umupo na muna si Yongsun sa may waiting shed. Tinignan ang mga taong naglalakad. Carefully analysing their faces hanggang sa may makita siyang pamilyar na mukha at mamukaan ito.
8:57 am

She saw the time. Sa clock na nakasabit sa may counter ng forex rates.

Napahawak naman bigla si Yongsun sa noo dahil sa namumuong frustration na bumabalot sa katawan niya.

Saan o kung ano na ang nangyari kay Byul, eh walang ideya si Yongsun.

Luckily, while looking down out of frustration. She tried to raised her head and caught a glimpse of someone.

Mabilis na hinablot ulit ni Yongsun ang mga gamit at agad na tumayo, hinila ang maleta at muling kumaripas ng takbo papunta sa taong biglang naaninag ng mga mata niya.

Kung hindi man ito ang taong hinahanap niya.

Oh kung ito nga.

At kahit magmukha pa siyang baliw o mukhang masisiraan na ng ulo dahil sa mga nakikita niya ngayon.

Na hindi nakikita ng ibang tao.

Eh handa naman itong puntahan ni Yongsun. Kahit na hanggang tanaw na lamang niya ito huling makikita.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon