Three months later...
Yongsun POV
Unang bungad palang ng umaga ay nagising agad si Yongsun sa ingay na paulit ulit na lumikha sa loob ng kanyang condo, na kasalukuyang tinutuluyan niya ngayon sa Guam. Ito ay isang senyas na may paulit ulit na pumindot ng kanyang doorbell.
"UNNIE!!!!!!!" bungad ng dalawang si Wheein at Hyejin pagkatapos niyang tumakbo sa pinto para pagbuksan ang mga ito.
"Long time, no see!!!!" sigaw ng dalawa at mabilis na yumakap ng mahigpit sakanilang unnie.
Sa loob ng tatlong buwan ay nakailang attend na ng meeting si Yongsun overseas. At dahil ayaw niya munang umuwi ng pinas ay ginawa niyang home stay in ang isang condo sa Guam, na kasalukuyang nirerent niya for temporary.
At siyempre, sa loob din ng tatlong buwang iyon ay ang tanging naging kasama lang niya ay si Jinyoung. Ngunit sa kabilang room naman ito nakaassigned at nagrerent, na nakahiwalay sakanya.
"Wheein, Hyejin. Sandali lang. Pasok muna kayo. Tatawagin ko lang si Jinyoung." Pinatuloy naman niya ang dalawa at pinaupo muna sa sofa atsaka kumaripas ng takbo para kumatok sa pintong tinutuluyan ni Jinyoung.
Paulit ulit din niyang pinindot ang doorbell at effective naman dahil agad na binuksan ni Jinyoung ang pinto, kahit na inaantok pa ito at gulo gulo ang buhok. "Umm. Goodmorning. Sorry to disturb you,pero nandito na kasi sila Wheein at Hyejin atsaka.. alam mo namang hindi ako expert sa pagluluto.. so..." nauutal na bungad ni Yongsun sa pintuan ni Jinyoung dahil nahihiya ito because of her lack of skills sa paghanda ng mga pagkain sa bisita.
Na kasalungat naman ni Byul dahil naalala niya na madalas si Byul ang nagluluto para sakanilang dalawa sa tuwing gigising sila ng umaga dati.
Umiling iling naman si Yongsun para agad na mawala at alisin ang alaalang iyon atsaka bumalik sa realidad para muling harapin si Jinyoung.
Napangiti naman sakanya si Jinyoung dahil simula nang magrent silang dalawa ng condo dito ay kapansin pasin na nahihirapan nga gumawa si Yongsun ng breakfast dahil iba ang mga ingredients sa Guam at tuwing umaga naman ay tinutulungan siya ni Jinyoung para gumawa ng breakfast.
"It's okay. I'm more willing to help. And goodmorning, too." tugon ni Jinyoung at inexcuse bigla ang sarili para magayos atsaka sinabihan si Yongsun na pupunta nalang siya kaagad pagkatapos.
Bumalik naman si Yongsun sa room niya at nakitang nagpapahinga na ang dalawa sa sofa dahil halatang napagod ito sa biyahe at wala ng mga lakas pa para mag ingay.
Naghanap naman si Yongsun ng isang malaking kumot para ilatag sa dalawa at dahan dahang niyakap niya ang mga ito.
"Yongsun?" biglang tawag ni Jinyoung sa may pintok at kumatok katok pa para mapukaw ang atensyon ni Yongsun.
"Shh..." saway ni Yongsun dahil mahimbing na natutulog na ang dalawa atsaka dahan dahang sinenyasan si Jinyoung na pumunta na ng kusina.
Maingat na naglakad ang dalawa na walang nililikhang mga ingay galing sakanilang mga footsteps at mabilis na kumuha ng mga ingredients sa ref. at iilan pang mga kakailangan para magsimula nang maghanda ng breakfast para sa dalawa.
Hindi naman lumagpas sa kalahating oras eh nakagawa na sila kaagad ng breakfast na ihahanda para kila Wheein at Hyejin. Mabilis na tumungo si Yongsun sa dalawa para gisingin ang mga ito at yayaing kumain na.
Dali dali namang bumangon ang dalawa at sinamahan si Jinyoung sa may table dahil nakaupo na ito. Naglipat muna ang tingin ng bawat isa, bago ito humalagpak ng tawa at nagsimulang kausapin na ang isa't isa.
"Hoy, unnie. Ang lapit lang pala ni Jinyoung sa tinutuluyan mo. Beke nemen... may gusto kang ibahagi sa amin?" intrigerang bungad ni Wheein sakanila atsaka siniko ito bigla ni Hyejin sa braso.
Natawa naman si Yongsun dahil nageexpect din siyang ganito nga ang magiging reaksyon ng dalawa sakanila ni Jinyoung. Pero ang totoo, eh wala naman talagang namamagitan sakanilang dalawa ni Jinyoung.
Pabirong inirapan na lamang ito ni Yongsun at nagsimula nang kumain.
"Hahahaha. Shuta ka, whee. Mga iniisip mo talaga." natatawang wika ni Hyejin dahil masyadong intrigera ang kanyang jowa na si Wheein.
Wala namang mali kay Jinyoung. Sa loob ng tatlong buwan eh mas lalo pa nga nilang nakilala ang isa't isa. Unti unti ay mas lalong gumagaan ang loob ni Yongsun at mas lalong nagiging komportable ito kay Jinyoung dahil todo ang respeto nito sakanya atsaka mabait pa.
"So, kelan kayo papakasal?" biglang wika ni Yongsun na nagpatigil sa dalawa.
Tumawa naman ng malakas si Hyejin dahil sa tagal nilang magkasintahan ay hindi pa pala nila napaguusapan ang mga ganitong bagay. "Ewan ko dito kay, whee. Mauuna ka pa atang ikasal unnie..." biglang putol ni Hyejin atsaka ngumisi sa lalaking tahimik na kumakain.
"Kay Jinyoung." dagdag niya.
Iniangat naman bigla ni Jinyoung ang ulo at sabay na nagkatinginan sila ni Yongsun na parehas hindi alam ang sasabihin. Ngumiti ito atsaka biglang tumawa na nagpatawa rin kay Yongsun dahil sa sinabi ni Hyejin.
Bukod sa maayos ang pakikitungo nila dito kumpara kay Byul eh hindi naman mapigilang ngumiti ni Yongsun habang patuloy na tinitignan kung paano kausapin nila Wheein at Hyejin si Jinyoung at magtanong ng kung ano ano dito.
Unti unti ay nahuhulog na ang loob ni Yongsun.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
Storie d'amoreA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...