Chapter 7

159 5 3
                                    

"Tangina. Feel ko hindi na tayo papapasukin dahil sa suot ni Kisum." biro ni Seulgi sabay tingin sa damit ni Kisum habang naghihintay sa labas ng company dahil pigilan silang makapasok ng guard.

Pabiro namang akmang sasapakin na ni Kisum ang kaibigan atsaka nagsalita. "Pigilan niyo ko, babanatan ko na 'to."

At sabay sabay silang nagtawanang magkakaibigan.

"Pasok na daw kayong lahat. Gusto daw kayong makita ng may ari ng kumpanya." wika ng guard sakanila.

Naglipat ang mga tingin nila Kisum, Seulgi at Hani sa isa't isa habang si Byul naman ay dedma lang.

"Hala, agad agad?" gulat na sabi ni Hani.

"Maganda daw yun. Putangina. Sana pala inayos ko pormahan ko." nahihiyang sabi ni Kisum.

Nakangisi namang tumingin si Seulgi kay Byul. "Walang aatras ah?"

Pinandilatan lang ito ng mata ni Byul atsaka hinila ang mga kaibigan papasok ng kumpanya.

"Sunod kayo sakin." pagturo ng direksyon ng guard at sinamahan sila patungo sa isang department na related sa course na kinuha nila.

Hindi naman sila sumakay ng elevator o umakyat ng hagdanan dahil sa ground floor lang din matatagpuan ang department na 'to pero malaki ang kumpanya kaya nakailang minuto din silang naglakad bago makarating dito.

Kinuha naman ng guard ang kanyang I.D para i-tap for identification at inilagay ang fingerprint sa door lock ng department.

"Uy, high-tech." namamanghang sabi ni Kisum.

Bumukas ang malaking glass door sa harap nila na nagsisilbing main door ng department at tuluyan na silang pumasok isa isa.

"Wow." lumaki ang mata ni hani nang makita at simulang makapasok sa loob.

Bumungad sakanila ang isang napakalaking space ng naturang department at ang karamihan sakanila ay busy, nagmamadali, tumatakbo na para bang may hinahabol na deadline. Lahat ay may sarili sariling mundo habang ginagawa ang kani-kanilang trabaho.

Dinala sila ng guard sa isang unoccupied office work table para simula nang ipakilala ang magiging OJT officer na magtuturo at maguutos sakanila ng mga task na gagawin.

Agad naman silang binati ng OJT officer at nagpaalam na yung guard.

"Goodmorning, I'm Bambam. Don't call me, sir. Tratuhin niyo ko na parang tropa lang. Mukha naman kayong astigin lahat eh. Haha." bati nito sakanila at kinamayan sila isa isa.
Mukha naman itong mabait at makakasundo nila kaya hindi naging awkward ang first encounter nila dito.

Bago pa man na simulang ipakilala nila Byul ang kanilang mga sarili ay napansin nitong tumigil lahat ng tao sakanilang ginagawa at pati ang mga kaibigan niya rin nakita niyang nakakanganga habang nakatingin sa
magkabilang direksyon.

"Tangina, totoo nga. Ang ganda niya putangina." nakanganga sabi ni Kisum na hindi parin makapaniwala sa kanyang nakikita.

Nakaharap si Byul sakanyang mga kaibigan kaya hindi niya pa alam kung ano o sino ba ang tinutukoy nito.

"May lahi ba siyang Korean? Sobrang kinis ng mukha eh." nagtatakang tanong ni Hani.

Napansin naman niyang parang nataranta bigla si Seulgi at nagsimulang may ituro bandang likod niya.

"Ano ba yun?" tanong ni Byul na wala parin alam sa mga nangyayari.

Nilingon niya ito at tila ba parang nakuryente siya nang mag salubong ang kanilang mga mata.

Maganda ang mga mata nito pero napansin din niya na parang matagal na itong walang buhay.

Hindi na niya hinayaan pang malunod sa mga mata nito at agad na umatras nang mapansin nasa harap na niya ito agad.

"You!" biglang sigaw ni Yongsun at tinignan si Byul mula ulo hanggang paa.

Hindi man maamin sa sarili ay ngayon nakumpirma na ni Yongsun kung bakit isa ito sa mga pinili ng HR Manager kahit alam nitong galing ito sa ibang university.

"Come to my office." utos nito na mahirap tanggihan dahil sa nakaka-intimidate nitong tono.

Inirapan nito si Byul bago umalis at nagsimula nang maglakad palayo sakanila.

Nagugulahan man ay tinignan ni Byul ang mga kaibigan na nai-speechless bigla sa sinabi ng babae kanina.

"Mahal mo pa naman buhay mo diba?" bulong ng kanilang OJT officer na si Bambam kay Byul.

"Sumunod ka nalang." dagdag nito at sinenyasan siya na bilis bilisan niyang maglakad bago pa lumabas ang tunay na kulay nito at ipahiya siya sa lahat ng tao sa department.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon