Chapter 13

169 4 4
                                    

Second day palang ng OJT ni Byul sa main branch ng kumpanya ay ang dami na agad pinapagawa sakanya ng OJT officer nito. Hindi kagaya nung unang niyang nameet na OJT officer na si Bambam sa ibang branch ng kumpanya sa may fort bonifacio.

Sobrang sungit ng kanyang OJT officer ngayon dahil matandang dalaga ito. Para ngang kaparehas lang din ng ugali ni Ms. Kim dahil hindi rin ito pala ngiti at palatawa.

Sobrang boring dahil hindi niya pa kasama mga kaibigan niya sa main branch at wala siyang magawa kundi maghintay ng oras hanggang maguwian.

Magaalas-singko na ng hapon ay hindi parin niya natatapos lahat ng tambak na manifest na kailangan na raw matapos ngayong araw dahil dadaong na ang mga cargo bukas sa may pier.

Bawal pa itong magkamali ng information at mga serial number dahil baka magkapalit palit ang mga shipments.

Nakakaduling at nakakalusaw ng utak ang gawain na ito dahil buong maghapon siyang nakatapat sa may computer.

Inabot pa siya ulit ng ilang oras hanggang sa magalas-nwebe na ng gabi ay hindi parin niya tapos sa lahat ng gawain niya.

"Tangina talaga, wala nanaman papel yung printer amputa." reklamo nito atsaka dumiretso sa may xerox room para kumuha ng isang kahong papel ng bond paper.

Pagpasok niya rito ay agad naman nakita niyang ang kahon kahon na mga bond paper at mabilisang inangat ang isang kahon para buhatin ito palabas ng xerox room.

Habang hawak hawak ang isang kahon, bigla niya itong nabitawan nang biglang makita ang babaeng nakasandal sa pinto.

Putangina netong babaeng 'to, bakit nandito 'to?

Nagkalat ang mga papel sa sahig. At bago pa siya yumuko para kunin at ligpitin lahat ng ito ay nakarinig siya ng isang malakas na pagsarado ng pinto. Rinig rin ni Byul ang paglock ng pinto kaya naman bigla siyang kinutuban ng hindi maganda.

"Don't pick it up. I like things messy." ang sabi nito na hindi naman nagets ni Byul.

Mabilis na naglakad ito papunta kay Byul atsaka tinulak siya ng malakas sa pader. "Be honest with me. Anong ginagawa mo sa chill bar kahapon?! San' mo ginamit yung binigay kong pera?!" galit na pagkakasabi ni Yongsun.

Mahigpit na hinawakan nito ang collar ni Byul sa sobrang inis. Ang dahilan ng pagkainis niya? Ay walang ideya si Byul.

"Tangina, bakit ba bigla bigla ka nalang nagagalit? Masama na bang gumimik kasama ang mga kaibigan?" naguguluhang pagkasabi nito.

Imbis na kumalma ay mas lalo pang humigpit ang hawak nito sa collar ni Byul. "Did you flirt with other girls?! Katulad ka ba nila?!" nangagalaiting tanong nito.

Ampota.

Matagal bago nakasagot si Byul kaya naman nakatanggap siya ulit ng sampal gamit ang isang kamay ni Yongsun.

Isang sampal na nagtrigger kay Byul para hawakan ang magkabilang braso ni Yongsun dahil nagsisimula na siyang mainis sa boss niya.

"Tangina, ano bang problema mo?" kalmado parin ang boses ni Byul pero halata sa tono nito na malapit na siyang sumabog.

"Wala akong nilalanding iba." diretsong tinignan nito si Yongsun sa mga mata.

Pinakawalan naman ni Byul ang mga braso nito nang magsimulang magpumiglas si Yongsun sa pagkakahawak niya.

Nang makawala ay agad niyang hinawakan ang mukha ni Byul at hinalikan sa labi.

Madiing inilapat ni Yongsun ang mga labi niya kay Byul. "Mhmmm..." ungol ni Yongsun nang maramdaman niya ang malambot na labi ni Byul.

Pikit matang pinigilan ni Byul ang sarili. Hindi niya ito hinalikan pabalik.

Nagpatuloy lang sa paghalik si Yongsun at nagsimulang gamitin ang dila niya sa pang ibabang labi ni Byul.

Hindi maintindihan ni Byul kung anong nagudyok sakanya at dahan dahang tumungo ang mga kamay nito sa hita ni Yongsun.

Tumigil bigla sa pagkakahalik si Yongsun at natatawang tinignan ang nakapikit na si Byul. "Open your mouth." aggressibong utos nito.

Agad na dinilat ni Byul ang mga mata at salubong ang kilay na tinignan ng masama si Yongsun. "Don't try to kiss me again."

Kunot noo namang tinignan lang siya ni Yongsun at bumaba ang tingin sa mga kamay netong nakahawak parin sa hita niya.

Inalis naman agad ni Byul 'yon, umiwas ng tingin at inilayo ang mukha sa mga uhaw na mata ni Yongsun.

"Usually, I don't kiss on the lips." pagpapayahag nito.

"But tonight is an exemption." dagdag nito tsaka ginamit ang isang kamay para igalaw ang ulo ni Byul at lingunin siya nito.

Hindi maipaliwanag ni Byul ang emosyong unti unting bumabalot sakanya.

Sa totoo lang, natatakot siya na baka trayduhin siya ng sarili niyang katawan.

Bumilis naman ang tibok ng puso niya nang simula niyang titigan si Yongsun sa mga mata.

That's it, hindi tama ito.

Bulong ng kanyang kunsensya.

At itinulak palayo si Yongsun.

Napansin niyang nagulat ito kaya hindi na siya nito napigilan pa na umalis ng xerox room.

Attractive si Yongsun.

Isang bagay na hindi maitatangi ni Byul sa sarili.

Marami na siyang nakitang maganda na nagtakang kumuha ng atensyon niya pero sa loob ng dalawang taong relasyon nila ni Ryujin ay ito palang ang unang beses na nakahanap siya ng taong mahihirapan siya na ilayo ang sarili.

Diretso diretso siyang lumabas ng xerox habang pilit na sinasabunutan ang sarili.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon