Push and Pull
Third POV
As expected, hindi nagpatinag si Byul at maagang pumunta sa company ni Yongsun. Hindi niya rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon... hindi niya parin magawang layuan si Yongsun. Kahit na sa tingin niya, may sarili na nga ata itong pamilya.
"I'm looking for Ms. Yongsun Kim. Yup, yung may ari ng kumpanya. Is she available?" tanong ni Byul sa receptionist.
Nagtataka namang tinignan lang siya ng receptionist dahil sa lakas ng loob niyang hanapin mismo ang CEO nila. To protect her privacy, even her safety. Tanging mga co-worker lamang ni Yongsun ang allowed at may permission na hanapin si Yongsun dito.
Kaya hindi kaagad sinabi ng receptionist na pumasok nga ang kanilang CEO ngayong araw. "May appointment po ba kayo sakanya ngayon? Wala po kasi kayo sa list." nangangambang tanong ng receptionist dahil nagsisimula na itong maghinala kay Byul.
Pero bago pa man sumagot pabalik si Byul ay laking gulat niya nang biglang bumungad si Yongsun sa likod niya at galit na kinaladkad si Byul palabas ng kumpanya.
"Yongsun, teka lang. Gusto lang naman kita makausap ng maayos." mahinahong pagkakasabi ni Byul. Nakakaawa naman itong tignan, habang hinahayaan ang sarili na kaladkarin ni Yongsun palabas.
Kahit nagsisimula nang gumawa ng eksena. Wala naman pakialam si Yongsun kahit pa pagtinginan na sila ng ibang tao.
"Byul, ano ba?! Wala ka talagang balak tantanan buhay ko?!" gigil at galit na wika ni Yongsun, pagkatapos nilang makalabas ng kumpanya.
Para hindi makaharang sa entrance, padabog na naglakad ito sa may tawiran, na malapit lang din sa kumpanya at tumigil sa may road sign. Atsaka sinundan naman ito kaagad ni Byul, na tumayo din mismo sa harapan ni Yongsun para kausapin siya ng mahinahon.
"Yongsun, please." sinubukang hawakan ni Byul ang braso niya, pero malakas na tinabig ni Yongsun ang kamay ni Byul.
"Wag mo ko hawakan." matigas na pagkakasabi nito.
"Galit ka parin ba sakin?" Obvious naman. Pero dahil hindi alam ang sasabihin, eh nagtanong na lamang siya.
Isang malakas na buntong hininga naman ang biglang pinakawalan ni Yongsun. At ang dahilan ng galit niya ngayon kay Byul? Ay hindi rin niya maintindihan.
"Byul, please stop! Let's stop this thing already! Well, who am I kidding? Wala namang dapat tapusin. Kasi in the first place, wala naman tayong pinanghawakan sa isa't isa." sagot ni Yongsun pagkatapos huminahon sa galit niya kay Byul kanina.
There, in front of her. Ang taong labis na kinamumunghian ni Yongsun ngayon. Ang taong pinagsisisihan niyang mahalin at ang taong nagsayang ng oras niya noon.
The same person standing in front of her.
Hindi naman dapat siya nagagalit kay Byul. Pero sa totoo lang, sa tagal nilang hindi nagkita. Dapat tanggap na ni Yongsun ang lahat.
Kung hindi man siya ang babaeng pinili ni Byul dati, bakit hanggang ngayon masakit parin kay Yongsun?
"Talaga? Wala tayong pinanghawakan sa isa't isa? Eh anong silbi nung singsing na binigay ko sayo dati?" tugon ni Byul.
Nagsimula naman siyang hanapin ulit ang singsing sa daliri ni Yongsun, pero bago pa man niya ito makita ay iniangat na ni Yongsun ang kamay para ipamukha ito kay Byul.
"Ah. Eto ba? Oh, suot ko. Tinupad ko naman yung pangako ko sayo." matigas na pagkakasabi ni Yongsun.
Napakagat naman ng labi si Byul nang magets na niya ngayon ang pinupunto ni Yongsun noong huling nakita niya itong kasama ang bata pati narin si Jinyoung.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
Roman d'amourA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...