Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 3

2.6K 84 0
                                        

Royalty's POV.

Halos ilang araw na ang nakakalipas ng magyaya si Arlo ng lunch kay Jenny, at si Jenny? Ayun nagtatampo sa akin. Nagulat na lang ako dahil sa biglaang pagdikit niya dun sa mga cheerleaders na babae nitong Everest.

Kahit anong pakiusap ko hindi niya ako pansinin kaya malungkot ako ngayong araw.
Ilang araw na nung naging magkakasama sina Jenny at ang squad na iyon, habang ako naman hindi tinitigilan ni Ikov.

"Royalty...kausapin mo naman ako oh!"habol pa ni Ikov.

"Ano bang gusto mong pag-usapan ha? Layuan mo na ako Ikov, hindi kita trip."sagot ko.

"Well itrip mo ako."

"Hindi mo gugustuhin kapag pinagtripan kita."

"So wild, I like that—aray! Masakit yan!"hinampas ko siya ng libro.

"Lubayan mo ako!"anas ko at sumakay sa jeep.

Nang makauwi ako ay agad akong nagdiretso sa kwarto at nagpalit ng damit. Napakahirap intindihin ng sitwasyon ko ngayon sa totoo lang, tampo si Jenny tapos may ipapasa pa akong requirements tsk!

Bumaba ako at napagpasyahang manood muna ng telebisyon habang naghahanda pa si Nanay sa hapag.

"Oh? Anong mukha yan?"tanong ni Kuya ng makababa.

"Wag mo akong bwisitin ngayon Kuya."sagot ko.

"Hindi naman ah."tanggi pa niya.

"Tulungan mo na lang si Nanay."utos ko.

"Nakapag utos pa, lakas ah!"sagot ni Kuya at nagpunta na ng kusina.

Nang makapunta ako sa kusina ay nagsimula na akong kumain at inayos ang sarili ko. Ako na din ang naghugas ng pinagkainan at muling nanood sa tv.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng may tumawag sa telepono ko.

"Hel—"

"Royalty, s-si Jenny isinugod sa ospital ngayon!"mabilis na pagtayo ang ginawa ko at nagmadaling kinuha ang susi ng kotse ko.

"Saan ka pupunta Celeste?"tanong ni Kuya.

"S-Si Jenny..."halos manlamig ang kamay ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

Tanging si Jenny lang ang nasa isip ko at hindi ko na alam!!!

"Anong nangyari kay Jenny?"

"Nasa ospital siya ngayon."

"Saan ka pupunta Celeste?!"tanong ni Tatay habang bumababa ng hagdan.

"Pupuntahan ko si Jenny—"

"Gabi na-"

"Tay kaibigan ko si Jenny, kahit anong pigil niyo wala kayong magagawa. Mas uunahin ko ang kaligtasan ni Jenny kesa kaligtasan ko."

"Celeste bumalik ka dito! Celeste!"pumasok ako sa kotse ko at nagmaneho papalabas ng Subdivision namin. Pinaharurot ko ang kotse at mabilis na nakadating sa hospital. Hinanap ko ang ER at doon nakita sina Tito, Tita at Kuya Troy.

"Kuya Troy, anong nangyari? Nasaan si Jenny?"tanong ko.

"Na-Nasa ER pa siya hanggang ngayon at balak ilipat sa operating room para tahiin ang ilang hiwa sa balat n-niya..."naiiyak na paliwanag ni Tita pinatahan  siya ni Tito habang ako'y hindi alam kung paano magrereact.

Nakalipas ang ilang minuto at inilipat na si Jenny sa OR, noong oras na mahagip ng mata ko si Jenny ay hindi ko siya makilala. Nasa kritikal na lagay si Jenny, yun ang masasabi ko.

"Nakita namin siya 3 blocks away sa bahay, hinanap namin siya dahil hindi naman siya umuuwing gabi."paliwanag ni Kuya Troy.

Tama siya, hindi nga umuuwing gabi si Jenny.

"May ibang witness na nakakita pero hindi pa rin sapat ang ebidensya."dagdag pa niya.

"Sa tingin mo may CCTV footage naman sa pinangyarihan diba?"halos umasa na ako.

"Oo, ngayon iniimbestigahan ng mga pulis ang pinangyarihan. Pati na rin ang actual footage."napakuyom ang kamao ko.

Oras na malaman ko kung sinong may dahilan ng pangyayaring iyon, isinusumpa kong masasaktan gamit ng dalawang kamao ko. Naghintay pa ako ng ilang oras pero agad na akong pina-uwi nina Tita dahil sa may pasok ako bukas.

Sumang-ayon na din ako dahil nakaramdam ako ng pagod kahit wala naman akong ginawa. Sana'y maging ayos na ang lagay ni Jenny.

Nang papalabas na ako ng pintuan ng ospital ay halos mapaupo ako dahil sa taong nabangga ko.

"Tanga ka ba?!"singhal nito. Inis akong tumayo at pinagpagan ang pajama kong nadumihan.

"Tanga?! Eh ikaw tong walang modong hindi umiwas alam mong may mabubunggo ka na?"sarkastikong sagot ko.

"Kilala mo ba ako ha?"tanong ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Kahit ano pang gandang lalaki neto kung ganitong kawalang modo, hindi ko 'to papatusin!

"Wala akong pakialam kahit kilala pa kita!"sagot ko.

"How dare you!"sagot niya. Mabilis niyang binunggo ang balikat ko at nilagpasan. Dala ng inis ay dinampot ko ang kanan kong tsinelas at ibinato iyon sa kanya mula dito sa kotse ko hanggang sa puwesto niya.

HEADSHOT! O HA!!!

Yabang eh!

Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon