Royalty's POV.
Maaga akong pumasok at bumalik na ulit sa dating gawi.
Gusto ko mang kausapin si Jenny ay hindi pwede, tsk."Royalty, buti na lang at pumasok ka ngayon! May ibabalita ako sa'yo!"nangunot ang noo ko.
"Ano namang ichichismis mo, chismosong matsing?"tanong ko.
"Ang gwapo kong matsing ah, pero balik nga tayo sa balita. May exchange student na galing sa Harvard University! Biruin mo, Harvard! Ang yaman nun panigurado."sabi pa niya. Napailing ako bago siya sinagot.
"Tulungan kitang sumipsip dun?"tanong ko.
"Ikaw Royalty ah! Ang lakas mong mang-asar ngayon. Tsk, ang dami mo pa ngang hindi naikukwento sa akin eh."
"At ano namang dapat kong ikwento sa'yo?"tanong ko.
"Bakit kayo magkasama ng Maddox na yun ha? Akala ko ba magkaaway kayo ng lalaking yun?"natigilan ako at muli na namang naalala ang halik na yun.
"Nagkasabay lang kami pagpasok sa gate tsk."sagot ko. Ang hirap talagang magsinungaling!
"Tsk, galit ako dun eh."nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit naman?"taas kilay na tanong ko pa at umupo sa armchair.
"Pitong beses niya akong binangga sa iisang posisyon Royalty, alam mo bang malapit ng mabali ang balikat ko dahil sa pagsanggi sanggi niya sa akin? Nananadya na talaga ang lalaking yun eh, nakakalalaki na!"
"Nakakamatsing kamo."nakangising asar ko.
"Yan ka na naman eh, pasalamat ka talaga babae ka!"sagot niya na ikinailing ko na lang. Nagsimula ang klase at marami sa amin ang humihikab dahil sa napakaboring na subject.
Walang enerhiyang teacher, napakapanget na talakayan, at higit sa lahat malamig kaya't ang sarap talagang matulog.Bumukas ang pintuan ng room namin at doon pumasok ang tatlo, nauna si Maddox kasunod ang dalawa niyang penguin. Kung sa adventure time, si Ice King at ang mga alalay niya. Pfft
Napapitlag na lang ako sa biglaang pagpisil niya sa pisngi ko ng makatapat siya sa akin, tsaka iyon binitawan at umupo sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko dun-- nang-aasar ba siya?!"Mag-usap tayo mamaya, wag kang sasabay sa lalaking yan."nanindig ang balahibo ko ng sabihin niya yun kasabay ang pag ihip niya sa tenga ko.
Inis ko siyang hinarap at seryosong tiningnan, napangisi ako ng matapos dahil sa estilong meron siya. Naka-shades lang naman si Elixir! HAHAHAHAHA! May black eye 'to panigurado.
"Ganda ng shades ah, arbor naman."nakangising asar ko. Kita ko ang pagkawala ng ngisi niya at napalitan ng asar na reaksyon. Inis niyang tinanggal ang shades niya na ikina-impit ng tawa ng dalawa niyang kaibigan. Sabi na nga ba.
"See this? It cost 500,000 to heal."napangisi ako at itinaas ang kamao ko.
"See this? It cost a billion to punch a face. Now, what's the deal?"tanong ko.
"Boom"rinig kong tawa ni Caleb. Napailing ako at muling humarap sa pisara.
"Kinausap mo naman yang lalaking yan. Bad influence yan"natigil kami sa pag-uusap ng may kumatok sa pintuan.
Nangunot ang noo ko nang una pero ng pagbuksan iyon ng isa naming kaklase ay halos tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Nandito ka na pala ijo"nakangiting sabi ni Prof. Humarap sa amin ang lalaki na lalo kong ikinagulat. Jusko, hindi maaari... ang matang yun.
"E-Eli?"tanging nasambit ko.
"My name is Eli Fernandez, ako ang exchange student galing sa Harvard. Nice meeting you all."halos maputol ang hininga ko ng dumapo ang tingin niya sa akin.
"Eli pare! Welcome sa Everest University!"rinig kong sigaw ni Calliber. Siya si Eli, alam kong siya din ang Eli na kilala ko at ni Maddox. Iisa lang ang Eli na tinutukoy namin.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kidnapped By A Gangster [COMPLETED]
Action[JEJEMON VIBES, PERO MEDYO MAY PAGKA-MODERN] Ang storyang ito ay pawang kaburyongan lang sa quarantine HAHAHAHAHA! Masasabi kong maiikli ang laman ng chapters dahil una, wala naman akong balak na habaan 'to HAHAHAHAHA! Ang kuwentong ito ay muli kong...