Chapter 20

147 5 0
                                    

Black Scoop Cafe.

Mabilis na pumunta si Byul sa cafe na sinasabi ni Ryujin. Katabi lang ito ng starbucks at sa harap lang din ng mall kaya agad namang nakapunta si Byul dito.

Pagkatapos ay agad na hinanap ni Byul ang kanyang girlfriend na naghihintay sakanya ngayon. Nakita niya itong nakaupo malapit sa may bintana at malalim ang iniisip nito na nakatingin sa malayo.

"Love....?" tawag niya rito ng marating ang table na inuupuan ni Ryujin.

"Love." pilit itong ngumiti pero agad naman bumagsak ang mukha niya.

Kung dating ay natutuwa itong makita si Byul. Ngayon ay kabaligtaran ang sinasabi ng ekspresyon sa mukha niya.

Umupo ito paharap kay Ryujin para makausap ang nobya ng maayos.

"Nakaorder ka na? Ako na magbabayad." kinuha naman ni Byul ang kanyang wallet at nang mailabas ang pera ay agad naman siyang pinigilan ni Ryujin.

"Kailan ka pa nagkaroon ng ganyang kadaming pera?" intrigadong pagkakasabi ni Ryujin, nakita niya kasing puno ng pera ang wallet ni Byul.

Hindi naman alam ni Byul ang mararamdaman pero bigla siyang na offend sa sinabi nito.
"Sa OJT malamang, nagiipon nga ko para sa lahat ng bayarin. Diba?"

Kunot noong tinignan lang siya ni Ryujin na tila ba naghihinala parin. "Hindi ganyan kalaking pera ang makukuha mo sa OJT, Byul."

Biglang nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Bakit hindi ka makasagot?" muling nagsalita si Ryujin nang matigilan si Byul sa sinabi niya.

"What are you trying to point at?" ang tanging naging sagot ni Byul.

Diretsong nakatingin lang si Ryujin kay Byul at si Byul naman ay hindi makatingin ng diretso kay Ryujin.

"Alam mo kung ano ang pinupunto ko, Byul." mabilis na pagkabog ng dibdib naman ang naramdaman ni Ryujin nang palapit na sila ng palapit sa ugat ng kanilang pinagaawayan.

"Si Ms. Kim." diretsong pagkakasabi ni Byul.

Para bang nabuhusan ng malamig na tubig si Ryujin nang banggitin ni Byul ang pangalang iyon.

"Anong meron sakanya?" seryosong pagkakasabi ni Ryujin.

"Walang namamagitan sa aming dalawa." mabilisang pagkakasabi ni Byul.

Hindi makapaniwalang tinignan naman siya ni Ryujin. "Hindi ko tinatanong kung anong meron sainyo, Byul. Ang layo ng sagot mo sa tanong ko." patay malisyang pagkakasabi nito.

Napahawak naman si Byul sakanyang noo na para bang malapit na itong mafrustrate. "Eh dun din naman papunta yun, diba?!" galit na pagkakasabi nito at sinigawan si Ryujin.

"Kasi kung siya lang din naman ang paguusapan natin ngayon, eh umuwi nalang tayong dalawa!" dugtong ni Byul na puno parin ng galit.

Unti unti namang pinagtinginan na ang dalawa sa loob ng cafe. Napatulala nalang bigla si Ryujin dahil ito ang unang beses na sinigawan siya Byul.

"Love? I-im sorry." nauutal na pagkasabi ni Byul nang mapansing napatahimik bigla si Ryujin at hindi na siya muling nagsalita.

Namumutla ang mukha nito sa labis na pagkahiya at hindi makapaniwalang sinigawan siya nito in public, na hindi naman ginagawa ni Byul dati kahit pa maraming beses na silang nagaway noon.

Ngumiti ito pero puno ng pait at lungkot ang gumuguhit sa mukha ngayon ni Ryujin. Huminga muna ito ng malalim bago muling magsalita.

"Byul, nagbago ka na." malungkot na pagkakasabi nito.

At tuluyan na ngang sinakop ng lungkot ang mukha niya.

Iniwas naman ni Byul ang tingin sa kanyang nobya dahil sa namumuong konsensya na nararamdaman niya dito.

Bakit hindi niya magawang isipin si Ryujin habang ginagawa niya ang mga bagay na iyon kay Yongsun?

Sa paulit ulit na paglapit ng mga labi nila ni Yongsun ay tila ba parang walang Ryujin na-eexist sa buhay niya.
Ang babaeng nakasama niya ng halos dalawang taon ay parang naglaho nalang bigla sa buhay niya nang unti unti na niyang makilala si Yongsun.

Pero para kay Byul, si Ryujin parin ang nagsisilbing tahanan nito. Dahil para sakanya, hindi madaling kalimutan ang babaeng nakasama at nakasanayan mo nang matagal na panahon.

Si Ryujin ang bahay na inuuwian ni Byul pagkatapos nang mahabang araw. Her own shelter, safety and security. One of the reason why she's not lost, kasi ito ang tanging gabay niya sa pagkakaroon ng matinong pagiisip.

Calm, normal and sincere, ito ang mga katangian na lumalabas kay Byul sa tuwing kasama niya si Ryujin.

Ang hindi niya tunay na pagkatao.

Marahil ay nasanay lang talaga siya dito at dahil lubos na nirerespeto niya ito ay wala pang nangyayari sakanilang dalawa.

Mahal niya ito, pero hinding hindi ito magiging malalim dahil sa tagal ng kanilang pagsasama ay wala pa itong kaalam alam sa tunay na ugali ni Byul.
Hinding hindi magiging comfortable si Byul sakanya lalo na't kailangan pa ni Byul na paulit ulit na magpanggap para lang hindi siya husgahan ni Ryujin.

Mabait si Ryujin. Pure, soft and innocent. At sa oras na malaman at makilala niya na ang totoong Byul,
ay hindi hinding nito magiging deserve ang kademonyohang matagal nang dumadaloy sa dugo ni Byul.

"I-i don't think you deserve me." ang tanging lumabas na lamang na mga salita galing kay Byul.

Napalunok na lamang si Ryujin dahil nananakit na ang lalamunan nito sa emosyong unti unting bumabalot sakanya, senyales na malapit na itong humagulgol ng iyak.

"Byul, hindi ko kaya." halos mabasag ang tono ng pagsasalita niya.

Napapikit na lamang ni Byul nang hindi malaman ang sunod na sasabihin.

"Byul naman.. Ang dami na nating nalagpasan na away. Ngayon pa ba tayo susuko?" unti unti nang pumapatak ang luha sa mga mata ni Ryujin.

Nang dumilat si Byul ay agad naman niyang pinunasan ang mga luha ni Ryujin gamit ang dalawang kamay. "Hindi mo pa ko lubos na kilala, Ryujin. And I don't think you're right person to discover it." malungkot at puno ng disappointment sa sarili si Byul nang sinabi niya 'yon kay Ryujin.

Nanatiling namang tahimik at nakatingin lang si Ryujin sakanya.

"Then, hayaan mo pa kong makilala ka nang lubos. I want to know everything about you. I deserve to know it all." walang pagaalinlangang sinabi ni Ryujin sakanya atsaka humagulgol ng iyak.

Napatingala na lamang si Byul dahil sa labis na frustration.

"Hindi mo kasi naiintindihan Ryujin...." puno ng frustration ang kanyang tono.

Patuloy lang sa pagiyak si Ryujin at palakas ito ng palakas na halos lahat ng customer sa loob ng cafe ay nakatingin na sa kanilang dalawa.

"Shhhh...." pagtahan ni Byul kay Ryujin.

Sinimulan naman niyang paulit ulit na halikan sa noo si Ryujin para lang kumalma ito at hindi na muling mag ingay. "Love, I'll stay. You don't have to cry out loud. Okay?" pagpapakalma nito.

Agad namang ngumiti si Ryujin at niyakap ng mahigpit ang taong nasa harapan niya ngayon. Hindi yumakap si Byul pabalik at natulala na lamang sa kanyang kinauupuan.

Hindi maipinta sa mukha ni Byul kung ano ang mararamdaman niya nang mga oras na iyon.

Pilit at awa nalang ba talaga ang lahat ng nararamdaman niya para kay Ryujin?

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon