"Mhmm...." ungol niya nang idiin ni Byul ang labi nito kay Yongsun habang patuloy na hinahalikan.
Hindi man ito sumagot pabalik sa sinabi niya ay ramdam na ramdam naman niyang mahal din siya nito.
Maingat na sinakop ni Byul ang labi ni Yongsun hanggang sa maubusan sila ng hininga.
"Uhh.. Byul." pagtawag niya rito at hinga ng malalim nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"What would you like to eat? Ipagluluto kita, Yongsun." nakangiting offer ni Byul kay Yongsun nang mapansin pagod parin ito dahil sa nangyari sakanila kagabi.
"Hmm... marunong ka pala magluto." mahina parin ang pagkakabigkas ni Yongsun ng mga salita dahil pagod parin ang kanyang katawan.
"Oo naman. Anong tingin mo sakin? Walang silbi?" pagdedepensa ni Byul sa sarili.
Tumawa naman ng mahina si Yongsun atsaka tinitigan ang mukha ni Byul.
Bagong gising din ito at gulo gulo ang buhok. Nilagay naman niya ang mga kamay para dahan dahang ayusin ang buhok ni Byul.
"Ano nga gusto mo, Yongsun." tanong ulit ni Byul nang hindi siya sagutin ni Yongsun at hinawakan naman niya ang mga kamay nito na kasalukuyang nagaayos ng kanyang buhok.
Inilagay niya ang mga kamay nito sakanyang mukha at sinimulang halikan ng paulit ulit.
Umukit naman ang ngiti sa mukha ni Yongsun nang tignan niya si Byul na kalmado at maawaing nasa harap niya ngayon.
"Kahit ano, Byul. At mabuti naman bumabawi ka sa lahat ng ginawa mo sakin kagabi." pabirong sumimangot ito kay Byul nang alalahanin lahat ng nangyari kagabi.
"Yongsun, patawarin mo ko. Hindi ko sinasadya." gulat na tumingin ito kay Yongsun pabalik at hinalikan ulit ito sa labi.
Dumampi lang ang labi nito at agad na humiwalay. "Wala akong kwentang tao." dugtong ni Byul nang diretsuhin tignan si Yongsun sa mga mata.
Ramdam ni Yongsun ang labis na lungkot at pighati nito sa mga mata. Kung ano man ang nangyari sakanya sa nakaraan ay handang handa naman siyang palitan ito ng masasayang mga alaala.
"Magalmusal na tayo, Byul." pagyaya nito at agad namang pumunta ang dalawa sa kusina.
Bukod sa pritong itlog at chicken fillet na may kasamang gulay. Pinagtimpa niya rin ito ng gatas at juice na kasama sa almusal ni Yongsun.
Inihanda niya lamang ang mga ito para kay Yongsun at hindi na kumuha nang para sakanya dahil aalis din naman siya agad pagkatapos nito.
"Nasan' yung pagkain mo?" nagtatakang tanong ni Yongsun nang makitang hindi pa kumakain si Byul.
Hindi naman siya sinagot ni Byul at agad na kumuha ng pampahid sa likod ni Yongsun dahil sobra parin ang pamumula nito na sanhi ng pagpalo sakanya ni Byul ng malakas kagabi.
"Masakit parin ba?" nagaalalang tanong ni Byul at patuloy na hinahaplos ang kanyang likod.
"Hindi na ganun kasakit. Mas masakit pa siguro kung iiwan mo ko." seryosong pagkakasabi ni Yongsun at halata sa tono nito na hindi siya nagbibiro.
"Ha?" patay malisya ni Byul.
"Wala. Bakit ba hindi ka nagluto nang para sayo? Teka nga, ako na magluluto. Parang tanga 'to eh." nagsimula nang tumayo si Yongsun para ipagluto si Byul.
Habang nakatalikod si Yongsun ay patagong kinuha ni Byul ang kanyang phone sa bulsa. Nabasa niya ang mensahe ni Ryujin para sakanya at ang mga iba pang bumati sakanya sa messenger ngayong araw.
Kailangan na niyang umuwi ng bahay nila bago pa malaman ni Ryujin na
sa ibang bahay ito natulog at ang mas malala, pag nalaman nitong kila Yongsun ito nagpalipas ng gabi.Habang hawak parin ang phone ay agad namang lumingon si Yongsun sakanya at nakita siyang nagcecellphone.
"Oh, sino yang kachat mo? Yung babae mo?" paghihinala nito nang tignan bigla si Byul.
Hindi naman malaman ni Byul ang gagawin at nagpalusot na lamang.
"Family ko." pagsisinungaling nito.
Tinaasan naman siya bigla ng kilay ni Yongsun at patuloy na naghihinala. "Talaga? Patingin nga." nagsimula na itong naglakad papunta kay Byul para agawin ang kanyang cellphone.
Inilayo naman kaagad ni Byul iyon sakanya na mas lalong nagpahinala kay Yongsun.
"Yongsun, birthday ko kasi ngayon. Kailangan ko nang umuwi samin." mabilisan niyang sabi na nagpatigil kay Yongsun.
"Birthday mo pala. Ba't hindi mo sinabi agad?" nakanganga itong nakatingin kay Byul dahil sa gulat.
Maingat namang hinawakan ni Byul ang kanyang mukha at agad na hinalikan siya sa noo. "I'll be back, okay? Kailangan ko lang icelebrate ang kaarawan ko kasama ang pamilya ko." sincere nitong pagkakasabi kay Yongsun.
Tumango naman si Yongsun at hinawakan din ang mukha ni Byul.
"Happy birthday, Byul. I love you." taos pusong nakatitig ito kay Byul atsaka hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...