True Home
Third POV
Dahil malapit lang ang venue sa bagong bahay na lilipatan nila. Mabilis naman silang naihatid dito, habang suot suot parin ang formal attire sa wedding.
"Tara wifey! Hahahaha." masayang wika ni Byul sa asawa niya. Finally.
Dire diretso namang pumasok ang dalawa. Second story apartment ang disenyo ng bahay nila. Malawak ang ground floor at isang master bedroom sa may second floor.
Hindi pa nakaligpit ang mga gamit ng dalawa. Puno ng maleta sa may tabi at mga bagong biling grocery. Mabilis na tumungo si Yongsun sa may kusina, para kuhain ang tatlong wine na binili nila. Nakangising tumingin sa pagod na si Byul at kasalukuyang nagpapahinga sa sofa.
Isa isa nitong binitbit ang tatlong wine atsaka bungisngis na tumungo sa may CR nila sa may master bedroom.
Pagkababa ay kinuha niya ang mga petals, bubble ball atsaka rubber duck, na lumulutang sa tubig. Para muling umakyat at ilagay ang mga ito sa may CR sa taas.
"BYUL!!! Halika dito!" sigaw ni Yongsun matapos ang ilang minuto at paulit ulit na tinawag si Byul.
"Oh? Paakyat na po. Wait lang." kahit pagod ay mabilis na umakyat ito sa taas. Diretsong tumungo sa CR at agad na bumungad sakanya ang nakangising si Yongsun, na tila parang may ginawang kalokohan.
"Wifey?" nagtatakang wika ni Byul atsaka lumipad ang tingin sa may bathtub. Na puno ng bubble ball, petals at isang rubber duck na nakalutang.
Matutuwa na sana ito dahil parang biglang bumalik sa pagkabata si Yongsun. Hindi niya lubos akalaing may childish side din pala ito, dahil elegante at may class tignan ang kanyang naturang asawa.
Ngunit bigla naman niyang nakita ang tatlong bote ng wine na nakabukas at nakalagay sa may gilid. Kunot noong tinignan ito ni Byul atsaka muling nilingon ang kanyang asawa. "Bakit--"
Hindi na natapos ni Byul ang sasabihin dahil biglang sumabat si Yongsun. "Binuhos ko lahat sa may bathtub." mapaglarong wika ni Yongsun atsaka lumawak ang ngisi na nakatingin kay Byul.
"Yongsun naman, tangina! Ba't mo sinayang yung wine?!" Hindi ito pinansin ni Yongsun at dali daling hinila si Byul para magsimulang lumublob sa bathtub na puno ng wine, petals at bubble ball.
Halakhak na sabay na tumawa ang dalawa. Basang basa ang mga damit, hindi pa pala nila natatanggal ang mga ito bago sila lumusong dito.
"Tangina, Yongsun! Sobrang saya! Hahahahahaha!" halos sumakit na ang tiyan ni Byul dahil sa ginawang kalokohan ng asawa niya.
Patuloy rin sa pagtawa si Yongsun, na tila mauubusan na ng hininga. Umibabaw sakanya si Byul at inilagay naman ni Yongsun ang magkabilang kamay sa batok ng kanyang asawa.
Hinalikan si Byul atsaka ngumiti. "You're right. I'm the person who could bring you happiness in life."
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...