Chapter 78

73 1 0
                                    

The gap between waiting for the right time and the perfect timing.

Third POV

After reading Ryujin's last message, mabilis na tumakbo si Yeji palabas ng bahay para pagbuksan ng gate ang naghihintay sa labas na si Ryujin.

Upon opening the gate, bumungad sakanya ang pagod at malungkot na mukha ni Ryujin habang hawak hawak ang kanyang mga maleta.

"Huy, beh! Bakit hindi ka pa umuuwi?!" gulat na sambit ni Yeji sakanyang kaibigan na tulalang nakatingin sakanya.

Pero imbis na sumagot ay bigla lang itong niyakap ng mahigpit ni Ryujin. "Yeji? Pwede bang dito nalang muna ako magstay? Diba pinaalam mo naman ako kila mommy? Wala din naman akong maaabutan na pamilya sa bahay eh. Palagi naman silang wala." Habang yakap yakap ni Ryujin ay tumango naman ng paulit ulit si Yeji.

"S-sige.. sige." nauutal na tugon ni Yeji, dahil hindi siya makapaniwalang sa kanilang limang magkakaibigan eh siya ang piniling puntahan ni Ryujin.

Mabilis na kumalas ito sa pagkakayakap para tulungan si Ryujin sakanyang mga gamit at dali daling kinuha ang mga maleta, para siya na ang kusang magbuhat papasok ng bahay.

Nang makapasok ang dalawa ay itinabi na muna ni Yeji ang mga dala ni Ryujin at pinaupo ito sa may sofa para handaan ng breakfast dahil maguumaga na at mukhang gutom narin si Ryujin.

"Ay, wait lang be! Handaan muna kita ng pagkain." natatarantang wika ni Yeji bago pumuntang kusina, na malapit lang din sa sala.

Dahil pagod at walang gana. Agad namang nakaidlip si Ryujin. Na nakatingala ang ulo habang nakaupo sa sofa at nakabuka ang bibig dahil sa lalim ng kanyang tulog.

Glancing quietly, nakangiti namang numanakaw ng tingin si Yeji habang gumagawa ito ng pasta, na paboritong pagkain naman ni Ryujin.

Flashback

"Mga beh, punta tayo dun sa pinagbibilhan ng jowa ko ng pasta every morning. Nagcecrave nanaman ako." Ryujin pouted her lips and stared at her friends.

Patagong inirapan naman ito ni Yeji dahil hindi niya alam kung maiinis ba siya dahil nagsisimulang nang tawagin at itratong jowa ni Ryujin si Byul o dahil si Byul ang parating nabili ng pasta para kay Ryujin.

Dahil isa sa lalaban para maging representative ng campus sa tournament at captain ng volleyball team. Hindi halata kay Yeji ang pagiging soft, madalas ay tago ang personality nito. Na sa tingin ng iba ay hindi man lang ito marunong umiyak o magmukhang mahina sa mata ng iba.

Kaya nga wala itong takot na magsimula ng gulo at away sa kabilang team na sila Hani kahit pa ahead ang mga ito sakanila ng isang taon dahil walang inuurungan na laban si Yeji.

Ang isang bagay na pilit ipinapakita ni Yeji sa ibang tao. Dahil ang totoo, kahit masama ang ugali niya sa ibang tao. Puno naman ito ng respeto sa pagdating sakanyang mga kaibigan.

Lalo na kay Ryujin.

Hindi niya alam kung kelan ito nangyare o nagsimuka. Pero ang alam lang niya eh matagal na siyang may tinatagong nararamdaman para sa sariling kaibigan. Ngunit dahil nangangamba para sa kanilang friendship at sakanyang main goal na maipanalo ang game laban kila Hani, hindi na nito nagawa pang pagtuunan ng pansin ang kanyang sariling feelings at naisipan nalang gawing tulay si Ryujin para dayain sila Hani at malaman ang buong tactics nila sa game.

Ang walang malay at labis na pagsisisihan ng husto ni Yeji pagkatapos.

Flashback

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon