Third POV
"Oh, hindi ka ba masaya ngayong araw, love? Bakit nakasimangot ka." pansin ni Byul nang makitang nakasimangot si Ryujin.
Nakatayo sila ngayon sa labas ng MOA malapit sa antayan ng grab.
"Paano kasi, nakalimutan mo yung monthsary natin. Nakakatuwa 'yon, ha? Kainis ka, love." inis na pagkakasabi ni Ryujin sakanya.
Tumawa naman ng mahina si Byul dahil sa pagiinarte ng kanyang girlfriend. "Eh diba, hindi na nga tayo nagcecelebrate ng monthsary kasi anniversary na yung pinaghahandaan natin."
Maingat na hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Ryujin at iniharap ang nagtatampo girlfriend sakanya. "Anniversary kasi alam nating tayo parin kahit anong mangyari." seryoso itong tumingin sa mga mata ni Ryujin at sinimulan pisilin ang magkabilang pisngi niya.
"Wehhh?" kahit nakasimangot ay hindi naman nito mapigilang ngumiti kay Byul habang patuloy pinipisil ang pisngi niya.
"Talaga? Ako parin?" nakangiting wika sakanya ni Ryujin.
Tumango naman si Byul at agad na hinalikan sa noo si Ryujin.
Huminto naman bigla sa harap nila ang kanina pa nilang hinihintay na grab.
"Tara, love." aya ni Byul at mabilis na binuksan ang pinto para kay Ryujin.
Napangiti naman si Ryujin dahil sa pagka gentlewoman nito.
"Bookmark lang po natin yung destination niyo." approach sakanila ng grab driver nang makapasok sila sa loob.
Binigay naman nila Byul ang exact address na bahay nila Ryujin. Magjejeep nalang pauwi si Byul pagkatapos niyang ihatid si Ryujin sa bahay nila.
"Nagenjoy ka ba? Happy monthsary." nakangiting bati ni Byul sa kanyang girlfriend.
Ngumiti naman ito pabalik at sinimulang yakapin si Byul nang mahigit habang nasa backseat silang dalawa. "Happy monthsary din, love. Grabe, ngayon ulit nangyari 'to." wika ni Ryujin na sobrang saya sa date nila ni Byul ngayong araw.
"Ang alin? Anong pinagkaiba nun sa mga nakaraang araw?" naguguluhang tanong ni Byul.
"Diba madalas na tayong magaway nung mga nakaraang araw. Akala ko hindi na tayo magiging masaya ulit." ramdam ni Byul ang lungkot sa mga tono ni Ryujin.
Kung hindi niya lang siguro nakilala si Ms. Kim, ay hindi ito mahihirapang piliin si Ryujin araw araw.
"Yeah, about that... kalimutan na natin 'yon. Okay? Ang mahalaga, tayo parin." inabot naman ni Byul ang mga kamay ni Ryujin at mahigit na hinawakan ito.
Sa ganitong paraan, maiparamdam niya kay Ryujin na patuloy parin siyang kumakapit.
Tumingala naman si Ryujin sakanya habang nakayakap parin ito kay Byul. Nang tignan ni Byul pabalik ay bigla siyang hinalikan ni Ryujin sa labi.
"Byul, I love you." sambit nito habang patuloy na hinahalikan si Byul.
Napahawak naman si Byul sa mga binti ni Ryujin at madiin na hinalikan siya pabalik.
"I-i... love you, too." nauutal na sagot ni Byul sa gitna ng kanilang paghahalikan.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...