Chapter 62

78 1 0
                                    

Every second counts.

Yongsun POV

Hindi na nakaattend ng practice si Yongsun sa graduation dahil sa nangyaring gulo kanina. Nalaman rin ito ng parents ni Lia pero hindi na nila pwedeng alisin si Yongsun sa lineup, dahil hindi pwedeng may magbago na sabi naman ng event organizer.

Tumambay muna sila sa may mall malapit bago tuluyang umuwi. Nang sumapit ang alas kwatro ng hapon at pauwi na sana ang tatlo, ay bigla naman siyang nakatanggap ng text mula kay Byul.

From: Byul

"Yongsun? Nasan ka? Magkita tayo."

Nagtataka namang napatulala nalang si Yongsun sa text niya. Marahil ay nalaman na nito ang ginawang kalokohan nila sa mga kaibigan ni Ryujin.

To: Byul.

"Sige, malapit lang ako sa may PNR. Dun nalang tayo magkita."

Reply niya at agad na itinago ang cellphone sa bulsa.

"Hindi na pala ako sabay sainyo pauwi, Hyejin. Magkikita kami ni Byul ngayon eh." pagpapaalam niya bago sila tuluyang makapasok ng kotse.

Mabuti na lamang ay hindi dinala ni Yongsun ang kotse niya at nakisabay lang ito kila Hyejin.

"Nako, squammy nanaman. Baka nalaman na niya yung ginawa natin sa girlfriend niya?" seryosong wika ni Hyejin.

Hindi naman agad nakasagot si Yongsun dahil wala rin siyang ideya. "Ewan ko. Magkita daw kami eh."

Unti unti ay biglang sumama ang kutob niya.

Ang dahilan? Ay hindi rin niya alam.

"Huy, unnie. Ok ka lang?" wika ni Wheein nang makitang natulala ito.

Bigla naman siyang bumalik sa realided atsaka nagsimula nang magpaalam sa dalawa. "Ok lang ako, kikitain ko lang si Byul ngayong hapon. Don't worry." Yongsun smiled, giving them assurance.

Tumango naman ang dalawa at nagpaalam na din sakanilang unnie.

PNR Station 6:30 pm.

Halos abutin ng dalawa at kalahating oras ang paghihintay ni Yongsun sa pagdating ni Byul sakanilang tagpuan.

Ang kaninang masamang kutob niya ay mas lalong palala ng palala.

Kanina pa ito paulit ulit na tumitingin sa cp niya at nagbabasakaling may mareceive na bagong text mula kay Byul.

"Tangina naman, byul. Nasaan ka na?" naiinip na wika ni Yongsun habang patuloy na naghihintay sakanya.

Tumingin ito ulit sa cp niya atsaka yumuko para itext si Byul. Pagkaangat ng ulo ay bigla siyang may naaninag na pamilyar na mukha sa gitna ng mabibilis at nagmamadaling tao na mga naglalakad.

"Byul?" tawag niya rito kahit hindi naman siya maririnig ni Byul dahil napakalayo parin nito sakanya.

Nagmamadali namang naglakad si Yongsun papalapit sakanya dahil sa sobrang pagaalala niya kanina na baka kung ano nang nangyari kay Byul.

"Byul!" sigaw niya para marinig ito agad ni Byul at makita siya.

Nakangiti namang kumaway ito kay Yongsun at mabilis na tumakbo papalapit sakanya. "Yongsun, pasensya na kung naghintay ka ng matagal, ha? Hinatid ko pa si Ryujin pauwi eh." pinilit nitong ngumiti kahit na ramdam ni Yongsun na hindi ito masaya.

At dahil naiintindihan ito ni Yongsun ay tumango na lamang siya atsaka ngumiti ng malawak dahil sa pasasalamat na nakarating ng maayos si Byul sa tagpuan nila.

"Bakit mo nga pala ako sinabih--" hindi na nakumpleto ni Yongsun ang sasabihin nang bigla naman itong yakapin ni Byul ng mahigpit.

"Yongsun, hindi ko pa kaya." malungkot na tugon ni Byul atsaka mas lalong humigpit ang yakap kay Yongsun.

Sa gitna ng matao at mga taong naglalabas pasok habang hinihintay ang tren. Yumakap pabalik si Yongsun sa isang tao na pinaka ayaw niyang mawala sa buhay niya.

"Ako din naman, Byul. Hindi pa ko handang mawala ka." pagpapakatotoo niya.

Bumitaw bigla sa pagkakayap si Byul at magkabilang kamay na humawak sa mukha ni Yongsun.

Diretsong tumingin ang dalawa sa isa't isa, na para bang biglang tumigil ang oras pati ang mundo.

"Mahal kita, Yongsun. Mahal na mahal kita." nakangiting wika ni Byul habang patuloy na nakatitig sa mga mata niya.

Bago pa man makasagot si Yongsun ay napansin naman niyang biglang may tumuro sakanya sa likod ni Byul, na hindi naman niya malaman ang dahilan kung bakit.

Nang hindi makasagot pabalik ay nilingon naman ni Byul ang tinitignan ni Yongsun at nagtatakang nakita ang mga taong nagbubulungan habang patuloy na nakaturo sa direksyon nila.

"Diba siya yung babaeng viral sa video?! Siya nga, siya nga yun!" rinig nilang sigaw ng isa sakanila.

Lumingon naman pabalik si Byul kay Yongsun na tila walang ideya sa nangyayari. Kahit na si Yongsun ay wala ring alam.

Parehas na kumunot ang noo ng dalawa. Parehas na naghihintayan kung sino ang mauunang kumuha ng cellphone nila.

At dahil hindi na nakapaghintay pa si Byul, ay agad na kinuha nito ang kanyang cellphone sa bulsa at mabilis na hinanap ang viral na video na tinutukoy nila.

Mga ungol at nasasarapang tinig, ang biglang bumungad sa video na binuksan ni Byul.

Kahit hindi ito nakikita ni Yongsun, unti unti... ay parang biglang nawasak at gumuho ang mundo niya sa harapan ni Byul.

"Byul.. yung about sa secret services na inooffer ko dati.." she tried to explain, pero laking gulat niya nang biglang bumagsak at malakas na nabasag ang screen ng cellphone ni Byul sa sahig.

"Oo alam ko yon. Pero putangina, Yongsun. Kahit matagal na yon? Napakasakit makitang ginagawa niyo yon. Na paulit ulit kang ginagalaw nung lalaki." puno ng pait ang tono ni Byul at halos gusto na nitong humagulgol dahil sa nakita niyang video.

"Byul, hindi ko naman ginusto yun. Oo yun ang dahilan kung bakit nakaangat ako sa mundo ng business. Pero Byul... handa naman akon--" hindi na natapos ni Yongsun ang sasabihin nang bigla namang kumaripos ng takbo si Byul papunta sa riles ng tren.

"Byul!!!!!!" rinig niyang sigaw ng isang pamilyar na boses, nilingon niya ito at nakitang gulat na nakatingin ang isa sa mga kaibigan ni Byul na si Hani.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, ay inilipat niya ang tingin kay Byul at nakita ang papalapit na tren sa direksyon niya, habang nakatayo sa daanan ng tren.

"Byul, putangina!!!!" halos masiraan ng bait si Yongsun dahil pagtatangka nanaman nitong magpakamatay.

Tumakbo ito ng mabilis, sobrang bilis na walang nasayang na segundo para lang sagipin si Byul sa natitirang oras.

"Ms. Kim!!!!!!" ang huli niyang narinig na sigaw galing sa isa sa mga kaibigan ni Byul, bago ito tuluyang tumalon at itulak si Byul palayo sa papalapit na tren.

At sa natitirang segundo sa gitna ng kamatayan at buhay, bumagsak ang dalawa sa gitna ng riles ng tren.

Dire diretso namang tumakbo ang tren na hindi sila natatamaan.

"Byul, ok ka lang ba? Nasanggi ka ba ng tren? Anong masakit?" habang nakahiga ay pilit na gumapang si Yongsun papalapit sa katawan ni Byul.

Halos madurog naman ang puso nito nang makita ang mukha ni Byul, na tila ba parang nawalan na ito ng pagasang mabuhay.

Kasabay non ang mga matang pagod na kasalukuyang nakatingin sa langit.

"Yongsun? Sana hindi mo nalang ako niligtas." walang ganang wika ni Byul.

Kahit na halos mamatay ang buong pagkatao ay buong lakas itong tumayo at tinignan si Yongsun sa huling pagkakataon.

"Tutal, para mo narin naman akong pinatay." dagdag niya at nagsimulang maglakad palayo kay Yongsun.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon