Byul POV
Makailang oras lang ay nagising agad si Byul habang katabi ang natutulog na si Yongsun. Hindi ganon kahaba ang naitulog ni Byul dahil dilat mata nitong naalala bigla ang kanyang masalimusot na nakaraan pagkatapos ang pagpapahirap niya kay Yongsun.
Flashblack to Byul's Tragic Past
Bata pa lamang si Byul ay hindi na magkasundo ang mga magulang nito. Marahil ay sa murang edad hindi pa niya naiintindihan kung bakit palagi nalang nagaaway ang kanyang mga magulang.
Madalas ay hindi nauwi ang kanyang ama sakanilang bahay at kung uuwi man ito ay naglalasing lamang buong gabi kasama ang mga kasamahan niya sa trabaho.
Anim na taong gulang pa lamang ito nang iwan siya sa bahay ng kanyang ina kasama ang kanyang nakakabatang kapatid na si Moon Seulgi para mamalengke muna ng mga ingredients na kakailanganin nila para ipang handa sa hapunan.
Dahil bata pa ito, madalas itong mangulit sakanyang mga magulang para manghingi ng pera.
Isang gabi, habang pauwi ang mga barkada ng ama niya dahil maaga itong natapos sa inuman. Lumapit ito sakanyang ama para manghingi sana ng pera. Dahil lasing at wala sa matinong pagiisip, galit ang ama nitong kinaladkad si Byul papasok sakanilang storage room.
"Putangina ka puro ka nalang hingi ng pera! Wala kang silbi! Para kang nanay mo!" sigaw ng ama niya pagkatapos ay malakas nitong tinulak ang batang si Byul sa loob.
Madilim at walang kailaw ilaw. Wala awang pinagsarhan siya nito ng pinto para ikulong sa loob ng dalawang araw.
Dahil hindi pa maintindihan ni Byul ang mga nangyayare, dalawang araw lang itong nanatili sa loob ng storage loob na wala masyadong maaninag na araw at ilaw dahil sobrang dilim sa loob. Hindi rin ito makatulog dahil sa labis na pagkagutom, nanghihinang nakaupo lang ito sa sahig habang patuloy na umaasang may maglalabas sakanya rito.
Hinanap naman siya agad ng kanyang ina at nakababatang kapatid simula ng mawala ito. Hindi naman sinabi ng ama niya ang totoo kaya tumagal ito ng dalawang araw bago pa man nila makita si Byul na nasa loob ng storage room.
Sobra ang galit ng kanilang ama lalo na kay Byul dahil ito ang bunga ng kanilang pagmamahalan at ang dahilan kung bakit maagang nag asawa ang kanyang mga magulang.
Nang hindi ipalaglag ng kanyang ina si Byul ay wala namang nagawa ang kanyang ama kundi tumigil nalang sa pagaaral at humanap ng perang bubuhay sakanila dahil itinakwil narin ito ng sariling pamilya.
Nasira ang isa sa pangarap nitong maging piloto at ang pamana sana na kanyang makukuha kung hindi lang ito nag asawa ng maaga. Ito ang dahilan kung bakit simula pagkabata ay wala na itong pakialam sakanila at pilit nalang ginagampanan ang obligasyon na buhayin silang lahat.
Sunod sunod naman na sampal ang inabot ng kanilang ama nang simula nilang makita si Byul sa storage room na nanginginig ang buong katawan dahil sa gutom.
At halos maapektuhan narin ang paningin nito dahil sa loob ng dalawang araw, ay puro dilim lang kanyang nakita.
Nang tumungong sa paaralan bilang high school ay hindi rin naging maganda ang pakikitungo nito sakanyang mga kaklase. Naramdaman din ni Byul na iba siya sa mga babae dahil hindi ito madalas magdamit pambabae at maiksi ang kanyang buhok na katulad sa mga lalake.
Madalas itong bullyhin ng kanyang mga kaklase dahil sa pagiging iba nito.
Dahil sa pagiging boyish, itinali si Byul ng kanyang mga lalaking kaklase sa upuan at hanggang maguwian ay hinayaan lang nila ito at tuluyang iniwan sa loob ng classroom.
Gabi na nang makita ito ng guard at agad naman na tinulungan siya nito para makauwi na.
Sa kabila ng lahat ng iyon ay nagkagusto siya sa isang babae. Kaklase niya rin ito ngunit mahirap itong abutin dahil sikat at maganda itong si Dahee. Nang makilala niya naman ito ng lubos dahil parati silang magkasama sa iilang group activities, naging malalim ang kanilang relasyon hanggang sa naging sila nito.
Ngunit walang kamalay malay si Byul na mayroon pala itong boyfriend at matagal na nga niya itong itinatago kay Byul.
Isang gabi, habang naglalakad pauwi. Bigla na lamang hinarang si Byul para simulang bugbugin ng at parusahan ng paulit ulit. Napagtanto niyang gang leader pala ang longtime boyfriend ni Dahee at nalaman na nito ang kanilang relasyon.
Nang matapos bugbugin ay hinampas naman nila ang ulo ni Byul ng malakas gamit ang isang bote. Nabasag ito sa sobrang lakas at halos tahiin ang ulo ni Byul noong gamutin siya dahil sa mga sugat na natamo niya sa pambubugbog.
Dahil dito ay napagpasyahan ni Dahee na hiwalayan nalang si Byul para tigilan na ito ng kanyang boyfriend.
Hindi naman naging sapat iyon dahil paulit ulit parin naman siyang binubully ng kanyang mga kaklase, kaya napagpasiyahan ni Byul na sumali nalang ng fraternity para kahit papano ay matakot sakanya ang mga klase at tuluyan na siyang tigilan.
Buong akalang matatapos na kanyang paghihirap, maaga itong dumating sa qualifications para maging isang official member na ng frat.
Makailang beses tumama sa kanyang iba't ibang parte ng katawan ang mga palo na natamo niya para makapasa ito sa qualifications.
Lumagpas ng isang daang palo at tuluyan na ngang bumagsak ang katawan ni Byul sa sahig na puno ng namumuong pasa at bali ng buto.
Hindi na nito nakayanan kaya agad namang sinugod nila ito sa hospital nang mawalan ito ng malay.
End of flashback......
"Byul...." mahinang tawag sakanya ni Yongsun nang magising at tila nakayakap parin sa katabing niyang si Byul.
"Goodmorning." Nakangiting bati nito kay Yongsun atsaka hinalikan siya sa noo.
Tumingin muna ito ng diretso kay Byul bago muling magsalita.
"Byul..." tawag ulit nito sakanya at nang tignan naman ni Byul si Yongsun sa mga mata ay nagsisimula nang magtubig ang mga mata nito na diretsong nakatingin parin sakanya.
"Shh.. Yongsun. Bakit ka umiiyak?" pagtahan ni Byul kay Yongsun nang magsimula nang bumuhos ang kanyang mga luha.
"Byul... I-im sorry. Masyado kasi akong nabigla sa nangyari." nagsimula na itong humikbi ng malakas kaya naman ibinaon niya bigla ang mukha niya sa mga bisig ni Byul na nakayakap rin pabalik sakanya.
"Shh... tahan na." pagpapatuloy na pagtahan nito kay Yongsun at paulit ulit na hinalikan ang kanyang noo.
"Sorry kung nasasaktan kita." sincere na pagkakasabi nito kay Yongsun.
Mas lalo namang lumakas ang hikbi ni Yongsun dahil aware pala itong nasasaktan na siya ni Byul.
Sa pagitan ng kanyang pagiyak ay pinilit nitong magsalita at sabihin kay Byul ang mga bagay na gusto niyang iparating.
"Byul, I..." nauutal na pagputol nito.
"I love you." diretsong pagkakasabi nito.
Hindi naman malaman ni Byul kung anong meron at parang may biglang tumusok sa kanyang puso nang sabihin bigla ni Yongsun ang mga salitang iyon.
Napatulala na lamang si Byul at hindi malaman kung ano ang isasagot pabalik kay Yongsun.
Hindi niya alam kung deserve ba talagang niyang marinig ang mga salitang iyon galing kay Yongsun.
Imbis na sumagot ay hinawakan niya bigla ang mukha ni Yongsun para iharap sakanya at sinimulang halikan ito.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...