Chapter 42

85 3 0
                                    

Until when?

Ryujin POV

"Love? Nako. Parang wala nang ingredients para sa favorite mong pasta. Gusto mo lumabas muna ako para bumili?" nagaalinlangang sabi ni Byul nang makitang wala nang halos ingredients sa gagawin niyang meal para kay Ryujin.

Tumingin lang ito diretso kay atsaka nagsalita. "Hindi, wag na. Kahit ano nalang diyan. Hindi naman pagkain ang kailangan ko eh."

Tumango naman si Byul habang nakatalikod kay Ryujin at maingat na kinuha ang bacon na nakita niya sa ref. "Hmm, may bacon pa dito tsaka manok. Anong gusto mong ulam na lutuin ko?"

Frustrated by the person in front of her, naglakas loob itong ibuhos na ang lahat ng nararamdaman niya para kay Byul. "Wala. Pero ikaw, ikaw lang gusto ko, Byul." she said confidently.

Bago pa muling sumagot si Byul ay biglang nagsalita ulit si Ryujin. "Hanggang kailan ka kakapit?"

Unti unti namang nilingon ni Byul ang girlfriend niyang kanina pa nafufrustrate. "Ipagluluto na kita." kalmadong pagkakasabi ni Byul.

Ryujin let out a big sigh to release her frustration. Rinig na rinig ni Byul na malapit na itong sumabog dahil kanina niya pa iniilagan ang mga sinasabi ni Ryujin.

Sinimulan na ni Byul magluto at laking pasalamat niya dahil tahimik parin ito sa isang tabi at hinihintay siyang matapos.

It took a few minutes bago niya maluto ang bacon at ang isinalang niyang kanin sa rice cooker pagkatapos ay kumuha na siya ng plato para sa magiging almusal ni Ryujin.

"Kain na, love. Gutom lang yan." Byul tried everything and smiled as if nothing happened between them, para lang iwasan ang issues nila with Ms. Kim.

While ryujin was boiling up with anger, as much as gusto niyang mawala ang lahat ng sakit ng nararamdaman niya para kay Byul.

She has to know the truth.

Kahit masakit, gusto niyang malaman ang totoo.

And to clear her doubts and frustration, kailangan mismong si Byul ang umamin sakanya 'non.

"Matagal na bang may nangyayari sainyong dalawa ni Ms. Kim?" Ryujin then felt like she releases a bomb, but she has to say it.

"Magpakatotoo ka sakin, Byul. Kahit ngayon lang. Sabihin mo sakin ang totoo." dagdag ni Ryujin nang hindi ito magsalita.

As much as Ryujin wanted to burst out crying, naluluha narin ang mga mata ni Byul habang diretsong nakatingin lang sakanyang girlfriend.

Guilt was all over the place.

At ang masaklap pa 'don, ay ginusto ni Byul ang lahat ng iyon.

"Oo. Matagal nang may nangyayari saming dalawa." Byul confessed. A tear fell down from her cheek while admitting those mistakes.

Ryujin looked down to see the meal Byul had prepared for her. "Sorry, I lost my appetite. Hindi na pala ako kakain." She said at nagsimula na itong tumayo para maglakad palayo sa kusina.

"Love!" paghabol ni Byul sakanya.

Niyakap ito ni Byul ng mahigpit sa likod nang mahabol niya si Ryujin. "Tangina! Wag mo kong hawakan, Byul! Lumayo ka sakin!" sigaw ni Ryujin at kasabay 'non ang mga luhang umaapaw sa mga mata niya.

Sa sobrang galit ay pinigilan nitong umiyak at sinigawan muli si Byul. "HAYOP! Kadiri ka! Kadiri kayong dalawa! Sobrang sakit ng ginawa niyo!" paulit ulit na sigaw ni Ryujin at tuluyan na ngang bumuhos ang luha nito.

"Hindi ba pumasok sa isip mo na may girlfriend ka habang ginagawa niyo 'yong dalawa?! Ha?! Hindi mo ba naisip mo kung anong mararamdaman ko at kung gaano kasakit para sakin 'to pag nalaman ko ang totoo?!" galit itong lumingon kay Byul na hindi na din napigilang umiyak habang patuloy na nakayakap kay Ryujin.

"Mahal kita, Ryujin. Believe me, minahal kita." malungkot na sambit ni Byul sakanya.

Kumalas ito bigla sa pagkakayakap kay Ryujin at bigla naman siyang pinagsasampal ni Ryujin ng malakas. "Gago ka! Sobrang gago mong tao!" nangagalaiting sigaw niya kay Byul.

Hinarang naman ni Byul ang mga kamay para protektahan ang kanyang mukha dahil nagsisimula na itong masaktan sa paulit ulit na sampal na natatanggap niya mula kay Ryujin.

"Tangina, ang baboy niyong dalawa! Napaka baboy niyo!" patuloy lang ito sa paghampas ng mga kamay kay Byul hanggang sa mapagod.

Nang tumigil si Ryujin ay parehas na basang basa ang mukha ng dalawa dahil sa labis na pagiyak at diretsong tinignan ang isa't isa.

"Hindi mo na ba ko mahal, Byul?" pagod at paos na pagkakasabi ni Ryujin.

Kahit gustong lokohin ang sarili ay inamin niya ang totoong nararamdaman niya para kay Ryujin.

"Hindi ko alam." diretsong pagkakasabi ni Byul.

Ryujin stopped. Parang biglang gumuho ang mundo niya.

Napahiga na lamang ito sa sahig at kahit paos ay paulit ulit itong sumigaw.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon