Chapter 53

73 1 0
                                    

A sudden burst of rage.

Byul POV

Pagkatapos magexam ay may iilang minuto pa bago magdismiss ang kanilang guro para maguwian na.

Nakaupo si Byul sa may pinaka sulok habang ang mga kaibigan naman niyang sila Hani ay nasa kabilang parte ng classroom na malayo sakanya.

Pagkadating na pagkadating niya kanina, ay hindi siya pinapansin ng kanyang mga kaibigan kaya naisipan nalang niyang lumayo at hindi rin sila pansinin.

Pinag special exam nalang siya kanina para sa mga subjects na hindi niya napasukan kahapon.

"Putangina mo, kisum! Gago ka!" rinig niyang sigaw ni Seulgi kay Kisum.

Nilingon naman niya ito at nakitang pabirong nagaaway ang dalawa.

"Tanga mo talaga, hahahaha!" tugon ni Kisum at mabilis na iniwasan ang notebook na binato ni Seulgi.

Nagsimula nang magbatuhan ng gamit ang kanyang mga kaibigan at hinayaan na lamang ito ni Byul at nagkunwaring tulog sa upuan niya.

"Shit." biglang mura ni Byul nang biglang may tumama na malakas sa ulo niya.

Pagangat ng ulo ay nilingon niya muli ang mga kaibigan at nakita ang nakangising parang aso na si Hani.

Hula niya ay ito ang nagbato sakanya ng bag na puno ng gamit. "Anong problema mo?" Tumayo si Byul at agad na naglakad papalapit kay Hani.

"Gago? Tinatanong mo pa, eh ikaw nga yung problema." nakangising asar ni Hani.

Bigla namang tumiklop ang kamao ni Byul at pinipigilan ang sarili na wag sapakin ang kanyang kaibigan.

"Hoy, tama na yan. Baka san pa mapunta yan." awat ni Kisum.

Pero para bang walang tenga si Hani at hindi pinakinggan ang sinabi ni Kisum. "Diba, sabi ko hiwalayan mo nalang si Ryujin kung wala kang balak tapusin yung kalandian niyo ni Ms. Kim? Putangina, wala ka talagang kwentang tao eh." walang ingat na pagkakasabi ni Hani na lalong nagudyok kay Byul para magalit.

Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Hani at agad na sinugod ang kaibigan.

Dahil sa bilis ng pangyayare ay nakita na lamang nila Kisum at Seulgi na mahigpit na sinasakal ni Byul ang kaibigan at pumagitna naman ang dalawa para awatin sila.

"Papatayin kita hanggang sa mawalan ka ng hininga!" nangangalaiting sigaw ni Byul.

Bigla namang natigilan sila Kisum at Seulgi at nagkatinginan muna bago muling awatin ang dalawa.

"Ack!" naghahabol hiningang tugon ni Hani at nagsisimula naring mamutla ang mukha nito.

"Byul, tangina para kang baliw!" tarantang sigaw ni Kisum habang pilit na tinatanggal nila ni Seulgi ang mga kamay ni Byul sa leeg ni Hani.

Gulat namang nakatingin lang ang kanilang mga klase at hinihintay ang sunod na mangyayari.

Wala ang kanilang prof. dahil lumabas lang ito ng saglit.

"Byul, tama na yan!" seryosong sigaw ni Seulgi at nagtatarantang baka mawalan ng malay si Hani.

Nagkatinginan naman ulit ang dalawa habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Byul at nagtatakang hindi parin nila natatanggal ito dahil sa sobrang lakas at higpit ng pagkahawak ni Byul.

Malakas si Hani pati narin ang mga kaibigan nitong si Kisum at Seulgi, dahil mga varsity ito ng volleyball team at palaging sabak sa training.

Kaya hindi nila maintindihan kung bakit napalakas ngayon ni Byul at hindi nila mapigilan.

Ilang segundo ang lumipas ay agad na binitawan ni Byul ang leeg ni Hani at gulat na tinignan ang mga kaibigan habang nakangangang hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"Byul? Ok ka lang?" dilat matang ekspresyon ni Seulgi.

Agad namang napatingin ang tatlo sa naghahabol hiningang si Hani at paulit ulit na umubo habang hawak hawak ang leeg niya.

Napadapa ito sa sahig at galit na tumingala kay Byul. "Hayop ka. Demonyo."

Ang mga salitang biglang nagtulak kay Byul na umalis ng classroom at mabilis na tumakbo palabas ng campus habang paulit ulit na hinahampas ang ulo.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon