Chapter 9

158 4 2
                                    

Maagang umalis si Byul ng company dahil sa main branch nalang daw siya magsisimula bukas atsaka pinauwe narin siya ng maaga ni Yongsun.

Mabilis lang ang biyahe dito papunta sa school nila kaya hindi na niya sinabihan pa si Ryujin na dadaan siya ng school dahil may balak siyang surpresahin ang nobya.

Malayo ang manila. For sure, magiging limitado at mahirap ang sitwasyon nilang dalawa dahil hindi na sila palaging magkikita.

Nang makarating ng gym, sakto ay naabutan niya pa niya si Ryujin at kanyang kaibigan na tila ba may seryosong pinaguusapan. Nagtago muna siya sa tabi para pakinggan ang mga ito.

"Alam mo Ryujin, hindi talaga kita maintindihan ba't nagiistay ka parin diyan kay Byul. Diba tapos na yung plano natin kila Hani?"
Rinig niyang pagkakasabi nung Yeji.

"Oo nga, tsaka hindi naman naging matagumpay yung plano natin na makapasok ng qualifiers at maging representative ng school para ilaban sa iba't ibang universities. Iwan mo na yan, Ryujin." rinig naman niyang pagkakasabi ni Lia.

Napapikit nalang si Byul sa sobrang inis. So, eto pala ang dahilan kung bakit siya inapproach ni Ryujin noon.

"Nga pala, diba may gusto si Felix kay Ryujin. Ba't di kaya i-set natin sila ng date? You look good together!" kantyaw naman ni Yuna.

Hindi na napigilan ni Byul ang kanyang sarili at hindi na rin hinintay pa na sumagot si Ryujin. Agad itong lumabas sa pinagtataguan niya para harapin silang lahat.

"Ryujin, tangina. Ano yung narinig ko?" galit na pagkakasabi nito kay Ryujin.

Naglipat naman ng mga tingin ang mga kaibigan ni Ryujin at sabay sabay na nagbulungan.

Tumingin muna si Ryujin sakanila bago ito magsimulang tumakbo papalapit kay Byul. "Byul, let me explain." pagmamakaawa nito kay Byul sabay hawak sa mga kamay niya.

Inalis ito agad ni Byul atsaka tinignan ng masama si Ryujin. Tangina, ginamit mo lang ako." ang huling sinabi nito bago magwalk out at hindi na hinintay pa magexplain si Ryujin.

"Byul, love. Teka lang naman!" habol nito kay Byul hawak ang braso para pigilan ito sa pagalis palayo sakanya.

"Hindi naman tayo tatagal ng ganito kung hindi kita minahal, diba?" rinig sa mga tono ni Ryujin na malapit na itong umiyak habang pinipigilan parin si Byul na umalis.

"Tsaka na muna tayo magusap, Ryujin. Pagod ako." walang ganang pagkakasabi ni Byul.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon