Third POV
Alas diyes ng gabi, marahil karamihan sa mga tao ngayon ay tulog na at ang iba naman ang gising parin.
Tulala dahil sa eksenang nangyari kanina. Napagpasyahan ni Byul na puntahan ang bahay ni Yongsun ngayong gabi.
Pinindot nito ang doorbell nang ilang beses, hudyat na may taong naghihintay kay Yongsun sa labas.
Umabot ito nang ilang minuto bago pa man lumabas si Yongsun ng bahay at pagbuksan ng gate ang taong kanina pa hindi matahimik sa pambubulabog ng kanyang gabi.
"Leche." gulat at galit na pagkakasabi nito nang makita ang taong bumungad sakanya.
Padabog namang isinara bigla ni Yongsun ang gate para hindi makapasok si Byul.
"Yongsun, pagbuksan mo naman ako." kalmado at nagmamakaawang sabi ni Byul sa labas ng bahay ni Yongsun.
"Umuwi ka na, Byul!" pagmamatigas nito.
Unti unti namang naglikha ng ingay si Byul gamit ang mga kamay para sunod sunod na hampasin ang gate ni Yongsun sa labas.
"Putangina talaga ng taong 'to, mabubulahaw pa mga kapitbahay dahil sa ingay." pabulong na pagkakasabi ni Yongsun sa sarili.
Nang wala itong magawa dahil ayaw din niyang pagmumurahin sila ng kapitbahay dahil sa ingay na ginagawa ni Byul.
Pinagbuksan niya ito at dun naman niya napansin ang hawak hawak ni Byul na bulaklak, na hindi niya nakita kanina dahil mabilis niya pinagsarhan gate.
"Ano yan?" taas kilay na tinignan ni Yongsun ang bouquet of flowers hawak hawak nito.
"Bulaklak. Para sayo." mabilisang sagot ni Byul.
Napakagat naman ng labi si Yongsun para pigilan ang sarili na ngumiti.
Hindi ito sumagot sa sinabi niya at itinaas ang tingin para tignan ang mukha ni Byul na taos-pusong nakatingin sakanya.
Pagkatapos mapansin ang bulaklak na hawak nito ay bigla din niyang napansin ang malaking backpack na dala dala nito sa likod.
"Ba't ang dami mo namang dala? Wag mo sabihing dito ka matutulog?" nagtatakang tinignan parin ni Yongsun ang bag niya sa likod, na sa tingin niya ay puno ng damit ang mga ito.
Ngumisi naman si Byul at agad na sinagot si Yongsun. "Para wala kang choice na dito ako magpalipas ng gabi."
Mabilis na tibok ng puso ang biglang naramdaman ni Yongsun at natameme na lamang itong tinignan si Byul sa kinatatayuan niya.
"Hindi parin ba ko pwede pumasok?" wika ni Byul nang makitang natameme si Yongsun.
Umiling iling ito para mamulat sa kasalukuyan dahil kung ano ano ang biglang pumasok sa isip ni Yongsun nang sabihin ni Byul na dito siya magpapalipas ng gabi.
"Tsk. Pasok na dali. Masita ka pa ng kapitbahay dahil sa ingay mo." pagpasok ni Yongsun kay Byul sa may gate.
Dire diretso namang tumungo ang dalawa sa may living room at inilapag ni Byul ang hawak hawak na bulaklak sa may table. Tinanggal naman niya ang kanyang backpack para ilagay ito sa may dulo ng sofa.
Pinanood lang siya ni Yongsun at napalunok na lamang sa namumuong tensyon na nararamdaman niya para kay Byul.
"Diyan ka matulog sa sofa." wika nito kay Byul.Nilingon naman siya nito at nginitian. "Ayaw mo kong katabing matulog?" lumapad naman ang ngiti nito nang mapansing unti unting namumula ang pisngi ni Yongsun.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...