Chapter 26

127 3 1
                                    

Byul's Birthday Celebration.

Nang matapos surpresahin ni Ryujin si Byul para sa kanyang kaarawan ay mabilis itong tumakbo papalapit kay Byul at agad na hinalikan sa labi sa harap ng taong mga nasa paligid lang nila.

Mabuti na lamang ay wala ang mga magulang ni Byul at tanging ang nakababatang kapatid niya lang ang nakakita dahil baka mabuking ang kanilang relasyon nang wala sa oras.

"Yun lang." wika ni Kisum dahil sa labis na pagkainggit, hanggang ngayon kasi ay wala parin itong jowa.

"Hahahaha. Sana all hinahalikan ba, Kisum?" natatawang biro ni Hani sakanya.

"Inggit si gago. Hahahaha." dagdag na pangaasar ni Seulgi.

Nakanganga namang napatulala ang kapatid ni Byul na patuloy paring hinahalikan ni Ryujin sa harap nila. Ngunit hindi iginagalaw ni Byul ang kanyang bibig para magresponse sa mga halik ni Ryijin.

"Hala, gago. Takpan mo mata bilis. Bata pa yan. Bawal pa sakanya yan." natatarantang utos ni Kisum kay Hani nang makita ang nakangangang si Seulgi, na kapatid ni Byul. At agad namang pumunta si Hani para takpan ang mga mata nito.

"Ay, hala ate hani. Hahahaha nabigla lang ako. Jowa pala siya ng kapatid ko." natatawang sabi ng nakababatang kapatid ni Byul nang takpan ni Hani ang kanyang mga mata.

"Hahahaha oo matagal na sila niyan. Halos dalawang taon na." tugon naman ni Hani.

"Ahh ganon ba? May pang blackmail na ko sakanya kay Papa." pabirong sabi nito na nagpatawa sa lahat ng tropa ni Byul.

Nang matapos ay tinignan naman ni Ryujin ang gulat na ekspresyon ni Byul. Hindi naman ito ang unang beses na tumama ang mga labi nila pero bakit parang ganoon na lamang ang reaksyon sa mukha ni Byul?

Wala pa naman nangyayari sakanila ni Byul pero kahit papaano ay naghalikan na sila noon. Halos kabisado na ni Ryujin ang mga maingat at mabagal na halik ni Byul. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi ito nag response sa mga halik niya at nagulat na lamang sa ginawa ni Ryujin.

"Love, hindi mo nagustuhan yung halik ko? Sorry. Ang tagal na kasi simula nung last na hinalikan mo ko eh." wika nito kay Byul na agad namang nagpabalik sa realidad niya.

May girlfriend nga pala siya. At hindi nga lang si Yongsun 'yon.

Hindi naman nakaimik kaagad si Byul at nanatiling tahimik.

Bakit feeling niya mali na hinalikan siya ni Ryujin?

"Umm, love. Nandito kasi yung pamilya ko. Lalo na yung nakababatang kapatid ko. Siguro maging maingat ka nalang sa susunod." seryosong pagkakasabi nito kay Ryujin dahil hindi rin siya natutuwang bigla siyang hinalikan nito.

Kita naman sa mukha ni Ryujin na bigla itong nalungkot pero agad niyang pinalitan 'yon ng ngiti para simula nang ayain si Byul kainin ang mga pagkaing inihanda nila para sakanya.

Nang isa isang tumungo papunta sa sala ay bigla silang nakarinig ng katok galing sa pinto.

Lahat sila ay napalingon at nagpalitan ng tingin sa isa't isa.

"Uy, may bisita parin? Sino pang inaya niyo?" naguguluhang tanong ni Hani ngunit wala isa sakanila ang makasagot.

Dahan dahan namang naglakad si Kisum papunta sa pinto para siya na ang magbukas para dito.

Nang buksan ang pinto ay muntik nang mapamura si Byul ng malakas at lahat sakanila ay may kanya kanyang gulat na ekspresyon sakanilang mga mukha.

"Ms. Kim?" nagtatakang bati ni Kisum kay Yongsun sa pinto habang may dala dala itong cake at balloons para kay Byul.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon