Chapter 59

67 1 0
                                    

The promise ring

Yongsun POV

"Byul? Malayo pa ba? Kanina pa tayo naglalakad." nagtatakang tanong ni Yongsun habang nakatakip ang mga mata. Nilagyan ito ng blindfold ni Byul para hindi makita ang surprise niya para kay Yongsun.

Nakasuot ito ng gown at heels, habang si Byul naman ay nakaformal ding suot na naka tuxedo at itim na sapatos.

Nang marating ang mabatong bahagi na malapit sa dagat ay hinalikan muna ni Byul si Yongsun sa noo bago tanggalin ang blindfold na nasa mata niya.

"Byul?" namamanghang wika ni Yongsun nang makita ang ginawang surpresa nila Byul para sakanya.

Pumunta naman si Byul sa harap ni Yongsun at maingat na hinawakan ang kanyang dalawang kamay. "Yongsun, hindi mo pa naranasan mag debut diba? Kaya eto, ginawan ka namin ng sarili mong debut." nakangiting wika ni Byul.

Diretso namang nakatingin lang si Yongsun sakanya na halos maubusan ng sasabihin at nanginginig ang labi na malapit ng umiyak dahil sa tuwa.

"Shh... Yongsun. Bakit naiiyak ka? Pangit ba? Okay naman yung nilagay naming decorations ah." nagaalalang tanong ni Byul dahil sa mga namumuong luha sa mata niya.

"Byul?" tawag niya ulit at bago pa man magsalita si Byul ay yumakap bigla ng mahigpit si Yongsun sakanya.

"Salamat." naiiyak na tugon ni Yongsun at nagsimula nang bumagsak ang mga luha sa mata niya.

Para sa isang tulad ni Yongsun na walang masayang childhood at teenage years. Ito na siguro ang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay niya. Dahil ang pinaka una, ay ang unang araw na nakilala niya si Byul.

"Byul, thank you. I don't expect anything from you. Pero eto, nilagpasan mo yung expectations ko." naiiyak na wika ni Yongsun habang patuloy na humihikbi ng mahina.

"Shh... hahaha. Bakit naman umiyak ka agad, Yongsun? Nagsisimula palang tayo oh." natatawang tugon ni Byul atsaka ngumiti ng malawak.

Masaya siya na nagustuhan ni Yongsun ang surpresa nito para sakanya.

"It's just..." bigla naman niyang pinutol ang sasabihin at agad na bumitaw sa pagkakayakap para punasan ang mga luha.

Mabilis namang kinuha ni Byul ang panyo sa bulsa para siya na ang magpunas ng mga luha ni Yongsun. "Shh... Tama na iyak ha? Mahal naman kita eh." nakangising wika ni Byul.

At gumana naman ito para magsimula nang ngumiti si Yongsun. "Sira. Sira ka talaga." nakangiting tugon niya habang pilit na pinipigilan ang sarili sa pagiyak.

"Tara na." aya ni Byul at dahan dahang hinawakan ang isang kamay ni Yongsun para dalhin ito sa pinaka gitna ng arch.

"Para naman tayong ikakasal dito. Debut ba talaga 'to?" natatawang wika ni Yongsun nang makarating sila dito.

Nakangiti namang tinignan lang siya ni Byul at ipinwesto ang sarili sa harap ni Yongsun atsaka hinawakan ang magkabilang kamay niya.

Tumingon muna ito ng diretso sa mga mata ni Yongsun bago magsimulang sabihin ang mga salitang yon.

"I want to be your first and last dance." seryosong wika ni Byul.

With those eyes, telling her how much Byul wanted to be her first and last.

Yongsun could tell... It felt like forever.

Sasagot na sana si Yongsun pabalik at agad namang nasira ang moment nila nang biglang magjoke si Byul. "Kahit na kalat kalat ang mascara mo sa mata dahil sa pagiyak mo kanina." nakangising asar nito.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon