Three months later...
Third POV
Simula noong huling gabi na nangyari ang hindi inaasahan ng dalawa ay nagpatay malisya na lamang si Ryujin at isinawalang bahala ang lahat ng iyon. Wala din naman saysay kung magseselos pa siya o magagalit sakanilang dalawa ni Yongsun dahil umalis na nga ito ng bansa at nakakatiyak siyang hindi na muli pang magcocross ang landas ng dalawa.
Sa loob ng tatlong buwan ay normal parin naman ang pakikitungo nila Byul at Ryujin sa isa't isa. Ngunit maingat na sila ngayon at hindi na padalos dalos. Magkatabi parin naman sila tuwing matutulog habang yakap ang isa't isa. Naghahalikan pero hindi na ganoon karahas.
"Love?" unang sambit ni Ryujin ng pangalan pagkatapos niyang idilat ang mga mata at magising.
As usual, nakatalikod nanaman si Byul sakanya at hindi na nakaharap. Sa tuwing matutulog silang dalawa ay yakap naman nila ang isa't isa, ngunit pagsapit ng umaga ay kumakalas na si Byul bigla ng yakap at nagigising na lamang si Ryujin na nakatalikod na si Byul sakanya.
Marahil ay nagiingat na si Byul na baka may mangyari ulit sakanilang dalawa at hindi pa handa si Ryujin.
Ang nais paniwalaan ni Ryujin.
Dahil ang totoo, ayaw niyang aminin sa sarili na baka si Yongsun ang naging dahilan kung bakit nagkaganito si Byul.
Ang pagalis ni Yongsun.
Habang nakatalikod si Byul ay yumakap naman si Ryujin sa likod niya. Inalala ang mga nangyari sa loob ng tatlong buwan. Natanggap at nakakuha ng trabaho si Byul, nakapagenroll na siya ng first sem sa pagiging fourth year student. Kaklase parin naman niya sila Yeji at bumibisita naman ang mga kaibigan ni Byul sa bahay nila tuwing nagkakaroon ng free time.
Everything seems fine. Ok naman ang lahat, hindi ba? Oh siya lang talaga ang may gustong paniwalaan ang lahat ng iyon.
Dahil sa pag aakalang tulog pa si Byul ay pilit na inilapit ni Ryujin ang ulo sa mukha niya para sana nakawan ito ng isang halik sa pisngi, ngunit bigla naman itong natigilan nang may mapansing kakaiba sa mukha ni Byul, na nagpapintig bigla ng puso ni Ryujin.
Isang luha.
Isang luha ang kusang tumulo na galing sa isang mata ni Byul.
"Love..." muling tawag ni Ryujin nang mapansing kanina pa pala gising si Byul.
Natataranta naman itong agad na pinunasan ang luha niya. Niligon si Ryujin at mabilis na humalik sakanyang labi. "Goodmorning." bati ni Byul at dahil sa labis na pangungulila ay pilit lang itong ngumiti.
"Love, anong problema? Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Ryujin dahil sa kanyang nakita.
Umiling naman kaagad si Byul para hindi na ito magalala pa at muling nagsalita. "Naalimpungatan lang ako love." pagsisinungaling ni Byul.
Dahil ang totoo, patago itong bumisita ng profile account ni Yongsun kanina at hindi naman niya ikinatuwa ang kanyang nakita roon.
"Tara na, love. Ipagluluto na kita ng breakfast. " wika ni Byul atsaka bumuntong hininga. Maingat na hinila nito ang braso ni Ryujin para yakapin ito ng mahigpit.
Habang nakayakap ay nakadungaw ang ulo nito sa likod ni Ryujin habang nakatingin sa kawalan. Tulala at hindi maintindihan ang nararamdaman.
Paulit ulit na kinumbinse ni Byul ang sarili na hindi siya nagsisisi at nagkamali sa naging desisyon niya noon.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...