Byul POV"Okay, so next week na yung finals natin. Nabigay ko na lahat ng pwede niyong pagaralan. At nasa sainyo nalang kung magaaral kayo ng mabuti o hindi. Simple lang naman, kung gusto niyo pa makagraduate lahat." wika ng kanilang guro na si Wendy at agad nagcheck ng oras kung uwian na ba.
"Tae naman oh, kanina pa yan dada ng dada si ma'am. Time na eh kainis." bulong ni Seulgi dahil kanina pa ito nagsasalita sa harapan.
"Puro talambuhay niya lang naman tinuturo niya. Dinaig pa si Rizal. Sige ma'am palitan mo na." biro ni Kisum.
The life of Rizal ang kanilang subject ngayong araw at dahil kailangan ang unit na 'to para makagraduate ay wala silang magawa kundi magtiis sa guro nilang puro talambuhay niya lang ang topic.
"Ay, may five minutes pa tayo para mag antay. Kwento ko lang sainyo nung gumala nung isang araw...." biglang sambit ng kanilang guro na si Wendy at halos kalahati ng buong klase ay napasimangot habang pwersahang makikinig nanaman sa bagong ikekwento ng kanilang guro.
After 5 minutes....
"Ma'am, kanina pa po time. Late po ata relo niyo." naglakas loob na si Hani na siya na ang maginform sa kanilang propesor.
Tumawa naman ito bigla at napakumot sa ulo. "Ay, oo nga. Sige dismiss ko na kayo, ha? Reviewhin niyo mga ni-lesson natin."
"Ala ka naman tinuro, hahahaha." mahinang sabi ni Kisum at nagayos na nang kanyang gamit.
Nakatanggap naman ng text si Byul galing kay Ryujin na magkita daw sila nito sa entrance ng kanilang eskwelahan.
Pagkalabas ng room kasama ang kanyang mga kaibigan, inakbayan naman siya agad ni Hani at parang seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Byul.
"Mag usap nga tayo, Byul." seryosong approach sakanya ni Hani.
Hinila naman siya ng kanyang kaibigan palayo kila Kisum at Seulgi. Hindi narin nagtaka ang dalawa dahil parang pinagplanuhan din nila ito kay Byul.
"Byul, bilang totoong kaibigan mo. Parehas ko kayong gusto ni Ryujin para sa isa't isa. Sa una't simula palang, boto na ako sainyong dalawa. Pero kung patuloy na sasaktan mo lang si Ryujin. Eh hiwalayan mo nalang siya. Hindi niya deserve kung ano man nangyayari sainyo ni Ms. Ki--" naputol ang sasabihin nito nang biglang sumigaw si Byul.
"Walang nangyayari saming dalawa! Bakit ba ang kukulit niyo? Pati kayo, kung ano ano narin ang pinagiisip niyo kay Ms. Kim!" inis na pagsisinungaling ni Byul sakanya.
Doon palang sa ni-react ni Byul ay alam na alam na ni Hani ang totoo.
"Sige, sinabi mo yan ah. Akala ko pa naman, Byul. Nagbago ka na." may pait sa mga sinabi ni Hani at tuluyan na nga itong umalis palayo kay Byul.
Natigilan ito at napuno ng realization ang kanyang isip. Aminin man niya o sa hindi, pansin rin niya ang pagbabago ng ugali niya simula nang makilala niya si Ms. Kim.
Ano kayang naramdaman ni Ryujin noong iwan niya 'to kagabi sa event?
Napahinga nalang ng malalim si Byul nang marealize niya lahat ng kalokohang pinaggagawa niya.
Pinagsasabay niya ang dalawa.
Ang isang bagay na mahirap aminin sa sarili niya.
Ito ang dahilan kung bakit naging insensitive siya sa kanyang girlfriend.
Dahil sa paulit ulit na pagtago niya ng mga bagay na ginagawa nila ni Yongsun ay hindi na niya naisip pa kung ano ang mararamdaman ni Ryujin pag nalaman niya ang lahat ng iyon.
Gago si Byul.
"Gago, tangina. I became like my dad. Wala akong kwentang tao. Wala talaga." paulit na ulit na sambit ni Byul kasabay ang pagpatak ng mga luha sa mata niya.
Naglakad ito habang pilit na pinupunasan ang kanyang mga luha bago pa siya makipagkita kay Ryujin sa labas ng school.
"I'm sorry, love." nalulungkot na sambit nito habang patuloy na naglalakad.
Pulang pula naman ang mga mata niya habang paulit ulit na inaalis ang mga luha.
Halos pagtinginan na siya ng mga estudyanteng nakakasalubong niya dahil sa paghibik nito.
Nang makalabas ng school ay agad na bumungad sakanya ang nakatayong si Ryujin na naghihintay malapit sa poste.
"Love? Ok ka lang?" nagaalanganing tanong nito nang biglang makita si Byul na umiiyak.
Tumakbo ito palapit kay Byul at mabilis na kumuha ng panyo para punasan ang mga luha niya.
"Sorry, nakauwi ka ba ng maayos kagabi? I'm sorry. I didn't mean to leave you like that... It's just,.. I'm so sorry, love." malungkot na sambit nito kay Ryujin sa pagitan ng kanyang pagiyak.
"Hindi, okay lang yun, love. Ano kasing bang nangyari? Bakit umiiyak ka?" nagaalalang tanong nito kay Byul at hindi naman siya sinagot ni Byul.
Third POV
Habang nakatayo ang dalawa malapit sa entrance ng school.
Wala naman silang kaalam alam sa kotseng biglang huminto sa kabilang street.
Bumaba ito ng kanyang kotse at natigilan nang biglang makita ang dalawa.
Hindi na nito nagawa pang tumawid pagkatapos na makita at mapansin siya ni Ryujin.
Habang nakatingin parin si Byul sa babaeng nasa harapan niya.
Hinalikan naman ito agad ni Ryujin para hindi na siya lingunin pa ni Byul.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...