Chapter 87

89 1 0
                                    

Thank you :)

Third POV

"Sarap." masayang wika ni Byul sa breakfast na inihanda ni Yongsun para sakanya.

Maagang nagising si Yongsun para mapanood ng tips kung paano magluto ng breakfast, na sa tingin niya eh magugustuhan ni Byul. Dahil nga, si Byul ang palaging gumagawa ng breakfast nila noon. Eh gusto niyang makabawi ngayon at ipagluto si Byul.

"Weh?" nagaalangan na tugon ni Yongsun. Feeling niya nagbibiro lang si Byul at hindi talaga masarap.

"Oo nga. Promise." nakangiting wika ni Byul. Sakto lang naman ang lasa ng pagkaing ginawa ni Yongsun. Ngunit kahit ganoon, sobrang naappreciate na ito ni Byul dahil una sa lahat, gawa ito ni Yongsun. At nageffort pa ito na manood ng mga cooking tips para lang ipagluto siya.

Dahil nagsisimula nang kumain si Byul. Sumunod naman si Yongsun na kumuha ng isang tasang pancit na niluto niya. Dahan dahang isinubo at atsaka hinusgahan. "Parang hindi naman. Hindi naman ganun kasarap eh." nakangusong pagkakasabi ni Yongsun na may halong disappointment ang mukha.

Agad namang pinagaan ulit ni Byul ang loob niya para hindi na ito madisappoint at idown pa ang sarili. "Basta gawa mo, kakainin ko. Kahit ano pa yan. Mapa pagkain o tae. Di ako magiinarte." tugon ni Byul.

"Tae? Balahura." paulit ni Yongsun sa sinabi niya atsaka nandiri.

"Joke lang yun tae. Yung gawa nalang ng mama at papa mo. Kakainin ko." mabilis na tugon ni Byul at ngumisi.

Binato naman ito bigla ng table napkin ni Yongsun. Natatawang tinignan si Byul pagkatapos nitong hindi makailag at diretsong tumama ang binato sa mukha niya.

"Balahura parin." nakangiting wika ni Yongsun.

Sabay na tumawa ang dalawa. Pigil tawang tinignan ang isa't isa. Hindi man nila ito maituturing na date.

But those little moments with each other are for keeps and very worthy to remember.

Nagsimula na ulit silang kumain. Pero panay nakaw tingin naman si Byul sa babaeng nasa harapan niya ngayon, kasalukuyang kumakain ng pancit. Na gawa niya. "Yongsun?" biglang tawag ni Byul.

Iniangat naman ni Yongsun ang ulo para lingunin siya. "Ano nanaman?" pakunwaring irita ni Yongsun dahil hindi na siya matapos sa pag kain.

"Thank you." Byul replied, smiling peacefully at Yongsun.

"I don't have to force myself anymore." she added. Trying to reach her hand on the table.

Yongsun gently interlocked her fingers onto Byul's upon reaching her. And then, the two held hands. "Force what?" she asked, still curious.

Byul smiled again, telling her the answer. "To become happy."

"It came naturally when I'm with you." Byul joyfully admitted.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon