Chapter 31

110 2 0
                                    

Byul POV

Nang matapos ang laban ay agad na hinanap ng team lady ace ang grupo nila Yeji para hanapin si Ryujin.

"Byul, handa mo na yung bulaklak. Kami na bahala sa tarpaulin pati kila Yeji. Sampalin ko ng bola 'yon sa mukha." wika ni Kisum habang nagmamadaling ibinigay kay Byul ang isang bouquet ng bulalak.

Tumakbo naman agad si Byul nang makita palabas na ng gymnatorium sila Ryujin.

"Ayun! Palabas na sila!" turo ni Byul sakanila at dali dali namang sumunod lahat ng player ng team lady ace kay Byul.

Nang tuluyang makalabas, magkakasabay namang iniangat nila Hani ang malaking tarpaulin na may nakasulat na 'I'm sorry' habang winawagayway ito papalapit sa direksyon nila Ryujin.

"Love." pagpigil ni Byul bigla sa paglalakad ni Ryujin ng malakas.

"Byul?" tumingin ito ng masama sakanya at pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Byul sa braso niya.

"Love, sorry na. Please? Patawarin mo na ko." pagmamakaawa ni Byul at iniabot ang bulaklak na hawak hawak niya kay Ryujin.

Nang tignan naman ito ni Ryujin ay napansin din niya ang malaking tarpaulin sa likod ni Byul na may nakasulat na 'I'm Sorry.'

Magkahalong emosyon ang biglang naramdaman ni Ryujin nang makita niya ang lahat ng iyon, ang lahat ng effort ni Byul para sakanya.

"Ryujin, love. I'm sorry. I mean it, I'm really sorry. Walang nangyari saming dalawa nung isang gabi. I promise." sincere na pagkakasabi ni Byul sakanya.

Natigilan ito bigla. Hindi niya maintindihan kung bakit unti unting nawawala ang lahat ng galit niya para kay Byul.

"Totoo?" kahit nagaalinlangan ay dahan dahan niyang tinignan ang mukha ni Byul.

And there she is, ibinalik nanaman siya sa unang araw kung bakit siya nahulog sa taong nasa harapan niya ngayon.

The reason why she loves Byul is because of her sincerity.

Ang assurance na paulit ulit na ibinibigay ni Byul para sakanya.

"Totoong totoo. I love you, I still love you." ngumiti ito ng wagas na lalong nagpawala ng lahat ng galit ni Ryujin sakanya.

Ngumuso naman si Ryujin at ipinikit ang mga mata. "Talaga? Akin ka padin?" nagdududang tanong niya kay Byul.

Hindi ito sumagot at hinalikan lamang sa labi si Ryujin.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon