Chapter 16

166 2 0
                                    

Third POV

Yongsun woke up with Byul beside her. Natalikod siya kay Byul habang nakayakap naman ito sakanya. Hinayaan niya lang na ganito ang posisyon nila at dahan dahang kinuha ang cellphone para hindi niya magising si Byul.

Pagkatapos tignan ang notif. sa twitter at magmessge sa gc nila Hyejin. Itinabi niya na muna ang cellphone at agad na umikot para harapin ang mahimbing na natutulog na si Byul.

Byul, what's your story?

Bulong nito sa sarili.

Walang alinlangang hinaplos ni Yongsun ang kanyang mukha atsaka tinitigan ito ng matagal.

Mukha siyang hamster.

Natatawang biro nito sa mukha ni Byul na natutulog.

Bigla namang naalala ni Yongsun ang ginawang pagpaso sakanya ni Byul kagabi.

Sino ba naman magaakala na ang cool, sadista at cute na estudyanteng ito ay nagmumukhang maamo ang mukha kapag natutulog?

She looks so vulnerable.

She took the moment to stare a little longer.

Hindi kasi siya masasaktan nang natutulog na si Byul.

Physically, oo. But maybe later on, she'll have to deal with a lot of emotions too.

Aware naman si Yongsun na she's starting to cross the line. Kaya nga bigla itong tumayo at iniwan na si Byul sa kama.

A seconds later, magsisimula na sana itong ayusin ang kanyang sarili, nang mapansin naman niyang hindi na siya nakahubad at meron na itong damit na suot.

Dinamitan siya ni Byul?

As usual, nakasanayan na ni Yongsun na after sex ay siya lang mismo ang nagaayos at nagbibihis sa sarili.

Ganun naman lagi, huhubaran ka ng ka one night stand mo pero pagdating ng umaga kanya kanya na kayo.

Sa gulat na baka binihisan nga siya ni Byul ay bigla niya itong nilingon sa kama pero wala na ang natutulog na si Byul.

"Goodmorning, Ms. Kim." bati ni Byul na may pagka husky ang boses habang naglalakad papalapit kay Yongsun.

"Tangina, layo." pagtataboy nito atsaka umatras palayo kay Byul.

Hindi naman ito pinakinggan ni Byul at nagpatuloy lang ang lapit kay Yongsun hanggang sa makorner ito sa pader.

"Byul, utang na loob." nerbyos na pagkakasabi ni Yongsun dahil nagsisimula nanamang may mamuong tensyon sa pagitan nila.

Isinandal naman ni Byul ang magkabilang kamay sa pader para ikulong si Yongsun sa pagkakakorner.

Diretsong nakatitig lang ito sa mga mata ni Yongsun at lakas loob na namang tinignan ito ni Yongsun pabalik.

Tumagal ang titig na iyon ng ilang segundo. Walang gustong magpatinag, walang gustong bumitaw.

"Anong feeling? Ganito yung ginawa mo sakin sa xerox room, diba?" matigas ngunit mapangasar na sinabi ni Byul.

Hindi nakasagot si Yongsun. Hindi niya din kasi alam ang isasagot.

Napapikit nalang si Yongsun nang bigla namang igalaw ni Byul ang kanyang ulo papalapit sa mukha niya.
Naramdaman nalang niyang tumama ang mga labi ni Byul at sinabayan ang paghalik nito nang magsimula nang igalaw ni Byul ang kanyang labi.

Mabagal, maingat at maawain. Kabaliktaran ito ng halik na natanggap niya mula kay Byul kagabi.

Somehow, she felt safe.

Malayang inilagay ni Yongsun ang isang kamay sa batok ni Byul habang ang isa naman ay sa buhok nito. Hindi na nakatali ang mga kamay nito kaya naman natutuwa siyang hawakan si Byul for the first time.

Nagpatuloy lang sila sa paghahalikan hanggang sa buhatin ni Byul ang kanyang katawan at pinulupot naman ni Yongsun ang mga binti sa bewang ni Byul habang patungo silang pumapasok sa CR.

Inilapag ni Byul si Yongsun sa may table malapit sa sink at tumigil sa paghahalik. Bumaba ang tingin nito sa marka ng paso na nilagay niya sa hita ni Yongsun.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Here, let me lessen the pain." nagsimula namang lumuhod si Byul at dinampi ang labi sa iniwan niyang marka kay Yongsun.

Napatulala bigla si Yongsun sa kanyang ginawa at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.

"Better?" tumingala ito kay Yongsun at binigyan siya ng ngiti.

Unti unti namang bumilis ang tibok ng puso ni Yongsun na hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Bakit mo ba kasi ginawa yan?" inis na pagkakasabi nito para itago ang totoong emosyon.

Tumawa naman si Byul atsaka tumayo na para kausapin si Yongsun. Tumingin muna ito sakanyang mga mata bago muling magsalita. "Ayoko na ulit makikitang nagsusuot ka ng maiksi."

Tangina.

Paulit ulit na mura ni Yongsun sakanyang isipan.

Ibang klase talaga magisip si Byul at kung hindi siya nagkakamali ay may borderline personality disorder at sexual sadism disorder ito.

Hindi siya eksperto sa ganitong field, but there are many possibilities na may childhood trauma o kung ano pang nangyari sa nakaraan ang nagtrigger ng ganitong behavior ni Byul kagabi.

But Yongsun is willing to help her, they will seek help soon. Sa psychiatrist or other profession na maghahandle ng kanyang mental issues. For Byul, tutulungan niya itong gumaling.

Nang hindi makatanggap ng response mula kay Yongsun ay agad naman niya itong niyaya para samahan siya. "Let's take a shower together?" pagyaya niya kay Yongsun.

Hindi pa nakakasagot si Yongsun ay bigla naman itong hinila ni Byul at nakita na lamang ni Yongsun ang sarili na kasama si Byul sa shower habang pinagpatuloy ang kanilang naudlot na paghahalikan.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon