Time stopped.
Byul POV
Dumating ang dalawa sa apartment ni Yongsun at magkahawak ang kamay na pumasok sa loob.
Parang kailan lang, noong unang araw na nakatapak siya dito. Parehas lang din ng naramdaman niya noon.
Nakakaexcite, nakakakaba.
Pero ngayon? May halong lungkot.
🎶 Sa sandaling tila habambuhay
Bawat saglit magiging patunay 🎶Inilibot ni Byul ang paningin sa bawat parte ng sulok ng apartment ni Yongsun.
Hindi pa siya umaalis pero nangungulila na siya agad sa lugar.
🎶 Hawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit
Pwede ka pang lumapit 🎶Bumaba ang tingin niya sa higpit ng hawak ng kanilang mga kamay.
Nang makarating sa sala ay agad na tumigil ang dalawa para humarap sa isa't isa.
"Dito ka matutulog ngayong gabi, Byul?" normal lang ang tono ni Yongsun, pero halata sa mga mata niya na kanina pa nito gustong umiyak.
Pilit na ngumiti si Byul at isinawalang bahala na lamang iyon. "Ayaw mo?" nakangising tugon niya, pero malapit narin itong umiyak.
🎶 Kalimutan natin
Bukas na sasapit
Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo 🎶Nag tutubig ang mga matang nakatingin lang ito kay Byul bago muling sumagot.
"Ayoko pa." tapat na sagot ni Yongsun, kasabay ang pagtulo ng luha sa isang mata niya.
Mabilis namang tumakbo si Byul para yakapin siya ng mahigpit. "Iniisip mo bang iiwan na kita, Yongsun?" malungkot na sambit ni Byul nang yakapin niya ito.
Yumakap naman pabalik si Yongsun at mas hinigpitan ang hawak. "Hindi, pero ayun yung nararamdaman ko." pinilit niyang ngumiti kahit na nagsisimula nang bumagsak ang mga luha sa mata niya.
"Yongsun, ayokong umalis." ang tanging nasagot ni Byul.
Pero sa isip niya ay dumugtog ang mga salitang hindi niya kayang sabihin kay Yongsun.
Pero kailangan.
Bulong niya sa sarili.
Kumalas naman ito bigla sa pagkakayakap at agad na maingat na hinila si Yongsun sa kwarto niya.
Habang maingat na nakahawak sa braso niya ay dahan dahang inihiga naman ito ni Byul sa kama.
"I love you." nakangiti at taos pusong sabi niya sa nakahigang si Yongsun.
Pilit namang ngumiti si Yongsun pabalik na patuloy parin sa pagiyak. "I love you, too." puno ng pagmamahal na tinignan niya ng diretso si Byul sa mga mata.
Napapikit na lamang ito nang biglang dumampi ang labi ni Byul atsaka madiin na hinalikan siya ng paulit ulit.
Habang patuloy na bumabagsak ang luha ay hinawakan ni Yongsun ang batok niya at iginalaw ang labi para tumugon sa halik ni Byul.
"Hmm... I love you. I love you so much." paulit ulit na sambit ni Byul habang patuloy na hinahalikan si Yongsun.
"Mhm... I love you too, Byul. I love you." tugon ni Yongsun atsaka ngumiti ng mapait sa gitna ng kanilang paghahalikan.
Nang unti unting maubusan ng hininga dahil sa diin ng paghahalikan ay parehas na humiwalay ang dalawa at tinitigan ang isa't isa.
Halata naman sa mga mata ni Yongsun ang labis na pagkasabik na angkinin siya ng buo ni Byul ngayong gabi at nagsimula na itong hubarin ang pang itaas na damit niya, nang bigla naman siyang pigilan ni Byul.
"Wag." pagpigil ni Byul sa gagawin niya.
Nagtataka namang tinignan lang siya ni Yongsun na tila naguguluhan.
"Hayaan mong respetuhin kita sa huling pagkakataon." taos pusong sabi ni Byul.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...