Panibagong umaga, walang OJT ngunit kailangan pasukan ang mga major subjects. Dahil nga hindi napasukan ni Byul ang kanyang klase kay Mam Irene kahapon ay nagpaquiz ulit ito para pambawi sa mga estudyanteng hindi pumasok ng klase niya kahapon.
"Get 1 sheet of paper." utos ng kanilang professor na si Mam Irene.
Magtetrenta anyos na ito ngunit wala pa itong nobyo. Hula nga nila ay tatanda nalang itong dalaga dahil kapansin pansin din na pagayaw nito sa mga lalake.
"Shet. Pakshet kayong lahat." Asar na pagkakasabi ni Kisum nang magpuntahan sakanya lahat ng kaklase dahil kalalabas lang nito ng bagong biling papel.
"Piso isa, tanga." wika nito bago bigyan ng isang kapirasong papel ang isa sa kanyang mga kaklase.
Pinuntahan din naman siya nila Byul, Hani at Seulgi para manghingi. "Paano pag tropa? Edi walang bayad?" sambit ni Hani nang makarating sa upuan ni Kisum.
Hindi pinagtabi ng upuan ni Mam Irene ang magtotropang ito dahil sila ang pinaka maingay sa klase at dahil narin matalino si Byul at palagi silang nanghihingi ng sagot dito tuwing magququiz o exam.
"Tangina mo, kuripot." pabirong natatawang sabi ni Kisum kay Hani.
Binigyan na niya ito isa isa atsaka bumalik sakanilang mga respective seats.
"Hala, tangina." pagaalala namang hinanap ni Byul ang kanyang bagong biling ballpen na tila ba parang nawawala. "Tangina, G-tech pa naman yon. Mahal yon. Hay."
Nang lingunin naman ni Byul ang kanyang kaibigan na si Seulgi na nasa likod at nagsisimula nang magsulat ay agad naman niyang nakita na hawak nito ang kanyang ballpen.
"Tirador ng ballpen amputa. Hahahaha." natatawang sabi ni Byul atsaka hinablot bigla ang ballpen na hawak hawak niya.
Tumawa naman ito pabalik atsaka napakamot na lamang sa ulo. "Wala na ko ballpen eh. Hahahaha."
"Edi lapis. Hahahaha." natatawang sagot ni Byul.
"Hangal. Ahahahaha." Wala naman itong nagawa kundi kunin nalang ang natitirang lapis na nasa loob ng kanyang bag.
Inabot ng isa't oras kalahati ang kanilang long quiz na para naring exam. Mahirap ito dahil puno ng computation ng tax ang kanilang sinagutan. As usual, naunang matapos si Byul dahil kabisado na nito ang formula at expert na siya sa pagcocompute.
Nang matapos ay agad na pumunta ito kay Mam Irene para ipasa ang papel. Patagong may isinilid naman siya sa loob ng bag ng kanyang propesor nang biglang makalingat ito saglit.
Ilang minuto lang ay kanya kanya nang nagpasa ang mga kaklase at nahuling natapos ang nahihirapan si Seulgi sa bandang pinaka likod ng upuan.
Habang tinatawanan nila Byul ang nahihirapang kaibigan ay sa wakas natapos narin ito.
"Ano 'to?! Bakit lapis ang gamit mo?!" biglang sigaw ni Mam Irene nang ipasa ni Seulgi ang kanyang papel.
Pigil tawa namang hinihintay nila Byul ang kanyang kaibigan sa may pintuan.
"Alaws na ko ballpen, mam." nagkibit balikat na lamang ito dahil wala naman talaga siyang ballpen.
Diretso naman itong pumunta sakanyang kaibigan para tuluyan na silang lumabas ng room. Pagkalabas ay biglang sumigaw nanaman ito ng malakas habang tinatawag ang kanyang pangalan. "SEULGIIIII!!!!!"
Agad namang tumakbo pabalik si Seulgi para puntahan ang kanyang propesor. "COME TO MY OFFICE, NOW!" rinig nila Byul na pagkakasabi ni Mam Irene habang naghihintay sa labas ng room.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...