Some tale of the Ferris Wheel.
Byul POV
Makalipas ang isang araw pagkatapos ng huling gabi na nangyari sakanila ni Yongsun sa bahay nila.
Napagpasyahan namang yayain ni Byul ang kanyang girlfriend na gumala ngayon sa seaside na malapit sa MOA.
Dahil sa labis na pagkaguilty at pangamba sa kasalanang ginawa niya sa paghalik kay Yongsun, ay mas lalo lang niyang naalala ito nang pumunta sila rito.
"Love, nakasakay ka na ba ng ferris wheel?" biglang tanong ni Byul sakanyang girlfriend at tumigil sa paglalakad, habang hawak ang kamay ni Ryujin. Para tingalain ang malaking ferris wheel sa harap nila.
Umiling naman ito at tumingala din para tignan ang malaking rides na nasa harapan nila ngayon.
Magkatabing parehas na nakatingala at magkahawak ang kamay ng dalawa habang tahimik na pinagmamasdan ang mabagal na umiikot na ferris wheel sa harapan nila.
Bigla namang may naalala si Byul sa kanyang pagkabata. "Love, sabi nila. Pag sumakay ka raw ng Ferris Wheel, yung unang taong makakasama mo raw sa pagsakay doon, ay iyon daw yung taong makakasama mo sa pang habang buhay." nakangiting kwento ni Byul habang patuloy nakatingala.
Sinagot naman siya ni Ryujin na tila ba hindi makapaniwala. "Talaga ba, love? Buti nalang pala, hindi ako sumama nung niyaya ako dati nila mama na sumakay." tugon niya na nakangiti.
Napalingon naman bigla si Byul kay Ryujin at nanlalaki ang matang tinignan ng matagal ang kanyang girlfriend. "Love? Talaga? Ako din eh." seryosong pagkakasabi ni Byul.
Nilingon naman siya pabalik ni Ryujin at seryosong nagkatitigan ang dalawa. "Ito ang unang beses na sasakay ako dito, love." dahan dahang lumipat ito kay Ryujin habang patuloy na seryosong nakatingin.
"Kasama ka." dugtong ni Byul atsaka lumawak ang ngiti.
Napanganga naman bigla si Ryujin at maingat na hinila ito ni Byul papalapit sa counter na pagbabayaran ng ticket para sumakay sa Ferris Wheel.
Pagkatapos pumila ng mahigpit sa kahalating oras ay nakakuha na ang dalawa ng ticket at tumigil muna bigla si Byul bago sila tuluyang makapasok sa loob.
"Wait lang, love. Diyan ka lang muna. Tapos dito lang ako, malapit sa pinto." Byul instructed at sinunod naman iyon ni Ryujin kahit na nagtataka. Pinaatras muna ito ni Byul palayo sakanya, na hindi gaanong malayo sa pagitan nila.
Hindi malayo ang agwat ng dalawa na parehas nakatayo at nakaharap sa isa't isa.
Seryosong nagkatingian naman ulit ang dalaw,. habang naghihintay na muling may magsasalita sakanila.
"Remember what I said? After kong makagraduate, I'll find a place for us to stay. Tapos kahit ahead ako ng isang taon sayo, sabi mo you'll move in with me kahit na nagaaral ka parin." Byul smiled, reminiscing their conversations and their past.
Most especially, their promise.
Ryujin nodded nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Byul.
"So yeah. Tutal, hindi naman natin alam kung totoo nga yung kasabihan. And since parehas naman tayong hindi pa nakakasakay ng Ferris Wheel. Why don't we..." Byul stopped nang biglang magsalita si Ryujin.
"Try it? Are you sure?" nakangising tugon ni Ryujin kay Byul at tila ba nangaasar dahil parang trip lang ni Byul na sumakay dito.
Napangiti naman si Byul atsaka biglang seryoso ang mukha na tinignan si Ryujin sa mga mata. "What if I'm serious?" Unti unti ay iniangat ni Byul ang isang kamay para iabot ito kay Ryujin.
"Do you want to spend the rest of your life with me, Shin Ryujin?" Ngumiti ulit si Byul at patuloy na naghihintay na kunin ni Ryujin ang kamay niya.
Pigil ngiti namang umirap si Ryujin at dahan dahang lumapit kay Byul.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomansaA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...