Royalty's POV.
Nakalipas ang isang isang Linggo at ngayon ilalabas sa ospital si Jenny. May ilan pa siyang sugat na hindi humihilom pero ayos lang daw yun dahil hindi na
naman daw masakit.
"Miss ano nga ulit ang pangalan mo?
"nanatili akong nakatulala sa mga taong ibinabagsak ang mga kalaban sa sahig.
"Royalty Celeste Hernandez."sagot ko.
Sasali ako sa Martial Arts Club dito sa unibersidad namin... ang Everest University.
Hindi niyo ako masisisi, gusto ko pang lumawak ang kaalaman ko sa self defense at hindi ko na sasayangin ang oras.
"Ilang taon?"sabi pa ng lalaki.
"18."tumango ito at isinulat sa kanyang kuwaderno ang aking mga isinasagot.
"Phone number?"nangunot ang noo ko.
"Wait, talaga bang kailangan ang phone number? Hindi naman sa namamakialam ako pero club 'to diba, anong kailangan niyo at pati phone number ay kukunin niyo pa?"tanong ko.
"Edi wag mong ibigay, ayaw mo pa ng ka textmate."sabi niya at napapangusong ibinigay sa akin ang damit na susuotin. Napapikit na lang ako. Hangga't maaari ay kailangan kong kontrolin ang pasensiyang meron ako.
Nang makapasok ako sa loob ay sari-saring bulungan ang sumalubong sa akin. Ano pa nga bang aasahan sa mga taong nakakita na may binugbog ako?
'Diba yan yung babaeng bumugbog kina Ikov'
'Yeah, nakita ko yun.'
'She's cool i think'
Nang makapagbihis ako ay umupo na ako sa sahig kasama ang iba pa.
"My name is Devorah, at ako ang magiging coach niyo sa buong year na ito."saad ng isang babaeng kaedadan lang ng mga nagiging propesor namin. Nanatili akong nakatingin at nakikinig ng may tumawag ng pangalan ko. Yung lalaki kanina sa labas na nagtanong sa akin ng info ko.
"Bakit?"tanong ko.
"Dito ka sa tabi ko, may sasabihin ako sayo."lumipat ako at umupo sa tabi niya.
"Ako si Marcos."pakilala niya.
Err Ferdinand Marcos?
"I'm Royalty."sagot ko at nakipagkamay mahina itong tumawa.
"Hindi ako nakikipagshake hands pero nanghahalik ako."inis akong lumayo sa kanya. Manyak pala ang ga*ong to eh!
"Lumayo nga daw siya, biro lang. Bakit ka nga pala sumali sa club na 'to? Bihira lang ang mga babae dito, lilima lang kayo."nagkibit-balikat ako.
"Nagkaroon nga kayo ng mga babaeng miyembro puro chismosita naman, sayang lang tong club niyo."sarkastikong sagot ko. Oo, lilima lang kami at ang iba ay puro lalaki na.
"Yan si Karla."turo niya sa babaeng may black belt na nakaupo at nakikinig.
Kulot ang buhok nito at inaamin kong maganda siya. Makinis at maputi, mahaba ang pilik mata, at magandang pagkakaahit ng kilay.
"Ano namang meron diyan?"tanong ko.
"Siya ang defending member ng club na 'to. Isa siyang black belter. Siya ang pinakaantipatika sa lahat ng babae dito kaya lumayo ka sa kanya, mahilig yang mandarag."nanatili akong nakatingin sa babae.
Nagsimula ang pagtuturo at masasabi kong magaling nga si Karla sa pakikipaglaban. Alam kong magaling siya at black belter siya pero bakit kailangang pang siya ang makalaban naming mga bagong member? Matik nang talo nga kami sa kanya.
Nang matapos si Marcos ay halos matawa ako, nakangiwi ito at iniinda ang naipit niyang balikat. Hanggang sa pangalan ko ang sinabi ni Coach Devorah...
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...
![Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/222615914-64-k519804.jpg)