Chapter 64

67 2 1
                                    

Byul, look back. Please?

The Rehearsal

Yongsun POV

"Unnie? Kanina ka pa tulala, baka effective talaga yung kulam nung batang mahilig sa google translate?!" hindi makapaniwalang sabi ni Hyejin at nagaalalang tumingin kay Wheein.

Nagsalubong naman ang kilay ni Wheen at pinakalma si Hyejin. "Gaga, google translate nga hindi nagana dun. Kulam pa kaya." natatawang tugon ni Wheein.

Tahimik lang si Yongsun at hindi sinagot ang dalawa. Mahigpit itong nakahawak sa cp niya pagkatapos makita ang huling reply ni Byul sa messenger.

"Huy, hala! Bakit parang paiyak na si unnie?! Kuha ka nga tissue dali, kuha ka panyo." natatarantang wika ni Wheein nang makita ang namumuong luha sa mga mata ni Yongsun.

Nakaupo ang tatlo sa gym ng university na pagpapraktisan ng mga estudyante na kasama sa recognition at graduation.

Isa si Yongsun sa mga influential na taong magbibigay ng inspirational speech para sa ceremony.

Ngunit dahil sa kumalat na viral na video, ay hindi na niya alam kung may mukhang maihaharap pa siya sa mga ito.

Lalong lalo na kay Byul.

Napayakap naman ito bigla kay Wheein at pinipigilan ang luha na tumulo sa mga mata niya. "Siguro deserve ko nga 'tong lahat ng nangyayari sakin. Because right from the start, I'm a home wrecker. A heartless bitch and a monster. I didn't care about anyone else. Palaging sarili ko lang. Kung paano ako makaka angat sa mundo ng business, taking advantage of every family oriented man to gain something in return, especially for my own business growth. I'm a selfish bastard... Not until I met Byul." she said habang tulalang nakayakap kay Wheein.

With their worried looks, pumunta narin si Hyejin para yakapin ang kanilang unnie. "Unnie, hindi ka ganun. Don't think like that. You're a great woman, unnie. Always remember that. You're a great woman." Hyejin said repeatedly.

At parehas namang mabagal na hinawi ng dalawa ang buhok ni Yongsun.

"Unnie, alam naming hindi mo ginusto yun. Walang may gusto nun. Hindi mo kasalanang naging ganun ang takbo ng buhay mo dati. Dahil alam nating sa unang part palang ng buhay mo, hindi na naging mabait ang tadhana sayo." naawang
sambit ni Wheein nang maalala ang masaklap na nakaraan ni Yongsun.

Patuloy parin itong nakayakap ng mahigpit kay Wheein at natigilan bigla nang may maaninag na pamilyar na mukha sa paligid.

Nagsisimula nang magtipon tipon ang lahat ng estudyante sa loob at mas napatulala si Yongsun nang makita ang kasama nitong mahigpit na nakahawak sa kamay ng taong pinaka mamahal niya.

Nasa may pinaka unahang bahagi si Yongsun ng stage at ang mga estyudante naman ay nagsisimula nang pumila para sa mga pwesto nila.

Inabot ng mahigit dalawang oras at kalahati ang graduation practice dahil sa dami ng college student na tatawagin at bibigyan ng diploma.

Kahit malayo ay natanaw niya kanina ang nakaupong si Byul kasama ang ilang daang estyudante na naka pwesto sa kanilang designated seats.

Nang matapos ang ceremony ay kanya kanyang nagsialisan ang mga estyudante palabas ng gym at natataranta namang bumaba si Yongsun ng stage atsaka hinabol si Byul bago pa ito tuluyang umalis.

Sumunod naman ang dalawa na sina Hyejin at Wheein dahil sa gulat na baka kung ano ang gawin ng kanilang unnie.

"Byul!" sigaw ni Yongsun sa gitna ng maraming tao na kanya kanyang nagsisialisan palabas ng gym.

Patuloy lang siya sa pagtawag at pilit na ineexcuse ang sarili sa mga taong dumadaan at nababangga niya nang hindi sinasadya.

Nakailang tawag ito at tila ba parang bingi si Byul na walang naririnig at patuloy lang sa paglalakad.

Natigilan naman bigla si Yongsun nang makita ang babaeng biglang sumalubong kay Byul at bumati ng halik, sa labi ng taong pinaka mamahal niya.

Mahigpit na niyakap ng dalawa ang isa't isa at kanya kanya namang sinamahan ito ng mga kaibigan nila.

"Ano ba yan, ang lalande. Ito talaga yung hinintay natin mga beh? Yung maglandian silang dalawa? Pwede naman kasing umuwi nalang tayong lahat nung natapos yung recognition kanina." reklamo ng isa sa kaibigan ni Ryujin na malapit lang sa tabi ng dalawa.

Sa kaliwang bahagi ay mga tropa ni Byul na sina Kisum, Hani at Seulgi na nakangising nakatitig sakanila.

Mabuti na lamang ay hindi siya napansin ng mga 'to, lalo na ang squad ni Ryujin na nasa kanang bahagi lamang nila.

"Unnie, tara na. Mukhang sinundo na si squammy ng girlfriend niya." natatarantang wika ni Hyejin nang mahabol nila ang kanilang unnie na kasalukuyang nakatulala kila Byul.

"Oo nga, wala ako sa mood makipagaway sa mga batang yan ngayon. Sa ibang araw nalang. Charot! Pero game talaga ko ulit ngayon, unnie." nakangising wika ni Wheein na nakatingin sa direksyon nila Ryujin.

Nakita naman nilang tatlo na naunang lumabas ng gym ang squad nila Ryujin dahil sa pagkairita sa dalawang magjowa at iniwan na lamang itong kasama si Byul pati ang mga kaibigan niya.

Makailang segundo ang lumipas ay sumunod naring lumabas ang mga kaibigan ni Byul at nahuli naman ang dalawa sa likod.

Nakatitig parin si Yongsun sa likod ni Byul, na hindi naman malayo sa kinatatayuan nila at umaasang lumingon ito pabalik para diretsong tignan siya sa mga mata.

"Byul, look back. Please? Just like what you always did. Look back, once again. Just like what you did last time." paulit ulit na bulong ni Yongsun sa sarili.

Inabot ng ilang segundo ay walang lumingon na Byul pabalik at nagpatuloy lang itong lumabas ng gym habang hawak hawak parin ang kamay ni Ryujin.

Losing hope, Yongsun gave up atsaka tumalikod para samahan sila Hyejin at Wheein na lumabas sa isa pang exit ng gym.

Third POV

On the other hand, bago pa man tuluyang makaalis sila Byul ng gym ay may biglang nag udyok sa kanyang sarili na lumingon ito pabalik ng gym.
And then Byul looked back and saw Yongsun finally leaving the area. Nakatalikod itong sumabay kila Hyejin palabas ng kabilang exit.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon