A new day.
Byul POV
Habang naglilista ng mga bibilhin para sa magiging handa ni Ryujin mamaya. A few minutes later, nakarinig naman siya ng iilang footsteps papalapit sakanya atsaka niyakap siya nito ng mahigpit sa likod.
"Love." mahinang tawag ni Ryujin na halatang kakagising lang at inaantok pa.
"Uy, gising na pala siya. Happy birthday, love." wika ni Byul nang lingunin niya ito atsaka hinalikan sa noo.
Napapikit naman si Ryujin dahil inaantok parin ito at napansin naman ni Byul iyon, kaya agad na maingat itong hinila ni Byul sa sofa atsaka hinayaan na lamang si Ryujin na yumakap ulit sakanya, para muling matulog habang nakaalalay parin si Byul.
"Hmm? Love?" muling tawag ni Ryujin na inaantok padin ang boses.
"Shh, love. Tulog ka pa ulit. Inaantok ka pa oh." tugon ni Byul sa inaantok na si Ryujin.
Ngumiti naman ito ng malawak atsaka pilit na tumingala para tignan ang maaliwalas na mukha ni Byul. "Eh ayaw ko nga, love. Kagigising ko lang sa reality eh. Tapos ganitong mukha pa yung bubungad sakin. Ayaw ko nang matulog ulit." nakangiting wika ni Ryujin atsaka ngumuso.
Yumuko naman si Byul para titigan ang nakangusong si Ryujin, at imbis na sa labi ay hinalikan nalang ulit ito ni Byul sa noo. "Happy birthday, my love. Mamaya magcecelebrate tayo ng birthday mo, ha? Sige na, idlip ka na muna ulit." wika ni Byul nang matapos siya sa paglilista. Dahan dahan namang inihiga ni Byul si Ryujin sa sofa, para magsimula na itong umidlip. Dahil bibili na siya ng mga ingredients na kakailanganin para mamaya.
"Love! Bilisan mo umuwi. I-video call mo ko mamaya." biglang wika ni Ryujin para paalalahanan siyang umuwi ng maaga.
Tumango naman si Byul. Pilit na inabot ang kumot na nasa isang sofa atsaka inilagay ito sa buong katawan ni Ryujin. "Opo, love. Bili na muna ako ah? Sabihan mo ko pag dumating na sila Yeji o sila Hani. Lock mo lang pinto, wag basta basta magpapapasok." advice ni Byul bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...