Unwelcoming
Third POV
Everyone gathered at the pool. Yung mga mayayaman na guests ni Wheein ay may mga sariling mundo having their own conversation with one another.
"Alugin mo na yan, baby. Tagal magpasabog." naiinip na sabi ni Hyejin dahil kanina pa hawak ni Wheein ang sparkling wine sa kamay niya.
"Wait lang, hindi pa nga kumpleto lahat ng guest eh." pagpapaliwanag ni Wheein.
Tahimik lang na nakatayo si Byul sa tabi ni Yongsun habang pinapanood sila Wheein.
May kanya kanya silang hawak na baso dahil sa fountain wine na malapit sa pool.
"Hey, guys. Sorry medyo nalate ako." approach ng lalaki sa likod nila at halos mabitawan naman ni Yongsun ang hawak niyang baso nang lingunin niya ito.
"Ayan! Kumpleto na tayo. Anjan na si Jinyoung." masayang wika ni Wheein at lumipad naman ang tingin ni Hyejin sa dalawa.
"Hi, Wheein. Hi, Hyejin. And Yongsun... hello. it's nice to see you again." nakangiting bati ni Jinyoung sa tatlo at bigla namang naglaho ang ngiti niya nang makita niya si Byul.
"Ba't nandito yan?" salubong ang kilay na tingin niya kay Yongsun.
Napatiklop naman bigla ng kamao si Byul at mahigpit na humawak si Yongsun sa braso niya para lang hindi ito mag simula ng eksena.
"Ikaw, bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Yongsjn pabalik kay Jinyoung.
Lumingon ito kila Hyejin na tila nakatiklop ang bibig sa mga nangyayari.
"Hyejin? Wheein? Sino naginvite kay Jinyoung dito?" iritadong wika ni Yongsun sakanila dahil hindi niya ineexpect na makikita niya si Jinyoung sa party, lalo na't nandito rin si Byul.
Napakagat naman ng labi si Hyejin dahil sa tensyon na namamagitan sakanila at hindi nagtagal ay umamin din ito agad. "Okay, fine. It's me. Maayos naman si Jinyoung eh, hindi naman siguro magkakagulo diba?" she admitted at nginitian ang lahat.
Probably, one of her biggest mistakes.
"Okay, okay. Simulan na natin ang party. Bubuksan ko na 'tong wine." patay malisya ni Wheein kahit ramdam din niya ang kaba na bumabalot sakanilang dalawa ni Hyejin.
She called all the guests to gather around at lahat naman sila ay nakangiting tinitignan si Wheein habang binubuksan ang wine.
"HAPPY BIRTHDAY, JUNG WHEEIN!!!!!" sigaw nila nang biglang sumabog pataas ang sparkling wine, kasabay 'non ang pagkawala ng mga fireworks na nagbigay liwanag at ingay sa paligid.
"WOOOOO!!!!! BEST PARTY EVER!!!" sigaw ng mga guests pagkatapos magpatunog ng dj.
Lahat sakanila ay masaya at nageenjoy habang ang apat naman ay tahimik at puno parin ng tensyon.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
Любовные романыA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...