Chapter 81

80 1 0
                                    

The real owner

Third POV

"Ano, unnie? Sarap diba. Grabe, magorder ka pa nga sa menu, Whee. Gutom na gutom ako today. Kailangan kong magpakabusog." wika ni Hyejin na bitin pa sa inorder nilang halos family meal na, kahit tatlo lang sila.

Hindi nakapunta si Jinyoung ngayon dahil may biglaang meeting ito kanina.

"Di ka nahihiya? Laki na ng tiyan mo oh." reklamo ni Whee, dahil halos si Hyejin naman ang nakaubos ng inorder nila.

"May susundan ba agad yung dalawa?" pabirong wika ni Yongsun sa dalawa.

Natawa naman ang lahat at bumalik na sa pag kain si Yongsun, tumakal ng isang kanin atsaka pinagpatuloy ang pagubos ng Beef and Mushroom na inorder naman niya.

"Sarap?" tanong ni Hyejin.

Tumango naman si Yongsun dahil nakasubo pa sa bunganga niya ang kutsara.

"Talaga?" biglang sabat ng boses na nagmula sa likod nila Hyejin at Wheein.

Laking pagtataka naman ng tatlo kung bakit at sino ang taong biglang sumama sa conversation nila.

At halos mabilaukan naman si Yongsun nang biglang bumungad ang pagmumukha ni Byul na papalapit sakanilang table.

"Shuta." nanlalaki matang reaksyon ni Hyejin sa nakita.

Napalunok na lamang si Wheein at paulit ulit na naglipat ang tingin sa dalawang si Yongsun at Byul.

"Waiter. Wag niyo na sila bigyan ng bills. Ako na magbabayad sa lahat ng inorder nilang pagkain." utos ni Byul sa isang waiter na bigla niyang tinawag. Tumango naman ito atsaka iniabot ang menu kay Byul.

"May top seller kaming dish dito. Baka gusto nitong itry? Basta order lang kayo ng order. Sagot ko naman." confident na pagkakasabi ni Byul na nagpasimangot ng mukha ni Yongsun.

"Ang yabang." bulong ni Yongsun na medyo napalakas.

Nilingon naman siya ni Byul at pinaulit ang sinabi niya. "Ano yun? Ms. Kim?" nakangising tingin niya kay Yongsun.

Bigla namang nagsalita si Hyejin bago pa sumagot pabalik si Yongsun. "Teka wait sandale, ano ka ba dito squammy?! Manager o Supervisor?" nagtatakang wika ni Hyejin sakanya dahil kanina pa ito nagyayabang. Parang nung huling kita lang nila dito eh estyudante pa si Byul at umaasa pa financially kay Yongsun.
"Squammy? Manager? Supervisor?" paguulit ni Byul sa sinabi ni Hyejin.

Tinakpan naman bigla ni Wheein ang bunganga ni Hyejin para hindi na ulit niya tawaging squammy si Byul. Dahil ayun ang sikretong tawagan nila kay Byul pag wala ito.

"Ah, Byul? Ano ba yung top seller niyo dito? Matry nga. Libre mo naman diba? Hehe." pagiiba bigla ng topic ni Wheein.

Iniabot naman sakanya ni Byul ang menu atsaka itinuro. Habang nakatalikod, kita naman ni Wheein na patagong nag mamake face si Yongsun sa likod ni Byul kaya hindi niya masyadong naintindihan yung mga pinagsasabi ni Byul.

"Ahh. Sige, sige. Yan nalang!" patay malisya ni Wheein kahit wala talaga siyang naintindihan.

Tinawag naman ulit ni Byul ang waiter para utusan ito. At padabog na sinubo naman ni Yongsun ang kutsara habang patuloy na kumakain. Bigla naman siyang nauhaw kaya kinuha niya muna ang baso na may tubig atsaka dahan dahang ininom ito.

Pagkatapos utusan ang waiter, bigla namang itong umupo sa may tabi ni Yongsun at halos mabuga naman ni Yongsun ang iniinom na tubig dahil sa taong biglang tumabi sakanya.

"Ano? Masarap ba yung dish, Ms. Kim?" nakangising wika ni Byul sa katabi niya.

Inirapan naman ito ni Yongsun atsaka hindi sinagot. "Sungit." dagdag ni Byul.

Tahimik namang nakatulala sina Hyejin at Wheein, na hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon sakanilang dalawa.

Kahit hindi pinapansin ay pilit parin itong kinausap ni Byul. "Yongsun. Ms. Kim, pansinin mo naman ako." kung kanina ay nakangisi, ngayon ay nakangiti na si Byul habang nakaharap sa katabi niyang si Yongsun.

Yumuko naman bigla si Yongsun at malakas na nagpeke ng ubo para kunwari ay nabilaukan siya bigla.

"Ack! Aray! Natinik ata ako." patuloy na pagkukunwari ni Yongsun.
Dali dali namang kumuha ng tubig si Byul, ibinigay ang baso at sinubukang tulungan si Yongsun.

Dahil kilala na ng dalawa ang kanilang unnie, at wala namang tinik ang chicken fillet na kinakain niya. Nahalata naman kaagad nila Hyejin na nagkukunwari lang ito.

"Unnie, walang tinik ang chicken fillet." biglang wika ni Hyejin, na nagpatigil sa dalawa.

"Loka." natatawang wika ni Wheein.

Hindi naman maintindihan ng dalawa kung anong eksena ang biglang ginawa ng kanilang unnie kaya nagkibit balikat na lamang sila.

"Sabi ko nga." tugon ni Yongsun na parang walang nangyari at nagpatay malisya nalang.

"Excuse me, ito na po yung inorder niyong top seller." maingat na inilapag ng waiter ang dish na iniutos ni Byul sa table nila at bigla namang may naalala si Wheein na itatanong niya nga pala kay Byul na nakalimutan niya kanina.

"Byul? Pero, di nga manager ka dito noh?" biglang tanong ni Wheein.

Ngumiti muna si Byul bago sagutin ang tanong ni Wheein. Maging si Yongsun ay naghihintay din ng sagot niya.

"Hindi. Ako yung owner." sagot niya.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon