Chapter 15

191 4 2
                                    

Third POV

Walang naman nangyari sakanilang dalawa ni Yongsun sa loob ng elevator dahil pinakiusapan siya nito na wag sa kumpanya niya magkalat at ihatid nalang siya pauwi ng bahay ni Byul.

"Tangina ka, nabitin ako." inis na pagkakasabi ni Byul sabay hampas ng manibela habang nagdadrive.

"Putangina mo pala eh. Muntik mo na mabasag yung salamin dun sa sobrang lakas ng pagkakatulak mo sakin. May pambayad ka ba? Ha? Wala. Hampaslupa." iritadong pagkakasabi ni Yongsun.

Tinignan siya nito ng masama at inalis bigla ang tingin niya kay Byul dahil nagsisimula na siyang matakot sa mga mata nito.

Mukhang wala pang maayos na tulog si Byul dahil sa laki ng eyebags niya at hindi rin maayos ang buhok niya.

"Naiinip na ko, Yongsun." gigil na pagkakasabi ni Byul at ngumiti ng nakakaloko habang nakatingin parin nang diretso kay Yongsun.

Tumindig naman ang balahibo ni Yongsun dahil ito ang unang beses na tinawag siya nito sakanyang pangalan at naramdaman din niyang inilapag nito ang isang kamay para hawakan ang kaliwang hita niya.

"Hindi na ko makapaghintay."

Sigurado si Yongsun na puno ng pagnanasa ang tonong iyon.

At hindi nga siya nagkamali dahil dahan dahan nitong hinimas ang kaliwang hita niya at nang mangigil ay hinigpitan nito ang hawak.

"Focus on the road, stupid." kabado ngunit matigas ang pagkakasabing iyon ni Yongsun.

Hindi siya takot na mabangga sila.

Takot siya sa tumatakbo sa isipan ni Byul ngayon at sa kung anong pwedeng gawin nito sakanya.

Ibinalik na ni Byul ang tingin sa kalsada at nagsimula namang tumugtog ang isang kanta sa radyo.

🎶 Ikaw ang anghel na napadpad sa impyerno..... 🎶

Kasabay ng linyang iyon ay ang pagtanaw muli ni Byul kay Yongsun na nakadungaw ngayon sa bintana.

May dahilan kung bakit ganito si Yongsun ngayon.

Nararamdaman niyang mabait itong tao.

Kasalungat sa tunay na pagkatao ni Byul.

🎶 Ako ang demonyong gagabay sa iyo... pabalik sa langit. 🎶

Nang makumpirma na siya talaga ang demonyong karakter sa kanila ni Yongsun...

Isang ngiting demonyo ang umukit sa labi ni Byul.

🎶 Habang tayo ay paakyat... Ako'y napaibig.... sayo. 🎶

Kumaripas bigla ang bilis ng takbo ng kotse patungo sa bahay ni Yongsun.

Hindi sa mansyon o mamahaling bahay nakatira si Yongsun ngayon.
Na labis namang pinagtaka ni Byul.

"Apartment?" nagtatakang tanong nito nang makita ang bahay na tinutuluyan ni Yongsun ngayon.

Tumango naman si Yongsun at nagsimula nang buksan ang gate pagkatapos nilang makalabas ng kotse.

"Praktikal kasi akong tao." ang tanging naging sagot nito.

"Bili lang ako yosi sa tindahan." pagpapaalam ni Byul nang makakita ng tindahan sa maliit na eskinita.

Hinayaan lang siya ni Yongsun at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay. Nang isara ang pinto ay bigla itong huminga ng malalim.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon