Status: ???
Byul POV
"Yung profit natin for the next month kakayanin ba? Mas marami tayong expenses ngayon since kabubukas lang nung dalawang branch. Tsaka hindi na ako madalas makakabisita dito kasi kailangan kong umattend ng meeting para makahanap ng investors. Kaya from now, you'll take in charge of everything here. For temporary. Since you're the new manager and gave you this position. I believe in you." Byul tap her shoulder. Kakaappoint niya lang ng new manager sa restaurant na pinatayo ng tatay niya, dahil matanda na ito at kailangang nasa bahay nalang nagpapahinga. Siya ang ginawang new owner at pinaubaya na ang paghahandle lahat kay Byul.
Since sa fourth floor din ng mall nakatayo ang restaurant na ito. Crowded at madaling puntahan ito ng mga customer. Kaya naman hindi sila nalugi at mas sagana pa nga ang naging resulta ng pagpapatayo nila ng business.
It's been a year since... Ryujin rejected her proposal. Wala namang nagbago sa buhay ni Byul. Siguro mas natuto lang siyang dumepende ngayon sa sarili niya. Dahil nasanay nga siya kay Ryujin. Hindi naman naging mahirap para kay Byul ang lahat dahil nilulong niya ang sarili sa pagtatrabaho at sa paghahandle ng business. Para lang may pagkaabalahan siya at madali siyang makalimot.
Marahil ay masakit din para sakanya na mawalan ng longtime girlfriend. Pero kung ano man ang naging desisyon ni Ryujin, eh matagal nang natanggap ni Byul.
Lumabas muna ng restaurant sandali si Byul para makapagisip isip.
It's been a year also... maybe more than a year. Since the last time she saw Yongsun.
Hindi na masyadong naging active sa social media si Byul kaya wala na siyang masyadong update sa lahat.
Kung ano man ang nangyayari sa buhay ng mga kaibigan niya at mga taong nakilala niya noon, eh wala siyang ideya ni isa.
But in spite of everything, kahit matagal na panahon na ang lumipas. She still longs for Yongsun. Every night, the same way when she was still with Ryujin. Even in her most occupied days. She still thinks about her.
Siguro nga. Para kay Byul, mahirap nga talagang kalimutan ang nagiisang Yongsun.
Finally went outside, to get some fresh air. Naisipan namang lumabas ni Byul ng mall para makapagisip isip muna tulad ng parating niyang ginagawa sa stress days niya. Dahil nga tatlo na ang branch ng restaurant nila. Meaning mas maraming gawain, mas maraming kailangang bantayang profit.
Habang naglalakad papunta sa elevator, to reach the ground floor. Agad namang bumukas ang elevator sa harap niya, para ihatid sana siya sa baba. Pero hindi naman siya nakapasok agad dahil may biglang pumukaw ng atensyon niya.
Isang batang umiiyak sa kalagitnaan ng maraming tao at tila ba parang nawawala. Na naiwan ng mga magulang niya.
Hindi naman nagdalawang isip si Byul na puntahan ang batang iyon atsaka mabilis na lumuhod sa sahig para magsimulang kausapin ang bata.
"Nasan ang mga magulang mo? Bakit nawawala ka?" nagaalalang tanong ni Byul.Dahil masyadong bata pa ito, na sa tingin niya ay mga nasa tatlong taon na edad pa lamang. Mukha namang nakakapagsalita na ito pero hindi pa gaanong nakakaintindi ng mga sinasabi.
Maingat naman na hinawakan ni Byul ang kamay ng bata para magsimulang hanapin ang mga magulang niya. Tumigil na ito sa kaiiyak at laking pasalamat naman ni Byul dahil hindi natakot sakanya ang bata.
Nakakapaglakad na ang bata kaya naman hindi na ito kinarga ni Byul pero dahan dahan lang siyang naglakad para masabayan siya nung bata. Nakailang ikot naman ang dalawa, hoping na sana mamukaan ng bata ang mga magulang niya at ituro ito sakanya. Pero makalipas ang halos kalahating oras eh wala parin silang nakikitang mga magulang ng bata.
Nakakita naman ng bench si Byul, para sana magpahinga muna silang dalawa nung bata. Pero laking gulat naman niya nang biglang kumalas sa pagkakahawak ang bata at tumakbo ito sa ibang direksyon.
"Teka, teka lang!" sigaw ni Byul sa batang biglang tumakbo.
Mabilis na sinundan at hinabol ito ni Byul, pero napatigil naman siya agad. Pagkatapos yumakap ng bata sa likod ng babaeng parang may hinahanap rin at kahit nakatalikod ay halata sakanya na nagaalala na ito ng husto.
"Mommy!" sigaw ng bata na patuloy na nakayakap sa nakatalikod na babae.
Hindi na nagawa pang kausapin ni Byul ang nanay nung bata, nang bigla naman itong lumingon at makita nang harapan ang mukha ng babae.
"Yongsun." bulong ni Byul nang makumpirma kung sino ang taong ito.
Lumuhod ito at yinakap naman pabalik ang bata. Katulad ng isang ina na takot mawala ang anak niya at hindi na makita pang muli.Nananatiling nakatayo si Byul habang tinitignan ang mag ina. Hindi maipinta sa mukha niya kung ano ang mararamdaman niya ngayon para kay Yongsun.
Kung may sariling pamilya na nga si Yongsun, eh masaya parin naman siyang nakita niya ulit si Yongsun.
Still standing inches away from them, bigla namang tinuro ng bata si Byul. And then, Yongsun looked up and suddenly saw her.
Byul tried to smile at her but she didn't smiled back.
Naglakad naman papalapit si Byul sakanila para puntahan ang dalawa.
"Tinulungan ka niya?" nagtatakang tanong ni Yongsun sa bata nang tuluyang makalapit si Byul. Tumango naman ang bata, atsaka tinuro ulit si Byul.
Napalunok muna si Yongsun bago muling tignan ang nakatayong si Byul.
"Byul." ang tanging nasambit ni Yongsun nang tignan muli ang taong nakatayo sa harap nila."Yongsu--"
"Salamat." mabilis na wika ni Yongsun. Ngayon ay nakangiti na ito.
Maingat na kinarga ni Yongsun ang bata atsaka tumayo agad para mabilis na talikuran si Byul.
"Sandali." biglang wika ni Byul.
Nilingon naman siya kaagad ni Yongsun atsaka mataray na itinaas ang isang kilay kay Byul.
"Oh?" tugon niya.
"Single na ko." nakangisi at natatawang wika ni Byul.
Hindi naman nakasagot si Yongsun kaagad at tinignan na lamang ng matagal ang mukha ni Byul.
Dahil mukhang hindi naman natuwa si Yongsun sa sinabi niya. Tatalikuran na sana ulit siya ni Yongsun, nang biglang may napansin si Byul. Pagkababa ng tingin niya sa isang kamay ni Yongsun.
"Wait. You kept your promise?" gulat na wika ni Byul nang makita ang singsing na nakasuot sa daliri ni Yongsun.
"I did. Diba sabi mo. Suotin ko 'to. In case, we don't end up together in the end." she admitted, smiling bitterly.
Byul didn't understand it at first, and refused to believe it.
Until Jinyoung appeared out of nowhere. The kid rushed to reunite with him. Calling him something that made Byul regret every decisions she made in the past.
And how Byul badly wanted to turned back the time,
and chose Yongsun instead.
"Daddy!" The kid shouted and greeted Jinyoung.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...