Chapter 61

74 1 0
                                    

Limited Sabaw.

Yongsun POV

Nakuha si Yongsun na sa isa sa mga magbibigay ng inspiration speech sa graduation ng campus nila Byul. Since business partners niya ang may ari ng school na mga parents ni Lia, isa sa siya sa mga nakuha.

"Uy, so eto pala yung itsura ng labas ng school nila squammy?" wika ni Wheein habang mabagal na naglalakad kasama sila Hyejin at Yongsun.

Nang hindi makarinig ng sagot ay agad na lumingon ito kay Hyejin na kasalukuyang nakatingin naman sa malayo.

"Sinong tinitignan mo, ha? Nagchecheat ka na sakin ngayon?" pabirong wika niya kay Hyejin na nakatitig parin sa ibang direksyon.

Tahimik lang si Yongsun na tinitignan ang dalawa.

Napakagat naman ng labi bigla ni Hyejin at tila ba parang nanalo ng jackpot. "Tara, samahan niyo ko sa loob. Nakita ko na sila." nangigigil na ngisi ni Hyejin.

Nagtataka namang nagkatinginan sila Yongsun at Wheein atsaka sumunod na lamang sa loob.

Huli na nang makapagreact si Yongsun nang biglang hablutin ni Hyejin ang sabaw na nakalapag sa table at ibinuhos ito sa isa sa mga matiwasay na kumakain sa table.

"Beh, putangina?!" rinig nilang sigaw ng isang estudyante na kasamang kumakain ang mga kaibigan.

"Oh, ano feeling mabasa?! Masarap ba?!" gigil na sigaw ni Hyejin sa babaeng binuhusan niya ng sabaw.

Halos mapanganga naman sila Wheein at Yongsun nang makilala ang limang magkakaibigang ito.

"Ms. Kim." nangangalaiting tawag ni Ryujin nang bigla itong lumingon sa likod niya at nagtama ang kanilang mga mata.

"Beh! Bakit nakatunganga kayo?! Punasan niyo yung damit ni Ryujin bilis! Ako na bahala sa babaeng to." natatarantang sigaw ni Yeji at tumingin ng masama kay Hyejin.

Nang magtakang tumayo ay agad na kumuha si Wheein ng sabaw sa ibang kumakain atsaka ibinuhos sa katabi ni Ryujin na si Yuna. "Unnie, englishin mo dali! Hindi siya ngayon matutulungan ng google translate." pangasar na wika ni Wheein.

Agad namang sumugod si Yeji sakanila at mabilis na hinawakan ni Yongsun ang braso niya, bago pa man ito nagtakang sampalin si Hyejin ng malakas.

"Pinalampas ko yung ginawa niyo sakin nung nakaraan, pero ngayon hindi na." gigil na sambit ni Yongsun atsaka hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

Nagpupumiglas itong makawala sa paghahawak niya at dahil sa lakas ng paghila niya sa sariling braso, ay natumba ito nang biglang bitawan ni Yongsun.

Hindi naman niya napansin agad ang nangangalaiting si Ryujin, kaya nagulat na lamang ito nang biglang may dumapong palad sa mukha niya.

"Tangina ka talaga!" galit na sigaw ni Ryujin at sunod sunod na pinagsasampal si Yongsun.

"Beh, tulungan niyo munang makatayo si Yeji. Babanatan ko lang tong babae na malaki ang dede." rinig nilang pagkakasabi ni Lia.

Tumakbo naman agad sila Yuna at Chaeryeong para tulungan si Yeji dahil biglang sumakit ang likod niya.

Dahil sa inis, gigil na sinabunutan ni Yongsun si Ryujin para tumigil sa pagsasampal at nangangalaiting nagsabong naman ang dalawa na parang mga manok.

"Gago, malaki lang dede mo. Pero hindi mo ko kaya." wika ni Lia atsaka sinugod si Hyejin.

Mabilis namang kumuha naman ng toyo si Wheein sa ibang table para isaboy sa mukha ni Lia.

"Ahh!" tili niya nang malagyan ang mga mata.

Halos pagtinginan na sila ng mga ibang kumakain sa karinderya dahil sa eksenang nagaganap.

"Tulungan natin si unnie, dali!" natatarantang sigaw ni Hyejin at agad na sinugod si Ryujin para sabunutan din ito.

"Ahhh!" malakas na tili ni Ryujin nang dalawang babae na ang nakasabunot sakanya.

Lumingon naman si Hyejin kay Wheein habang mahigpit parin na nakahawak sa buhok ni Ryujin at mabilis na inutusan ito. "Kumuha ka pa ng sabaw, paliguan natin tong babaeng to. Tulad ng ginawa niya kay unnie." nakangising utos ni Hyejin.

Mabilis namang naghanap si Wheein ng sabaw at napansin niyang biglang umalis ang isang estyudante sa table atsaka kinuha ang sabaw nito.

"Oh ayan, Maligo ka!" nakangising sigaw ni Wheein atsaka ibinuhos ang malamig na sabaw sa mukha ni Ryujin.

"Putangina niyo!" galit na sigaw ni Yeji habang nakaupo parin sa sahig.

Nagtaka namang sumugod sina Yuna at Chaeryeong at agad na bumitaw si Hyejin sa pagkakasabunot para ihagis ang malaking table sa dalawa.

Parehas na tumumba ang dalawa at malakas na sumigaw dahil sa sakit na tumama sakanilang katawan.

"Malakas lang kayo sa twitter, mga shuta kayo! Hindi niyo naman pala kaya ng personalan." gigil na sigaw ni Hyejin sakanilang apat.

Lumingon ito kay Ryujin na kasalukuyang nahihirapan at malapit nang umiyak dahil sa higpit ng pagkakasabunot ni Yongsun sa buhok niya. "Ano papalag pa yan, unnie?" nangangalaiting tanong ni Hyejin.

Umiling iling naman si Yongsun at hindi nga sila nagkamali dahil bigla itong umiyak ng malakas.

"Ahhh!!!" malakas na hagulgol ni Ryujin na parang bata.

"Ay, wala kaming naririnig. Walang tayong naririnig na umiiyak diba unnie?" pangasar na wika ni Wheein.

Agad namang bumitaw si Yongsun, dahil kahit papano ay may awa parin ito. "Tara na, nagsayang lang tayo ng oras dito." walang ganang wika ni Yongsun atsaka nagsimula nang maglakad palayo sakanilang direksyon.

Tinuro turo naman ni Hyejin ang limang magkakaibigan bago ito tuluyang umalis kasama si Wheein.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon