Chapter 43

81 3 0
                                    

Wheein's Birthday Party

Third POV

"Unnie, yan na ba si squammy? Pagbuksan mo nga ng pinto." wika ni wheein, nang marinig nilang may biglang nagdoorbell sa labas ng condo ni wheein.

Pumunta naman agad sa pinto si Yongsun at pinindot ang hi-tech na lock para pagbuksan si Byul.

"Hi, Ms. Kim." nakangiting bati nito habang hawak hawak ang cake na binili niya para sa birthday girl na si Wheein.

Nilingon naman sila ni Hyejin nang tuluyan nang makapasok ang dalawa.

"Oh, bakit bumili ka pa ng cake? Marami namang handa si Wheein dito. Baka ikahirap mo pa." sarcastic na pagkakasabi niya kay Byul nang makita ang dala nito.

Pinandilatan naman siya agad ni Yongsun at lumingon kay Byul para ngitian ito. "Hayaan mo yan si Hyejin, ganyan talaga yan. Mapagbiro. Wag mo nalang pansinin."

Tumawa naman ng mahina si Byul at naniwala sa sinabi ni Yongsun. Mukhang kasing suplada si Hyejin pero nararamdaman niyang mabuti itong tao at kalog din.

"Uy, squamm- ay Byul pala. Salamat ha?" naglakad ito papunta kay Byul para kuhain ang cake at ilagay katabi sa mga iba pa niyang handa.

Actually, hindi naman sa loob ng condo ni Wheein gaganapin ang birthday niya. Meron kasing club house tsaka swimming pool sa baba ng condo na pareho nang nakareserve para sa birthday party ni Wheein.

"Upo muna kayo ni unnie jan sa sofa, Byul. May aasikasuhin lang kami ni Hyejin saglit sa labas." pagpapaalam nito atsaka hinila si Hyejin palabas ng condo.

Sabay na umupo ang dalawa sa sofa at medyo naging awkward pa sila bago may maunang magsalita.

"About sa sinabi mo kanina sakin, Byul... did you really mean it?" nahihiyang sabi ni Yongsun sakanya atsaka naghintay ng isasagot mula kay Byul.

"Alin dun?" tumingin ito kay Yongsun at may malaking space sa gitna ng dalawa, dahil hindi sila pwedeng makitang magkadikit nung dalawa na sila Hyejin at Wheein.

"You'll drop everything just to be with me?" seryosong tinignan ni Yongsun si Byul sa mga mata dahil hindi parin ito makapaniwala.

Tumango naman si Byul atsaka nginitian si Yongsun. Giving her assurance na paninindigan niya ang sinabi niya. "I mean it."

Yongsun's heart started beating fast. All of her insecurities and fears suddenly, was washed away.

"Eh paano si Ryujin? She's.. your girlfriend. You're everything." nauutal na sabi nito dahil naaawa din siya para sa girlfriend ni Byul.

"Yeah.... she was." malungkot na sambit ni Byul.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon