Chapter 12

178 3 2
                                    

Ilang minuto lang dumating narin sina Wheein at Hyejin sa chill bar na napag planuhan nilang puntahan.

May banda nang tumutugtog pagkarating nila rito at naabutan din nilang nakasimangot si Yongsun sa isang table.

"Tagal niyo naman." inis na pagkakasabi nito.

Nag peace sign naman si Hyejin at agad na pinakalma ang kanyang unnie. "Sorry na. Traffic."

Magsasalita na sana si Wheein nang matigilan ito sa ingay na gawa ng mga tao sa kabilang table.

"TANGINA, GINAMIT NIYA LANG AKO!" rinig nilang sigaw nito.

"Eksena nun?" tanong ni Wheein at tinignan ang kanyang unnie na busy nanaman sa pagcecellphone.

As usual, walang pakialam si Yongsun sa paligid niya. Ni hindi nga niya ata nilingon kung sino yung mga taong yun.

"Squammy ang pota." wika ni Hyejin tsaka umupo na sila ni Wheein sa naturang table.

Kinuha naman ni Wheein yung menu na nasa table at nagsimula nang pumili. "Zombie chill lang ako, so anong sainyo?"

Bago ulit magsimula si Hyejin ay narinig nanaman nila ang mga taong nagaamok sa kabilang table. Pinagtitinginan narin sila ng ibang tao dahil sa sobrang ingay ng magtotropa.

Sumasabay sila sa pagkanta ng banda na nasa emtablado. "ANO BA ANG MAS GUSTO KO... ANG BEER NA TO O ANG PAGIBIG MOOOO."

Napanganga nalang bigla sila Hyejin at Wheein sa table nila sa sobrang kalat ng mga 'to.

"Putangina." rinig nilang pagkakasabi ni Yongsun.

Bigla naman itong tumayo at akmang aalis na sana ng table nang pigilan siya ni Wheein.
"Huy, unnie. Wag mo na patulan. You know, professionalism."

Sinagot naman siya ni Yongsun agad at binigyan siya ng assurance na alam niya ang kanyang ginagawa. "I know them."

Nagsimula na itong maglakad papunta sa table nila Byul at tumayo muna sa isang tabi bago magsalita.

"Hahaha putangina talaga bigla kong naalala si Ms. Kim. Putangina nun, isa pa yun. Masyadong pinapahirapan buhay ko." wika ni Byul.

Natigilan naman bigla ang magkakaibigan na tila ba para silang nakakita ng multo.

Hindi nakaharap ang upuan ni Byul dito kaya wala siyang ideya sa babaeng nakatayo ngayon sa likod niya.

"Oh, natahimik kayo?" pagtataka nitong tinignan ang mga kaibigan.

Nangininig namang tinuro ni Seulgi yung taong nasa likod Byul.

"What did you say?" isang pamilyar na boses ang narinig ni Byul galing sa likod niya.

Nang bigla niyang makumpirma kung sino ang nagmamay ari ng boses na 'yon, ay nawala bigla ang pagkalasing nito.

"Ahh... I said you look wonderful tonight." ang sabi nito nang lingunin si Yongsun.

Sinampal siya nito ng malakas na kinagulat lalo ng mga kaibigan niya.

"Hindi kita binigyan ng pera para magwalwal at magkalat ka dito. You're so fucking useless!" sigaw nito kay Byul atsaka kinuha ang isang baso na may laman ng alak para ibuhos sa mukha ni Byul

"Ayan nang magising ka." huling sinabi ni Yongsun bago umalis sa table nila.

Naiwan namang nakanganga ang mga kaibigan niya sa nangyari at si Byul naman ay biglang natameme sa ginawa ni Yongsun.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon