The Public Gathering
Third POV
Unlike before, open to the public ang event na magaganap ngayon.
Pwede kahit sino ang iinvite, as long as may invitation galing sa maghohold ng event.
Habang naghihintay matapos ang lahat ng naglalakad sa red carpet ay halos mapamura si Yongsun nang bumungad sakanya si Jinyoung.
"Going alone? We can pair up, atleast kahit hanggang papasok lang ng entrance." maayos na offer nito sakanya.
Wala namang mali kay Jinyoung. Nararamdaman naman ni Yongsun na sincere ito at walang masamang balak.
"Fine. Pero hindi ako hahawak sa braso mo." tugon ni Yongsun.
Hindi naman siya in a relationship, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit feeling niya nagloloko siya kay Byul everytime na makikipagusap ito sa iba, lalo na't alam niyang may gusto si Jinyoung sakanya. When in fact, hindi rin naman siya ang girlfriend ni Byul.
Nagsimula nang mag fall in line ang lahat ng sikat na may pangalan sa mundo ng business industry. Isa na nga 'don sila Yongsun at Jinyoung. As promised, hindi humawak sa braso niya si Yongsun. Sila lang ang may social distancing unlike sa mga naunang pumila sakanila.
"And now, I will introduce to you. The last pair of tonight's event,
A round of applause for Ms. Yongsun Kim and Jung Jinyoung!" nagpalakpalakan naman ng malakas ang lahat ng taong nasa loob nang inaanounce ang kanilang pangalan.Somewhere far to where they stood, may isang tao namang hindi natutuwa at hindi sumasabay sa palakpak ng mga tao.
Nangangalaiti itong nakatingin sa dalawa.
"So, are you dating each other? You look good together." bungad sakanila ng isang matandang businessman nang makarating sila sa kanilang designated table.
Umiling naman si Yongsun at agad na itinanggi si Jinyoung dahil wala naman talaga silang relasyon nito. "No, we're not dating." mabilis na pagtanggi ni Yongsun.
Narinig naman niyang tumawa ng mahina si Jinyoung at nagsimula nang umupo.
Inabot ng isang oras ang introduction ng event at habang nasa table ay puro tango at senyas lang si Yongsun habang naguusap ang iba pang kasama nila sa table. Although, she can relate to the topic. She prefers not to talk to them, especially to Jinyoung.
"Uy, start na nang gathering. I'm pretty sure marami kang makilala dito, Yongsun. Lalo na't public gathering itong inattenand natin." mabait na pagkakasabi niya kay Yongsun.Hindi naman niya pinansin ang sinabi nito dahil wala naman talaga siyang balak makipagkilala pa sa ibang tao. "I don't care, I wish maagang matapos 'tong event para makauwi na ko agad." mataray na pagkakasabi ni Yongsun.
Natawa naman sakanya si Jinyoung at hindi na siya muling inapproach. Iniwan niya nalang ito bigla para kumuha ng isang glass wine at umorder sa wine counter.
Mga usual na ginagawa ni Yongsun to avoid having conversations with other people.
Nang makakuha ng glass wine ay halos mabitawan niya ito bigla nang makita ang nakatayo ngayon sa harap niya.
"Byul? Gago ka, anong ginagawa mo dito? Sabi mo may ibang lakad ka?" naiinis at naiiritang tanong ni Yongsun sakanya dahil hindi niya lubos akalaing makikita niya ito dito at same event lang din pala ang pupuntahan nila ngayong gabi.
Hindi ito sumagot at agad na hinila si Yongsun papasok sa may comfort room.
"Aray, Byul! Tangina nakaheels ako!" reklamo nito nang bigla siyang kaladkarin ni Byul at pwersahang pinapasok sa isa sa mga toilet cubicle.
Nilock naman ito agad ni Byul at matagumpay na tinrap si Yongsun sa loob. Sakto namang walang ibang tao sa loob kaya walang makakarinig sakanila sa labas.
"You're with him earlier." mahinahon ngunit malapit nang sumabog ang tono ni Byul sakanya habang tinitigan siya ng diretso sa mga mata.
"Byul. The pair is for the entrance. Ni hindi nga ako nakahawak sa braso niya kanina, diba? Ano hindi mo nakita yon? Bulag ka ba?" naiiritang sagot ni Yongsun sakanya pabalik.
Matagal bago makasagot si Byul at unti unti naman nitong inilapat ang mga labi sa labi ni Yongsun.
"I miss you." wika ni Byul habang patuloy na hinahalikan siya.
"Mhmmm..." nakangiti namang dumapo ang mga kamay ni Yongsun sa batok ni Byul.
"I miss you, too." tugon ni Yongsun sa pagitan ng kanilang paghahalikan.
Mabagal ito nung una at habang tumatagal ay dumidiin ang mga labi nito sa isa't isa.
Isang araw palang na hindi nagkita ang dalawa, bakas na sa paraan ng kanilang paghahalikan ang labis na pagkasabik sa isa't isa.
Hindi na nila nagamit ang kanilang mga dila at mabilisang humiwalay nang bigla nilang maalala na may inattenand nga pala silang event.
"Byul, babalik ka na ba sa loob?" napakagat labing tinignan lamang siya ni Yongsun habang inaantay ang kanyang sagot.
"Hindi na. Kung payayag kang tumakas kasama ako." nakangising sagot nito kay Yongsun.
Napangiti naman si Yongsun nang biglang magets ang kanyang pinupunto.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...