Chapter 34

106 3 0
                                    

The Night Walk

Third POV

"Grabe, Byul. Ang ganda ng mga bituin!" turo ni Yongsun sa langit at tumingala naman si Byul para tignan ang mga ito.

"City of stars... Are you shining just for me?" bigla namang kumanta si Byul at hinawakan ang kamay ni Yongsun habang hawak kamay silang naglalakad.

"The song is familiar. But I forgot the lyrics." nagisip isip muna si Yongsun dahil hindi niya talaga maalala kung saan niya huling narinig ang kantang ito.

"The song is from the movie called "La la land", it's one of my favorite." ngumiti naman itong tinitignan si Yongsun habang patuloy parin silang naglalakad.

"Ay, Yongsun. Marunong ka bang sumayaw? I mean, pwede ba kitang maisayaw?" pumunta naman agad si Byul sa mismong harap ni Yongsun para inabot ang kanyang dalawang kamay.

Kinuha naman iyon ni Yongsun at kahit naguguluhan ay hinayaan niya lang kung anong trip nanaman sa buhay ni Byul ang gagawin nito sakanya

Inikot niya si Yongsun habang hawak ang mga kamay at pagkatapos ay bumaba ang mga kamay nito sa bewang ni Yongsun, habang ang mga kamay naman ni Yongsun ay nasa batok ni Byul.

"Hahahaha. Mukha tayong mga tanga." natatawang sabi ni Yongsun na abot tenga ang ngiti na nakatingin kay Byul.

Dahil gabi narin ay wala nang masyadong tao sa daan kaya hindi sila pagtitinginan ng kung sino man.

"Hindi ah. I think it's romantic." wagas na ngumiti rin pabalik si Byul sakanya habang sinasayaw ng mabagal si Yongsun.

"Sa libog mong yan? May nalalaman ka pa palang ganito?" biro ni Yongsun na nagpatawa naman ng malakas kay Byul.

"Sana nga, libog nalang ang lahat. Mali man sa paningin ng ibang tao, pero unti unti na kong nahuhulog sayo." diretso itong tumingin sa mga mata ni Yongsun at natigilan naman bigla si Yongsun sa sinabi niya.

"You always tend to say 'I love you first, pero wala kang narinig na sagot galing sakin..." pinutol bigla ni Byul ang kanyang sasabihin at dahan dahan inilapit ang mukha kay Yongsun habang diretsong nakatingin parin ito sa mga mata niya.

"I love you, Yongsun Kim. And I love you, too." dagdag ni Byul at napapikit na lamang si Yongsun nang unti unting tumama ang kanilang mga labi.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon