Chapter 28

123 2 0
                                    

Third POV

TRUTH OR DARE?

Tahimik na pinagmasdan lamang nila Ryujin at Byul ang babaeng nagkakalat ngayon sa harapan nila.

Sa unang tingin, mukha lang itong nageenjoy at nililibang ang sarili niya.

Unknowingly to them, she's more frustrated than ever.

Patuloy lang ito sa paginom at kahit na gustong gusto na itong pigilan ni Byul na wag uminom nang marami ay hindi naman niya magawa dahil katabi lang din niya ang girlfriend niya.

"Grabe ang lakas palang uminom ni Ms. Kim, isang bote lasing agad. Hahahahaha." sarcastic na pagkakasabe ni Kisum.

Pero halata naman sa mga kaibigan ni Byul na hindi lang si Ms. Kim ang lasing ngayong gabi. Maging sila rin ay namumula na ang mga pisnge dahil sa labis na kalasingan.

"Tinungga ba naman yung isang bote ng red horse eh. Hahahaha." natatawang sabi ni Seulgi.

Siniko naman bigla ni Hani si Kisum para senyasang simulan na ang laro na kanina pa nila napagplanuhan.

Nilapag nila ang isang bote sa may gitna at lumikha ng isang bilog para paligiran ito.

"What game is this?! Hahahaha! AGAIN?! I'm so fucking tired of playing games!" pabiro ngunit halata sa tono ni Yongsun na may gusto itong patamaan.

Byul kept a straight face. Nararamdaman niya ang lahat ng frustration na bumabalot sa katawan ni Yongsun ngayon. And If there is someone to blame because of this, iyon ay ang sarili niya at walang iba.

"Okay, so sino ang magiikot ng bote?" tanong ni Hani habang naghihintay sakanila kung sino ang gagawa.

Agad namang iniangat ni Kisum ang kanyang isang kamay para magvolunteer.

Umikot ang bote at kasabay 'non ang mga tinginan nila sa isa't isa habang inaantay kung kanino tatama ang nguso nito.

"Hala putangina hahahahahaha."

"Gago sayo pa talaga tumama ahahaha."

"Shet hahahahaha."

Mga iilang reaksyon ng mga kaibigan ni Byul nang tumigil ito mismo sa harap niya.

Natatawa namang kinuha ng nakababatang kapatid ni Byul ang bote dahil meron na itong napili.

"Ate Byul, so ano truth or dare?" tanong niya sa nakatatandang kapatid.

Tumingin muna ito kay Ryujin bago muling tignan ang kapatid.

"Truth." mabilisang sagot nito.

Dali daling namang bumilis ang tibok ng puso ni Ryujin dahil sa pinili ni Byul.

Kung ano man ang hinala niya at ang totoo sa mga ito, ay hindi pa siya handang harapin at malaman ang lahat.

"Saan ka natulog kagabi?" seryosong tanong ng kapatid niya.

Halos mabuga naman ni Yongsun ang baso ng alak na iniinom niya dahil patuloy parin ito sa paginom.

"Wait, hindi ka natulog dito sa bahay niyo kagabi?" gulat at naguguluhang tanong ni Ryun habang tinitignan si Byul dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kapatid niya.

Huminga muna ng malalim si Byul bago magtakang magsalita.
"Love.. I had to. Nakituloy lang ako sa kakilala ko." pagsisinungaling ni Byul.

Tahimik lang na nakatitig si Ryujin sakanya habang naghihintay pa ng ibang explanation nito.

"Kasi.. it was unexpected. Ang hirap ng biyahe sa manila. Tapos uuwi pa ako dito, eh halos wala na nga kong maitulog eh. Alam mo naman kung gaano kahirap bumiyahe diba?" iba pang excuses ni Byul para lang mapaniwala si Ryujin.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon